Chapter 7: Welcome "I'm not flirting you. I like you. Swallow that until it reaches your brain if you have one.” Tama ba talaga ang pagkakarinig ko? O baka naman mali lang ang pagkakaintindi ko? Gusto niya ako? Gusto bilang ano? Gusto bilang empleyado? O gusto bilang. . .ako? H-Hindi. . .hindi naman siguro. Sinabihan niya pa nga akong intindihin iyon kung may utak man ako. Ibig sabihin lang nun di niya ako gusto dahil sinasabi niyang wala akong utak? At isa pa, isang tulad niya? Magkakagusto sa isang tulad ko? Impusible. “What do you like to eat?” bigla niyang sira sa katahimikan na bumabalot sa amin dito sa kotse. Siya ang nagmamaneho habang ako naman ay nasa tabi niya. Dapat nga sa likod ako kaso pinagalitan niya naman ako kanina dahil hindi ko raw siya driver. “A-Ah. . .s-sir so

