PENNY
Iyak parin ako ng iyak habang nasa police station kasama ng ibang mga mga magulang. Ni review na ang mga CCtv ngunit di malinaw ang mga ibang kuha sa nadaanan nito naghihintay na lamang kami ng tawag kung merong Hihingi ng ransom, dahil isa iyon sa hinihinalang sanhi. 6 na bata ang kinuha at base sa police mga Yaya ang kasama ng ibang bata at talagang may mga kaya din sa buhay. Pero paano naman kami ni Ali. Hindi naman kami mayaman. May mga naitabi akong pera pero sa tingin koy di sasapat iyon bilang randsom nasa 50 thousand lamang iyon at yung 20 thousand na galing kay Master Venom.
Hindi naman kami mayaman o baka napagkamalan lang na mayaman si Ali dahil maganda ang kutis ng anak ko.
Dumating naman sila Tita sa Station at tinanong ang nangyari. Naiyak na lang din si Tita sa kwento ko. Sumunod naman kami sa Hospital kung saan naroroon si Jhovell, sinamahan naman ito ni Mad at nananatili parin itong walang malay.
Doble Doble ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dalawang mahalagang tao ang nanganganib ang buhay na mawala sa akin.
Ang anak ko na kasama sa mga Nadukot, at Ang kaibigan ko na wala paring malay sa ngayon.
Umuwi muna ako sa bahay at doon ay naghihintay baka sakaling may tatawag pero wala. Wala naman tigil ang mga pulis kakahanap ng pwedeng pagkakakilanlan sa mga dumukot sa mga bata.
Kinabukasan Habang nasa bahay ay iyak lamang ako ng iyak. Hawak ko ang Damit ni Ali. Na mi miss ko na ang anak ko. Agad kong kinuha ang bank Book kung saan naroroon ang mga pera na sininop ko kasama doon ang pera na iniwan sa amin ni Alessandro at ang pera na galing kay Master Venom.
Nasa 80 thousand lahat ng pera.
Pinuntahan ako nila Tita para pakainin pero wala akong ganang kumain. Wala akong ibang gustong gawin kundi hanapin ang Anak ko.
"Penny kumain ka muna at Magpahinga hindi kapa kumakain simula kagabi at di kana rin nakatulog ng maayos." Anya ni Tita saka ako inabutan ng pagkain.
"Wala po akong gana Tita, Naaalala ko po si Ali? Nasan na kaya sya? Naka Dede na kaya sya? Pinakain kaya nila ang anak ko? Baka sinasaktan nila si Ali Tita." Umiiyak na wika ko kaya agad akong niyakap nito.
"Penny hindi natin alam, pero siguro naman ay pakakainin nila si Ali pati ang ibang mga bata.
"Kada ipipikit ko ang Mata ko Tita parang nakikita ko si Ali na umiiyak at tinatawag ako. Paano na po kaya sya paano kung sinidkato ang nakakuha sa kanya gawin syang namamalimos, oh kaya po ibenta yung mga organ nila. Hindi ako mapakali Tita." Halo halong mga naiisip ko na maaring pwede mangyari kay Ali.
"Penny, wala muna tayong magagawa sa ngayon kundi maghintay muna sa lead ng mga pulis. At ipagdasal ang kaligtasan ni Ali at ng ibang bata. Ipagdasal natin na sana ay hwag silang saktab at alagaan parin kahit na Kinuha sila sa atin.
Nang mapaliwanagan ako ni Tita ay kumain ako kahit konti, Kailangan ko magpalakas, Kung walq pang lead ang mga pulis e gagawa rin ako ng hakbang para mahanap ang anak ko.
Nag print ako ng picture ni Ali at nagtanong tanong ako sa mga Tao na nakakasalubong ko, nagkabit din ako ng picture nito sa mga Poste. Hangang sa Makita ako ni Mad.
"Penny, andito ka pala, kanina pa kita hinahanap."
"Sorry Mad, hindi ko kasi kaya na maghintay lang sa lead kung nasaan ang anak ko, kaya kahit sa ganitong paraan eh ginawa ko, baka sakali lang naman na may nakapansin sa kanya at may makapag turo kung nasaan sya. Dalawang araw na syang wala, Hinahanap nya rin kaya ako, Pag nagugutom sya pinakakain kaya nila ang anak ko? Oras na ng Pagdede at pagkain nya sa gantong oras after nya maligo." Naluluhang kwento ko kay Mad.
"Penny, hindi natin alam pero di tayo titigil, mababalik din sayo si Ali at ang ibang mga bata. Sinabi ko kay Master Venom ang nangyari."
"A..anong Sabi Ni Master Venom?"
'Nagalit syempre bat dinamay pa ang mga Bata, tinatanong kung may hinibinging ransom sabi ko naman wala namang Tumatawag pa. Ang sabi nya ipagbigay alam sa kanya in case na may humingi ng ransom tutulong sya Penny na mailigtas si Ali."
"Salamat Mad, Maligtas lang ang anak ko handa ko gawin lahat basta masigurado ko lang na ligtas sya Mad" anya ko pa dito kahit papani ay parang nabuhayan ako ng Psg asa.
"Nga pala Gising na si Jhovell, kinuhanan din sya ng details kung ano ang itsura ng mga kumidnap. Naalala nya pa dahil nakasagutan nya yung bumitbit kay Ali."
"Nga pala kumusta naman si Jhovell?"
"Medyo ayos na, iyak ng iyak ng malaman na di na nabawi si Ali, sinisisi nta ang sarili nya dahil di nya daw na protektahan si Ali."
"Pupuntahan ko nalang sya Mamaya, wala syanv kasalanan, sinubukan nyang iligtas si Ali pero sya ang napahamak, dadaan ako sa kanya Mamaya."
"Sige Penny, mag ingat ka ah. Hwa ka mag alala maliligtas din si Ali." Dagdag pa ni Mad.
Samantala
ALESSANDRO ( Master Venom)
Nakatangap ako ng tawag mula kay Mad noong isang araw, noong una ay hindi nya pa masabi ng diretso hangang sa sinabi ko na sabihin nya na agad.
Halos Magpanting ang Tenga ko sa narinig. DINUKOT daw si Ali sa isang palaruan kasama ang ilang bata.
Halos makuyom ang aking mga kamao sa narinig. Pati daw si Jhovell ay nabaril.
Ang sabi ni Mad ay Ginagawa na daw ng mga kapulisan ang lahat para mahanap ang mga ito pero ikatlong araw na ay wala paring lead. Sobrang naaawa ako kay Penny dahil sabi ni Mad ay halos maghapon ito sa kalye para ipagtanong kung may nakapansin kay Ali. Kawawa naman ang Baby ko, na walang tigil para mahanap ang baby namin. Ilang araw na ang nakakalipas pero wala parin lead ang sabi ng mga pulis pero sigurado na hindi ito Kidnap for ransom dahil hangang ngayon ay wala pa daw na contact sa mga magulang.
Hindi na ako makapag hintay kaya ako na ang gumawa ng hakbang.
Kung hindi for Ransom ang dahilan ng pagkidnal nila sa mga bata, malamang may ibang dahilan.
May pumapasok sa isip ko pero hwag naman sana. Tinawagan ko ang isa sa aking mga kaibigan si Hack. Jack talaga ang pangalan nya pero dahil na rin sa nakatago nyang pagkato at larangang ginagalawan ay hack ang tinawag namin sa kanya.
"Pare, kumusta kailangan ko ng tulong mo?"
"Oh pare, ayos lang naman, bakit?"
"Pare, kinidnap ang anak ko, pati ang ilang mga Bata, pang 3 days na pero wala namang lead pa, kung ransom diba within 24 hours tumatawag ang mga kidnappers, pero until now kasi wala naman." Anya ko sa kabilang linya.
"Hmm..Ganon ba? Kung walang natawag para humingi ng ransom sa mga bata dalawa lang yan pare. Una, mas malaki ang kikitain nila sa iba pang plano, let us say na Baka di talaga kidnap for ransom ang reason nila, maaaring Pakinabangan nila ang mga Bata. Mas mahal ang kikitain nila kung ibebenta nila ang mga ito. At marami talaga ang bumibili ng mga bata. Yung iba kinukuha ang mga internal organs at syempre mahal ang bentahan non. Ikalawa baka balak talaga nila ibenta sa mga Parokyano. Uso yan pare, binebenta nila ang mga bata sa mga banyaga at ang nakabili ginagawa nila ang gusto nilang gawin sa nabili nila yung iba tinotorture habang naka video yan ang madalas kong makita sa Dark Web Market ilang site na rin ang binuwag ko dyan." Wika pa ni Jack.
"Pre, baka matulungan mo ako na mahanap ang anak ko, wala akong pake kung gaano ka mahal basta mabawi ko ang anak ko." Wika ko pa sa kabilang linya.
"Sige pre, ako ang bahala, send mo na lamang sa akin ang picture ng anak mo." Wika pa ni Jack kaya agad kong sinend sa kanya ang larawan.
Wala pang isang oras ay natangap ko agad ang tawag ni Jack Via Video Call.
"Pare, nakita ko na ang anak mo, tama ang isa sa hinala natin, balak nila itong Ibenta." Wika pa ni Jack saka pinakita ang larawan ni Ali.
"Baby A, Months Old, in a very good condition 4 million pesos."
Iyan ang nakalagay na amount kay Ali. Halos mang gigil ako sa nakita ko. Talagang balak nila ibenta ang anak ko. Ang dami pang bata na naka post doon na tulad ni Ali ay naka for sale din.
Tinawagan ko naman si Claudio ang isa kong assistant sa pinas at pinacontact ang numero at siguraduhin na legit. Masyado daw mailap ang mga ito ngunit bandamg huli naman ay sila rin mismo ang sumagot.
Dun ko nalaman na positive nga, na nasa kanila nga ang anak ko pati na rin amg ibang bata. Tinawagan ko rin si Calvert at Pinakiusapan ko ito na kailangan kong pumunta ng pililinas pero babalik din ako agad Kaya inayos ko din ang mga personal docs ko.
As usual pinagamit nya ang Private plane nila.
Ginamit ko rin ang connection ko sa Pilipinas. Hanggat maari ay hindi ko inaabuso ang power na meron ako. Pero sa pagkakataong ito ay buo na ang desisyon ko.
Pinalakad ko kay Tita Mercy ang mga Papeles ni Ali, mula sa kopya ng PSA hangang sa pag papa passport, binigay lamang ni Mad ang details dito.
Syempre dahil na rin sa connection ko kaya mabilis na na issuehan ng mga Documento si Ali.
Mali itong ginawa ko dahil di ako sumunod sa tamang proseso, pero sigurado ako na may Mas Malala pa ang kasalanan kesa sa akin. Ginawa ko lamang ito para sa anak ko.
Sa sitwasyon ko, Hindi pa sapat ang lakas ko para ipagtanggol ang mag ina ko, malayo ako sa kanila. Hindi ko na kakayanin pa kapag may nangyari pang masama sa kanila. Kaya buo na ang desisyon ko.
Ako ang bibili sa anak ko, saka ko I eexpose ang mga Kidnappers kapag nakalipad na kami ni Ali pa Germany.
"Patawad Penny, pero kailangan ko munang ilayo ang anak natin, gusto ko lamang masigurado na ligtas sya. At least dito sa akin makakasigurado ako na kaya ko syang prorektahan." Wika ko habang nakatingin sa picture nilang mag ina.
Nakabalik na ako sa Pinas. Hindi parin ako nakakalakad ng Ayos pero kaya ko na Tumayo. Sa isang Rest house namin ako dumiretso. Hawak ko na ang passport ni Ali at mga supporting docs nya.
Mamayang gabi nakatakda ang pagkikita namin ng Kidnapper.
Sabik na sabik na ako na makita ang anak ko. Suguraduhin lang nila na wala ni kapirasong latay o galos ang anak ko dahil malilintikan sila sa akin. Naka timbre na rin ito kay Mad. Pero i re raid nila ito kapag nakaalis na kami ni Ali.
Dumating na ang oras ng Pagkikita namin ng mga May Hawak kay Ali. Sinigurado ko na kasama talaga nito ang Anak ko.
Habang nakatayo ako ay may mga naka kubli rin akong mga Tauhan sa paligid para in case na may mangyari ay hindi ako nag iisa.
Abot ang Kaba ko ng Makita ang isang lalaki na buhat ang Anak ko.
Hangang sa makalapit sila sa akin.
Pansin ko na galing sa iyak ito dahil naririnig ko pa ang pag hikbi nito.
"Boss, Heto na ang Bata! Galing sa iyak nagising kasi." Anya pa nito. Sa unang pagkakataon ay humarap sa akin ang Anak ko, mapula ang mata nito at galing sa iyak.
"Heto Na Ang Bata, Nasan ang Pera?"
Anya ng lalaki na meron pang assistant."
"Heto ang Pera! Kompleto yan kahit bilangin mo pa sa harap ko kung in doubt ka!"
"Hmm..hindi na..mukanv maayos naman kausap heto ang Bata! Sayo na!" Anya nito saka iniabot sa akin si Ali.
"Nakatingin naman sa akin ang Anak ko, nagulat pa ako ng Mabilis itong sumama sa akin."
"Daddy" anya nito saka yumakap at umemlay sa aking Balikat."
"Sige na, Makakaalis na kayo"
Agad naman akong pimuntahan ng akinng mga kasama saka ako inakay palayo. Ang mga Kidnapper naman ay naka alis nadin. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito at nakasunod dito ang ilan sa mga tauhan ko para matunton ang hideout nito para mailigtas na rin ang mga Bata.
Nasa sasakyan na kami at nakayakap parin sa akin si Ali. Parang hinaplos ang puso ko ng tawagin nya akong Daddy kanina.
Nakaidlip na sya sa bisig ko. Hinalikan ko sya sa ulo. At pansin ko na mahimbing ang tulog nya.
"Ang tagal ko pinangarap na mahawakan at mayakap ka anak ko.
From now on makakasama ka na ng Daddy Anak, but I'm sorry for your Mommy, Alam ko na ikakawasak nya ang paglayo mo, pero ito palang ang paraan na naisip ko anak para maging ligtas ka, Sa ngayon kailangan muna natin mag tiis mapalayo sa Mommy mo anak, pero balang araw anak, makakasama rin natin sya. Mabubuo tayong tatlo anak ko. Mahal na Mahal kita Ali, Mahal na Mahal ko kayong dalawa ng Mommy Penny."
Anya ko dito kahit di nya naman ako naiintindihan at naririnig dahil tulog ito.
Kasunod noon ay ang Paglipad ng Eroplano paalis ng Pilipinas, Palayo sa Piling ng Babae naming Mahal. Palayo sa Piling Ni Penny.