CHAPTER 27 "DUKOT"

2714 Words
PENNY Nagpatuloy ang aking Pagiging Hands on Mama kay Ali habang patuloy parin sa pag aaral. Dalawang taon na lamang kasi ay makakatapos na ako. Kaya kahit mahirap ang sitwasyon ay kinakaya ko. Sobrang na mi miss ko din si Ali kapag kinakailangan kong mag report sa school. Mabait naman daw kapag iniwanan, may time nga lang daw na umiiyak na akala mo daw ay kinawawa, siguro dahil naiisip ko sya kaya ganon. Kaya pag dating ko ay nag sa sanitize muna ako bago magpakita, dahil once na makita nya ako ay ngingiti na yan at magpapakarga na. Napaka sweet na bata ni Baby Ali. Nagmana talaga sa Tatay nya. Bigla ko tuloy naalala si Alessandro. Ilang buwan na syang wala sa tabi namin, Ilang buwan na na wala akong masabihan at mapagkwentuhan ng mga kwento ko galing sa school, Nakaka miss din pala yung palagi nya akong tinatanong kung kumusta ako? Mapa loob man o labas ng school. Nang gabing iyon ay lumabas si Mad at Jhovell kaya kami lamang dalawa ni Ali sa apartment. Baka gabi na ihatid ni Mad si Jhovell. Napatingin ako sa Kalendaryo, date pala ng kamatayan ni Alessandro, kapag kasi Date kung kailan sya nawala sa amin ay pinagtitirik ko sya ng Kandila sa labas ng bahay. Hindi ko naman kasi nakuha ang Abo nya kaya sa pagtitirik ko na lamang ng Kandila sya inaalala. Nang mapatulog ko si Baby Ali ay kumuha ako ng Kandila at lumabas ako sa may terrace. Doon ay nag sininidihan ko ang Kandila. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko na naman mapigil ang sarili na di maiyak. Ilang buwan na rin ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin ang sakit. Napatingin ako sa Big Bike nya na nakaparada pa ng ayos sa gilid ng terrace. Parang kailan lang ang saya pa namin na magka angkas sa motor nya. Lumapit ako sa kanyang motor at hinawakan ito. Simula ng iparada nya ito dito ay hindi ko pa ito nagagalaw. Binuksan ko ang Box noon at nakita ko pa roon ang towel na dala nya noon na ako pa ang nagpabaon. Hinawakan ko ito saka ko hinalikan at niyakap. Parang naroroon pa ang amoy ng kanyang pabango. "Babe, Sorry naiiyak na naman ako, alam ko na ayaw mo akong nakikita na umiiyak pero sobrang na mi mis kasi kita. Alam mo bang ang hirap pala pero kinakaya ko para sa anak natin. Malapit narin sya mag isang taon ilang buwan na lang. Habang lumalaki sya sobrang nakikita kita sa kanya. Siguro kaya lalaki ang anak natin kasi para para oag nawala ka merong kapalit. Mahal na Mahal kita Alessandro. Pinapangako na gagawin ko ang lahat para aa anak natin, At sisikapin ko na makatapos para mabigyan ko rin sya mg maayos na buhay.'" wika ko pa habang naiiyak pa rin. Maya maya lamang ay pumasok na ako, mag a alas dyes na pala ng gabi. Bago ako pumasok sa kwarto ay tiniyak ko muna na naka lock ang pinto sa likod. Nakatanggap din ako ng mensahe kay Jhovell kung makakaisa ba daw kaming mag ina baka daw kasi madaling araw na o kinabukasan na daw sya mahatid ni Mad. Nag reply Naman ako ng ayos lamang dahil minsan lamang gumala ng bongga ang kaibigan ko kaya ayoko na hadlangan pa kaya sinabi ko na makakaisa naman kami ni Baby Ali. Dahil di uuwi si Jhovell at ni lock ko na rin ang pinto sa loob. Pansin ko na parang uulan pa dahil kakaiba ang hangin. At hindi nga ako nagkamali dahil bumuhos nga ang malakas na ulan. Nang matiyak na ayos na ay pumasok na ako sa silid namin ni Baby Ali, payapa ng ang tulog nito. Kinintalan ko sya ng halik sa pisngi saka ito bahagyang Hinaplos. "Goodnight anak, Nanay and Tatay Alessandro love you so much." Anya ko pa saka ko din kinuha ang picture ni Alessandro saka itinabi sa bandang Ulunan ni Ali. Ilang minuto pa lamang ako naiidlip ay tila naalimpungatan ako. Parang nakadinig ako ng Bumagsak at waring may mga yabag akong naririnig sa gilid ng bahay. Sandali akong nanahimik at nakiramdam meron talagang parang tao. Kinuha ko ang baseball bat na nakalagay sa kwarto namin ni Baby Ali saka ako lumabas at nagtungo sa sala. Halos manlaki ang mata ko na tila mat nagbubukas ng Doorknob. Ibig sabihin nabuksan nila ang susi mg gate o Umakyat sila dito kaya sila nakapasok. "Sino kayo? Anong kailangan nyo? Lumayas kayo!" Sigaw ko sa mga ito sa pag asang Matatakot sila dahil Gising ako at nahuli ko sila. Ngunit imbes na tumigil ay mas lalo pa nitong pinandalas ang pagbubukas. Halos manginig ako sa Takot ng makita na mabubuksan na nito ang door knob. Pero nasa bandang itaas ang double lock nito kaya mahihirapan sya na abutin ito agad. Agad ako pumasok ng kwarto at ni lock ang pinto. Saka ako Tumawag kay Jhovell ngunit Patay naman ang cell nito. "Tumawag din ako kina Tita ngunit ang tagal din sumagot. Hindi ko alam kung maririnig kami ng ibang kapit bahay dahil malakas ang ulan, at isa pa malalaki ang bahay dito kaya di ko alam kung maririnig ba nila kami lalo na at nagpapahinga na rin sila. Bahagya namang umiyak si Ali kaya binuhat ko agad ito at pinatatahan. Halos dasal ang kinapitan ko sa mga oras na iyon. Hwag namab sana na may mangyaring masama sa aming mag Ina. Dinig ko na kinakalampag din nila pati ang pinto sa likod dahil di siguro nila mabuksan ang unahan kaya mas lalo akong kinabahan dahil ordinary na padlock lang ito. Bahagya akong sumilip at nakita ko na patanggal na rin ang doorknob nito. Bumalik kami sa kwarto saka ko hinarang ang duranox sa may pinto. Nakawin na nila ang gusto nila wag lamang kaming saktan ng anak ko. Habang lumalakas ang Kalampag sa Kusina at nabuhayan ako ng Loob ng makarinig ako ng Wang Wang ng pulis na tila nasa harap na agad ng Bahay namin. Kasunod noon ay dinig kong Kumosyon "Walang Kikilos ng Masama! Taas ang Kamay! Dinig kong sigaw ng mga pulis. Halos mapahagulhol naman ako ng Marinig ko ang Tila Tatlong boses ng mga lalaki na tila nav pupumiglas sa mga Ito. Kinatok naman kami ng mga Pulis pagbubuksan ko na rin ang mga ito nang marinig ko ang boses ni Mad at Jhovell na halos hinihingal pa dahil ata sa pagtakbo. "Penny...Penny...Sir kumusta ho ang kaibigan ko?." Dinig kong tanong ni Jhovell. Kasunod noon ang pagbukas ko ng pinto habang karga ko si Ali. "Penny...Penny!" Wika nya saka umiiyak din na niyakap ako. "Penny I'm sorry, Muntik na kayo mapahamak mag Ina, Sana umuwi nalang pala ako agad, sorry...Nasaktan ba kayo?" "Hindi naman, pero kung hindi agad dumating ang mga pulis baka nakapasok na sila ng tuluyan." Umiiyak na wika ko. "Mam, Dadalhin ho namin sa presinto ang mga ito. Mga dati na tong nakakulong at nakapag pyansa lang. "Salamat po , Buti po at dumating agad kayo kung hindi po agad ay baka po napahamak na kami ng Anak ko." "Walang ano man po, nakatangap kami ng tawag galing pa sa ibang Bansa dahil nakita nya daw sa CCtv na may mga lalaking umaaligid sa bahay nyo, kaya agad naman kaming rumesponde." A ya ng Pulis napakunot naman ang noo ko saka ako napatingin kay Mad at Jhovell. "Sige Po Mam..Mauna na po kami. Umasa po kayo na mabubulok ang mga ito sa bilangguan gaya ng bilin ng Tumawag kanina." Anya pa nito. Pagkasabi naman ng pulis ay umalis na nga ang mga ito. Naiwan kaming tatlo at pumasok na rin si Jhovell at Mad. Saka ako nagtanong sq kanila. "Mad, Sino ang Tumawag sa Pulis? Bakit alam na nasa panganib kami ni Ali?" Mahinahon ngunit may pag papaaming tanong ko dito. "Ahmm.Penny I'm sorry kung di ko pa agad nasabi. May CCTV kasi akong nilagay dito sa Bahay nyo. Sa labas, Sa likod at pati rito sa Sala ang reason para sa tulad ng ganitong pangyayari, Si Master Ang tumawag sa pulis. Tinawagan nya rin ako kaya ura urada kaming nagtungo dito pabalik." Sa sinabing iyon nj Mad ay hindi ko agad mahinuha ang sasabihin ko, Si Master na naman ang tumulong sa aming Mag ina? Hangang ngayon ay parati nya parin akong inililigtas sa Masasamang tao mula noon hangang ngayon na may anak na ako. Na appreciate ko ang ginawa nya, Paano pala kung walang nakakita sa amin. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa amin, hindi ko kakayanin lalo na kung may mangyaring masama kay Ali. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kaya sinabi ko kay Mad na iparating nya kay master ang pasasalamat ko. Samantala ALESSANDRO (Master Venom) Hindi parin ako mapakali kahit na alam kong ligtas na ang aking Mag Ina. Para akong timang kakaisip, Paano pala kung hindi ko nakita yung mga tao na yon? Paano kung napahamak ang aking mag ina? Sari sari parin ang mga What If's ko. Buti na lamang talaga at nakita ko kaya di ako nagpa tumpik tumpik pa na tumawag ng pulis sa pinaka malapit na Himpilan na malapit sa Apartment. Nahuli naman nila ang tatlong salarin. Dati na pala itong mga nakakulong at nakapag pyansa lamang. Sinabihan ko naman ang mga pulis na tiyakin na Hindi na makakalabas ang mga ito, dahil panigurado na di parin titigil ang mga ito dahil pangatlong beses na daw ito ginawa. Tinawagan naman ako ni Mad dahil nagpapaabot daw mg pasasalamat si Penny. Wala namang ibang mahalaga sa akin kundi ang kaligtasan nilang mag Ina. Mula nang mangyari iyon, kinabukasan ay agad akong nagpakuha ng Security Guard. Isang pang Umaga at Isang pang gabi. Wala silang ibang gagawin kundi siguraduhin ang kaligtasan ng aking Mag Ina. Ayoko na maulit ang nangyari. Gusto ko na kahit malayo ako ay tiyak ko na di Sila mapapahamak. Nang malaman nila Mama ang nangyari ay awang awa sila sa aking mag ina. Bakit daw ayoko pa kunin? Sinabi ko na di pa ganon kadali dahil marami parin akong kailangan ihingi ng tawad kay Penny at Hindi pa lahat alam ni Penny ang tungkol sa akin. Basta sinigurado ko lang kay Mama na pinabantayan ko na ang aking Mag ina. Nang sumunod na araw ay nagtungo ako sa aking Therapy. Tinapat ng doctor na kailangan ko pa ng mahabang pasensya at pag pupursigi na makalakad muli. Kahit na 50/50 ang chance at medyo matagal ay dapat lumaban ako. Gusto ko pang makabalik sa dati. Maging normal ang kilos, Gusto ko pag nakaharap ko ang mag ina ko ay ayos na ako. Madami pa akong gusto gawin, aalagaan at tuturuan ko pa si Ali kaya dapat ay mas maging maayos ako. At gusto ko rin na makabalik na ang dati kong pangangatawan at Lakas, bago pa ma diskubre ng mga kalaban na buhay pa talaga ako. Kaya kahit sobrang Hirap, Sakit at frustration ay hindi ko talaga sinukuan. Pero dumadalangin ako sa Dyos na sana ay mapabilis ang aking pag galing. Samantala 3RD PERSON Mabilis pang lumipas ang lingo at buwan ay nalalapit na ang kaarawan ni Ali. excited na rin sila dahil sa naka planong birthday nito. Naisip nila na mag order nalang ng food at magkaronbng simplenf birthday party sa kanilang apartment dahil malalapit na kaibigan at pamilya lamang naman ang mga imbitado. Masaya si Penny habang pinag mamasdan ang anak nakakahakbang na kasi ito mag isa at halos maluha din sya ng una nyang marinig ang first word nito, na kahit hindi nya kinagisnan at inabutan ay DADDY ang unang salitang binaggit nito. Naluha na lamang si Penny marahil kaya Daddy ang salitang una nitong binanggit dahil madalas nyang kwentuhan at kausapin si Ali tungkol sa Daddy alessandro nito. Talagang kinagigiliwan ng lahat si Ali. Dahil bukod sa Bibo ito ay napaka poging bata din nito. Kaya madalas din itong batiin ng mga tao sa paligid. Ngunit hindi inaasahan na isa rin pala ang pagiging gwapong bata nito ang maghahatid sa kapahamakan. Katatapos lamang nila mag simba ng araw na iyon. Dahil maraming tao sa Mall ay sa Katabing establishment na lamang sila nagtungo kung saan may Playroom din para sa mga Bata. Marami ding bata ang naglalaro pero di kasing Crowded ng palaruan sa mall maya dito lamang sila. Lumabas naman muna si Mad para bumili ng Maiinom nila. Habang nasa loob naman si Penny at Jhovell. Si Penny ang kasama ni Ali sa loob, masaya syang nilalaro ang anak at tuwang tuwa naman ito habang nakaupo sa napakaraming bola at naglalaro din mg mga Shape. Nakaramdam naman si Penny na tila maiihi sya kaya tinawag nya ang kaibigan at nakiusap na babtayan muna si Ali para makapag Banyo sya. "Besh, pabantay saglit mag babanyo lang ako." "Sige Besh, magbanyo ka na, ako na muna dyan?" Anya ni Jhovell. Nang makita naman sya ni Ali ay tila nais nitong humabol sa kanya. "Mimi..." Tawag nito "Mag wiwi lang si Mommy anak, dito ka muna kay Ninang Jhovell babalik si Mommy" wika pa nito saka hinagkan ang anak. Saka ito dali daling umalis para magbanyo. Samantala sa mga Oras na iyon ay ilang tao pala ang nakamatyag sa kanila at hinihintay lamang ang Pag Atake. "Kunin nyo ang 6 na bata, Isama nyo yung batang lalaking naka blue na binabantayan ng babaeng naka Pink." Anya nito at ilang sandali nga lamang ay limang lalaki ang mabilis na kinuha ang mga Bata habang tinutukan naman ng Baril ang mga Bantay na naroroon. Nag sigawan at iyakan ang mga naroon. Huling dinampot si Ali. "Hoy, Anong gagawin nyo Tarantado ibalik nyo ang mga Bata, ibalik mo ang inaanak ko Hayop ka Hindi naman kami mayaman kaya wala kang mahihita sa amin, akin na yang Inaanak ko.! " Sigaw ni Jhovell at nagawa pang kagatin sa braso ang may Hawak kay Ali. Ngunit isang Malakas na sampiga ang ginawa sa kanya ng Lalaki, nagawa nya pang tumayo ngunit alingawngaw ng putok ng mga baril ang Kasunod na narinig kasabay ng sigawan at hiyawan ng mga tao. Saka mabilis na nakaalis ang mga Armado na dumukot sa mga bata. Habang nasa banyo ay dinig ni Penny ang Putok na iyon kaya dali dali syang lumabas ng Wash room dahil tila bigla syang kinabahan. Pagdating nya sa may Playroom ay kumpulan at nagkakagulo ang mga tao. Nakita nya ang guard na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo. Samantalang sa loob naman ng playroom ay iyakan ng ibang bata at ibang mga taga alaga. Dali dali syang pumasok sa loob ngunit pinigilan sya at hinahanap nya si Jhovell at Ali ngunit di nya makita ang Anak natanaw nya sa dulo si Jhovell na natabunan ng mga bola. Nakisabay sya sa mga tao na nakauniform at nakapasok sya at doon at nakita nya si Jhovell na halos maligo din sa sarili nitong dugo. May tama ito sa balikat at walang malay. "Jhovell,... Jhovell anong nangyari? Nasan ang anak ko? Nasan si Ali?" Iyak na tanong ni Penny dito ngunit binuhat na si Jhovell para madala sa hospital. Dumating naman si Mad saka sya tinanong. "Penny anong nangyari?" "Hindi ko alam Mad, galing ako sa banyo ng makarinig ako ng Putok, wala si Ali, si Jhovell binaril." Naiiyak na sagot nito. "Sir, ano pong nangyari?" "Dinukot po ang anim na bata sabi ng ibang mga naka saksi. Nanlaban pa daw po ang babaeng naka pink dahil ayaw nito ibigay ang bata kaya binaril ito ng isa sa mga suspek." Halos manginig si Penny sa narinig. Tulad nya ay nag iiyakan din ang ibang magulang at ang iba naman ay mga taga pagbantay ng mga bata na iba pang dinukot. Base sa CCtV ay anim na bata ang dinukot at kasama roon si Ali. Iyak ng iyak si Penny habang pinapanood ang CCTv kung paano binitbit ng mga Ito si Ali at Kung paano lumaban si Jhovell para protektahan ang inaanak ngunit binaril ito at tinamaan sa balikat. Iyak ng Iyak si Penny, hindi nya kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak, at ganon din sa kaibigan nya na nag aagaw buhay naman sa hospital. Sa mga oras na iyon at walang magawa ang dalaga kundi ang Magdasal at maghintay ng update katulad ng ibang mga magulang na tulad nya rin na ninakawan ng Anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD