Nang makarating, sa likod lang ako ni Sir Sullivan. Pansin ko ang panay na sulyap ng ilang empleyado ngunit iiwas ng tingin sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin. Pumasok kami sa elevator, at katulad kanina, kaming dalawa lang pa rin ang umuukyupa sa loob. Hindi ako makapaniwala. Ito ang unang beses na nagdesisyon ako para sa sarili ko. “I will tell you this before you sign that contract. . .” mas naging malamig pa ang boses ni Sir nang sabihin niya iyon. “. . .I was branded as Monster Boss for a reason.” Tiningnan niya ako mula sa balikat niya. Ramdam ko ang pagngatngat ng kaba sa buo kong katawan dahil sa titig niya. Ramdam ko na ang pagiging authoritative niya. “It's because I'm diabolic,” iyon ang huli niyang sabi bago bumukas ang elevator at nakita ko ang mga empleyado na n

