CHAPTER 2 "DINAKOT"

2564 Words
3RD PERSON Matapos ang klase ng dalawa ay sabay din silang mag tingin tingin na kanilang pwedeng pasukan. Nagtungo sila sa mga fast food ngunit di narin tumatangap ang mga ito dahil sobra na sa tao. Hangang sa makarating sila sa isang Bulding na tinted ang pinto. May guard naman sa labas ng gusaling iyon. Kung hindi sila nagkakamali ay isa iyon sa pinupuntahan ni Cindy. Lumapit naman sila sa Guardia na naroroon. "Ahm..Boss..magtatanong lang po, baka po hiring po kayo kahit dishwasher or Janitress, Willing po kami nitong Kaibigan ko." Anya ni Jhovell saka inakbayan si Penelope. "Mga Hija, Ilang taon na ba kayo? Saka sigurado kayo na dishwasher ang aapplayan nyo?" "Opo, Bakit po sir? Ano po ba ibang hiring?" Tanong pa nito. "Hiring ng Dancer, Saka ng Escort, pero simplihan lang, May mga pumunta na rin dito, kaso walang napili eh. Akala ko ganon din ang a Applyan nyo." "Ah, hindi ho, Tagaligpit at Taga Mop lang po ang a applyan namin ng kaibigan ko." Giit namam ni Penelope. "Wait lang besh, Teka..Sir malaki po ba ang kitaan sa loob?" Tanong pa ni Jhovell. "Oo, depende parin kapag nagustuhan ka ng customer. Pwede naman kayo mag inquire sa loob kung gusto nyo. Tama andyan pa ngayon si Madam Samantha, sya ang namamahala. "Ahmm.Hindi na po kuya..salamat nalang po, pang diswasher lang po kasi talaga kami, pasensya na po sa abala, Halika na Jhovell." Aya dito ni Penelope. Ngunit paalis na sila ng lumabas ang isang lalaki galing sa Gusali. Malaking Lalaki ito, na puni ng alahas ang katawan. Ngunit halata mo na hindi ito Straight. "Guard, anong kailangan nila?" Dinig nilang tanong ng lalaking lumabas. "Ah, Madam Samantha, nag a apply po ng diswasher at janitress." Sagot ng Guard. "Mga Hija, Sandali!" Sigaw ni Madam Samantha, lalaki ito ngunit pumupilantik ang mga kamay nito. "Ba..Bakit po?" "Ahm Ako pala si Samantha, you can call me Madam Sam..Nag a apply daw kayo as diswasher and Janitress, pero iba kasi talaga ang hiring sa amin ngayon. Sayang pasok pa naman sana kayong dalawa sa qualification. Baka gusto nyo subukan.?" Tanong dito ng Bakla na tinatawag na Ms.Sam. "Nabanggit po sa amin ni manong guard, pero pang linisan lang po kami." "Ganon ba? Ahmm ganto nalang..sige kahit wala naman kaming Hiring sige papayag ako na tangapin kayo bilang taga hugas ng plato at taga linis. Sayang naman kasi narito na rin lamang kayo. Sayang naman ang kita. Pero di bale, sige mag linis nalang kayo, baka isipin nyo naman na inookray ko kayo, then kayo nalang ang bahalang humusga kapag nag simula na kayo." Anya pa ni Samantha. Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan. "Salamat po Madam Sam." Saad ng mga ito. "Welcome, mabuti pa ay samahan nyo akong pumasok sa loob at doon natin pag usapan ang Trabaho nyo.' Aya nito sa dalawa. Nagtinginan pa sila mgunit sa huli naman ay pumayag din. Pagpasok nila ay nakita nila ang loob ng Club, Hindi ito Pucho Puchong club, Napakaganda ng loob nito. May mga lamesa at Mga Upuan. "Maupo kayong Dalawa. So nag bubukas itong bar ng Alas Syete ng gabi. Pero alas singko pa lamang ay meron ng tao rito para sa paghahanda. 6:30 nagpapasok na rin kami. At itong bar ay hangang alas tres ng Madaling araw. Pero dahil Studyante pa kayo hahayaan ko na alas dose e makauwi na kayo. Mga Taga san pala kayo?" Tanong ni Madam S. "Ahm Taga Dimasupil po kami Madam." Sagot ni Penelope. Napatingin naman dito si Madam. "Talaga? Aba..May magaganda at matitino pa palang nakatira sa Dimasupil, hehe sorry ah..wala naman akong ibig sabihin, pero alam nyo naman kapag sinabing DIMASUPIL alam na ang ibig sabihin. PUGAD at mga Talamak ang mga ganap dyan." Anya ni Madam Sam. Nagkatinginan naman silang dalawa. "Ahm..parang ganon na nga po pero di naman po lahat, pero kung kami po tatanungin kaya po kami nagsusumikap para po balang araw makaalis din po kami sa lugar nayon kasama ang pamilya namin." Sagot pa dito Ni Jhovell. "Magagaling, tama yan dapat may pangarap kayo sa buhay. Hindi natin kasalanan kung pinanganak tayo na mahirap, pero kasalanan natin kapag mahirap parin tayong mamamatay" dagdag pa ni Madam Sam. Ipinakita naman sa mga ito kung nasan ang kusina at kung ano ang dapat linisin. Dahil maaga pa naman ay pinauwi muna sila. Ngunit kailangan na nila g bumalik ng 6pm. Umuwi muna silang dalawa at nag paalam tuloy za kanilang pamilya Sakto naman pag dating ni Penelope ay naroon ang Kanyang Tiyo at Tiya. "Mano po Tiya Salome, Mano po Tiyo Arman." Bati nya sa mga ito. "Kaawaan ka mg Dyos Hija, kumain ka naba? May dalang nilagang saging na saba ang Tiyo mo." Anya ni Tiya. Napatingin naman ako kay tiyo na naglalagay pa ng Asukal at Kape sa lagayan. "Kumain ka na muna Penelope, Pag pasensyahan mo na, alam mo naman na mahirap ang buhay ngayon. Kaya yang saging na saba na lamang muna ang kakainin natin ngayong gabi. Nakabili naman ako ng dalawang kilong Bukas..ngunit hangang sa 3 araw na natin yan pagkakasyahin." Dagdag pa ng Tiyo Armann ni Penelope. "Ok lang po Tyong, Saka nga po pala Tyang, Tyong nakahanap na po kami ng Jhovell ng Part time Job." Nakangiting wika nito. "Aba talaga? Ayos yan pamangkin." Sagot naman ni Arman. "Talaga Hija, goodluck, pero wag mo rin pababayaan ang pag aaral mo ha." "Opo naman Tyang Ala sais po kami papasok at 11.30 po ay pwede na rin kaming umuwi." Dagdag pa nito. Sa mga oras na iyon ay nag ayos muna sya ng kanyang ng mga aralin sa eskwela saka sya gumayak. At ala sais nga ay sabay silang pumasok ni Jhovell. Habang wala pang tao ay naglampaso na muna sila. Pinunasan rin nila ang mga mesa at upuan, high end naman ang lugar kaya di gaanong marumi. Napansin nila na unti unti na dumarating ang mga Tao roon. Pati ang mga Babaeng naka postura ay nag sisidatingan rin. Pumasok naman sila sa Kusina dahil taga hugas lang naman sila hindi na sila kailangan sa labas. Dahil wala pang masyadong ligpitin. Ay sumisilip sila. Madami ngang parokyano ang Bar. Karamihan ay partner partner na babae at Lalaki. Ngunit ng makita na parating si Madam S ay bumalik na sila sa pag aasikaso. "My Gosh, Kulang tayo sa Tao, Penelope pwede bang mag serve ka muna, kulang tayo sa waitress. Hindi kasi makakapasok si Lory nabinat daw." Anya ni Madam S. Kaya naman dali dali itong inakay ni Madam S. Patungo sa isang silid. "Madam, Akala ko po mag se serve ako, bat dito nyo po ako dinala?" Takang tanong nito ng makita na nasa loob sya ng Dressing Room mg mga babae. "Ahm..Hija, masi mag se serve ka, kailangan presentable ka. Alam mo naman yung mga custumer natib hindi mga basta basta.' Dagdag pa nito. "Elma, Pakiayusan nga itong Si Pen madali, wala si Lory kaya sya muna ang ipapalit natin." Anya nito sa isa sa mga make up artist na naroon. "Halika dito beh, aayusan kita.' Anya pa nito saka dali daling pinaupo ang dalaga at doon ay sinimulang make up pan." Samantala PENELOPE Hindi ko akalain na dadamputin ako mula sa kusina para maging serbedora. Wala naman problema doon. Pero di ko akalain na napaka mabusisi pa. Kasalukuyan akong inaayusan ni Ate Elma, ang isa sa mga Make up artist dito. Akala ko ay mag me make up lang, di ko alam na kailangan din Pala magpalit ng damit. Inabot sa akin ang pares ng damit. Blouse at skirt iyon na hapot, paramg sinukat iyon sa amin. Hindi naman ito Micro Mini skirt. Pero maikli din ito. Paglabas ko ay napatngin sa akin si Madam Sam saka napapalakpak. "Wow, Bongga, mas lalo ka gumanda Hija. Halika na. Wala ka naman ibang gagawim kundi Kumuha at Magdala ng order nila. Be careful nga lang Hija at, dapat tama ang order na kukunin mo." Paalala pa ni Madam Sam sa akin. Nagsimula na ako at halos magulat ako na mapagtanto na napakarami palang tao doon. Mga Babae at Mga lalaki. Hindi naman ito Bar na tulad ng malapit sa may Amin. Ang mga naririto ay mga naka Kurbata, karamihan ay Grupohan at may kasamang babae, Ang iba naman ay Grupo lang ng kalalakihan, meron din namam na mag isa lang na umiinom, ibat ibang tao ika nga." Maya maya ay Kumumpas angbkamay mula sa isang Table. Kung saan naroon ang Tatlong lalaki dali dali naman akong nagpunta. "Hi, Can you give us 1 Jameson Irish Whiskey, 1 Evan Williams Borbon, and Ahmm How about you Master?tanong ng lalaki sa isang kasama nila na kahit gabi na ay nakasuot parin ng shade. "The Usual, Dalmore 62 Highland Scotch." Anya nito sa tinig na parang nakakaakit ngunit ma otoridad. Kinuha ko naman ang order nila saka ko inulit ang mga ito para tiyak na walang Mali. Agad ko dinala sa counter ang order nila at agad ko rin itong sinerve sa kanila. "Here' your order po, Anything Sir?" Magalang kong tanong sa mga ito. "Wala na Miss, Salamat! Hmm..bago ka ba rito? Parang ngayon ka lang namin nakita rito." Tanong ng isang lalaki malamang na matagal na itong napunta rito. "Ahm..Unang gabi ko po ito rito." Sagot ko naman. Natawa naman ang isa sa kanila. "Nice, sana all Unang gabi, hehe napaka formal mo naman Miss kaya pala bagong mukha bago ka palang pala." Sagot naman ng Isa. Napatingin naman ako sa isang lalaki na kasama nila, di ko mawari ang itsura nito dahil naka all black ito at naka Shade ngunit nananatili itong Tahimik habang abala sa. Cellphone nito. Umalis na naman ako saka naka stand by sa may counter, mababait naman ang ibang naroroon. Nakilala ko na ang iba kong ka work. Si Kua Vin at Kua Julz ang nag pre prepare ng mga Drinks. Maya Maya ay tinawag ako sa kabilang table. Dali dali akong tumugon sala kinuha ang order nila. Mga 5 siguro sila roon nasa edad 30 to 40 pataas. Habang nag se serve ako ay pansin ko ng panay ang tingin sa akin ng isa. Pati ang pag abot ko sa baso ay pasimple nyang hinawakan ang kamay ko." Akala ko ay doon lamang ngunit maya maya ay halatang lasing na ang ilan sa mga Ito. Pinipigilan ito mg mga Kasama hangang sa tawavin si Madam S. "Yes Mr.Geko?" Tanong dito ni Madam S. Ngunit di ko maunawaan ang sinasabi nito pero tinuturo nya ako. Bigla akong Kinabahan napaisip ako na tama naman lahat ng order na bigay ko sa kanila. Nag usap pa sila at halata dito na medyo may Tama na ito. Nagulat ako ng biglang lumapit si Madam S. "Bakit po Madam? May mali po ba ako? " nag aalalang tanong ko rito. "Ahm..Pen, gusto ka i table ni Mr.Geko. isa sya sa mga Loyal Customer dito. Pwede ka ba? Table lang naman, mauupo ka lamang doon sa mesa nila." Malaki mag bayad yan." Anya ni Madam S. Nag aalangan pa ako ngunit tila tinawag na naman nito Si Madam S. "Pen, ano hinihintay ka, te table ka lang naman." Ulit nito sa akin. Wala na akong nagawa ng akayin ako nito sa mesa ng grupong iyon. Malapit iyon sa table ng 3 lalaki na sinervan ko kanina. Kita ko naman na napailing ang mga ito. Nakaupo ako sa sofa ng table na iyon sa tabi ni Mr.Geko, amoy ko ang alak mula sa kanya. Inilapaf nya sa harap ko ang napaka kapal na wallet at magarang Cellphone at saka ang huli ay ang baril nito na nakasuksok sa kung saan ay nilapag nya rin. "Hi Darling, Ilang taon ka na? Nakuha mo agad ang atensyon ko kaya pinatawag kita kay Sam. Ilang taon ka na nga?" Tanong nito sa akin. "Di..Disi Otso ho.' Sagot ko dito Sabay sabay naman na tila nagtawanan ang mga kasama nito. "Hmm..pwede na Boss, Disi Otso na, Hinog n hinog na yan kumbaga lagpas na sa pagkabubot" anya pa ng mga ito saka nagtawanan." Naramdaman ko na di maganda amg ibig nitong sabihin lalo na ng pasadahan ng tingin ang katawan ko Mula Ulo hangang Paa. At ang nakakainis ay huminto pa amg mga mata ng mga ito sa Dibdib ko. Isa kasi sa asset ko ay ang dibdib ko. Isa kasi ako sa nabiyayaan. Hindi ako mapakali sa usapan nila, Naiilang ako. "Pen, May karanasan ka na ba? "Ho? Sa Saan ho.?" Tanong ko rito. "Nakarating ka naba sa langit? Mung hindi pa dadalhim kita." Anya pa nito. Hindi na lamang ako kumibo ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod. "Ano, Halika mamaya dadalhin kota sa langit!" Sigaw nito ng bigla nya akong Sungaban ng Hawakan nya ang Dibdib ko pati ang Pang upo ko. Sa sobrang bigla ko ay nasampal ko ito. "Bastos! Manyakis!" Sigaw ko na umagaw sa atensyon ng mga naroroon. Agad namang tumakbo si Madam S. "Mr.Geko ano pong Nangyari." "Madam, Napaka manyakis ho nyan! NangDadakot ng pwet at s**o! Basto!" Naiinis ngunit nangangatal na sigaw ko. Halos magliyab ang Tingin nito saka dinampot ang baril na nasa mesa saka Tinutok sa akin. "Eh Puta , Pa Virgin ka pala! Kaya kong bilhin ang Pagkatao mo at Kaya Kitang Iligpit Dito Mismo! Anya nito saka Kinasa ang Baril napapikit ako saka inaasahan ang pagputok ng baril at pagbulagta ko ngunit nagulat ako ng ilang Kasa pa ng mga Baril ang Narinig ko. Kasunod noon ay amg Boses ng 2 lalaki na kasama ng Naka Shade. "Sige Subukan mo Mr.Geko, ng Sabay kayong Bumulagta ng babaeng yan.?" Sagot nito. Napatingin ako sa paligid at halos nakatutok iyon sa mesa nila Mr.Geko." "Tskkk...Ganyan ka pala kahina Geko? Mag aaksaya ng bala sa babaeng walang kalaban laban sayo?;Mahinang Nilalang!" Sagot ng Lalaki na na nananatiling kalmado at nakaupo parin. "Mi..Mr.V? Nauutal na wika ni Mr.Geko ng mapansin ang lalaki. Agad namamg nagpulasan ang mga ito ng mawari ang lalaki. Humingi ang mga ito ng pasensya at dali daling umalis. Lumabas naman Si Jhovell ng malaman ang commotion na naganap sa labas. "Hoyy...Penelope, Asan na ang Walang hiyang nangdakot ng Su*o mo? Aba aba aba...Wag silang magkakamali ng Babanggain ha" anya ng Kaibigan kong Si Jhovel, tinakpan ko naman ang bibig nito dahil alam ko kung gano din ito ka bulgar. "Wala na Umalis na, Halika na ". "Hindi Pwede, ayokong na aargabyado tayo ng kahit na sinong Poncio Pilato na yan." Dagdag pa nito. Natahimik lamang sya ng pagtinginan kami ng Grupo sa kabilang table na tumulong sa akin. Natatawa ang mga ito kay Jhovell. Samantalang ako namab ay napatingin lamang sa Lalaki na nananatili paring nakaupo at Nakahalukipkip. "Oh, kayo anong tinatawa tawa nyo? Kasama ba kayo nung Nangdakot ng Pwet ni Penelope?" Tanong nito kaya napakamot ako sa Ulo. "Whatt? Sorry Miss, Hindi kami katulad ni Geko FYI, kami lang naman ang tumulong dito sa kaibigan mo." "Good, Dapat lang, dahil kung kasama kayo di ko kayo uurungan." Anya pa ni Jhovell kaya nagtawanan na naman ang dalawa. Nagulat pa kami ng bigla tumayo ang lalaki sa unahan at dumaan sa aming harapan. "Sam, Bayad namin, Iawas mo na rin kung mag mya gamit na na damage. And Give the Change to this Two young Ladies! Adios!" Anya pa ng lalaki na naka itim saka sila umalis. Wala naman ni isang nag ingay sa paglabas nila. Lahat ay tila nah bulong bulungan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD