CHAPTER 3 "DAKOT S*S* GANG

2175 Words
PENELOPE Pinasok na ako ni Madam Sam sa loob. Pinagbihis nya na rin ako. "Penelope, dito ka na muna sa loob, hwag ka na muna lumabas, tulungan mo na lamang si Jhovell." Anya pa ni Madam S saka inabot sa akin ang Apron para tumulong na lamang ako mag ligpit. Hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ng manyakis ma iyon. Akala ko talaga katapusan ko na, mabuti na lamang at hindi dahil tinulungan ako ngga customer sa kabilang table. Habang nagpupunas ako ay nagsalita na naman si Jhovell. "Ano okay ka naba? Pasalamat talaga ang mga manyakis na yon dahil kung inabot ko sila ay Sya ay Manghihiram sila ng Mukha Sa Aso ay AH AH." Anya pa nito habang nagpupunas ng mga Baso. "Pero Nakakatakot sila Besh, may mga dalang baril." "Wala tayong magagawa sa bagay na yan besh, Kung sa Bar na Pucho pucho malamang lanseta at balisong ang Baon nila. Pero dahil mga Alta ang napunta dito kaya syempre mga De kalibre din ang baon." Wika pa ni Jhovell sa akin. "Pero Buti na lang talaga tinulungan ka nung nasa kabilang table, Mukang Mga Alta din Besh. Yung Dalawang Ulile tawa ng tawa pero yung isa Nakatahimik lang napaka non chalant." Dagdag pa nito. Naisip ko naman ang lalaki kanina. Ni hindi man lang maaninag ang kanyang Mukha dahil sa bukod sa nakaitim at naka Hoodie sya ay naka suot parin sya ng Shade, wala nang ibang pagkakakilanlan pa sa kanya bukod sa magsalita sya kanina. Mala Bedroom voice ang boses nya. "Oo nga Besh, di narin ako nakapag pasalamat sa kanila." Dagdag ko pa rito habang patuloy na nililigpit ang ibang mga baso. Bandang Alas onse ay muling pumasok si Madam Sam saka nito iniabot ang Tig Tatlong libong piso sa amin ni Jhovell. "Madam, bat ang laki naman po nito?" Tanong ko rito. "Yan ang bilin ni Master V kanina." Anya nito. Nagkatinginan naman kami ni Jhovell. "Hala, ganon po ba? Naku pakisabi nalang po salamat. Matagal nyo na po ba syang kilala?" Tanong ko pa rito. "Actually matagal na syang Customer dito pero ni Isa dito sa amin ay di pa talaga sya kilala ng husto. Tinatawag lang namin syang Master V. "Ah ganon po ba? Napaka misteryoso naman po pala nya." "Parang ganon na nga. Oh sya sige na makakauwi na kayong dalawa." Anya sa amin ni Madam Sam. Dahil gabi na iyon ay hirap na kaming makasakay. Iilan nalang ang dumadaan ngunit puno pa ang iba. "Mukang wala na tayong masasakyan nito Jhovell" "Pansin ko nga..Yawa mukang lalakarin na lang natin ito. Sa bayan na lang tayo magpasundo." Maktol pa ni Jhovell ngunit habang naglalakad kami ay sasakyan ang huminto sa amin at pilit kaming pinasasakay. "Luhh.. Sino kayo anong kailangan nyo?". Anya ni Jhovell sa mga ito. "Wala kayong Pake, basta sumama kayo!." Anya ng isang lalaki at pilit kaming hinihila pasakay. "Punyeta sa pangit nyong yan abay magkakaron kame ng pake para tanungin kung sino kayo mga Animal, mamaya kayo rin pala yung myembro ng Dakot Su*o Gang!" Anya pa ni Jhovell saka kami sabay nagpumiglas. Ngunit dahil mga lalaki sila ay di namin sila kaya, nakapasok na ang kalahating katawan namin sa Van ng dumating ang isang sasakyan. Nagulat kami dahil walang iba kundi ang 2 lalaki na tumulong sa amin sa Bar kanina. Ngunit di na kasama ang lalaking Misteryosong nakaitim. "Hoyy..F*ck, hindi talaga kayo tumitigil? Sawa na ba kayo sa mga Buhay ninyo." Sabi ng mga ito saka kami hinila palayo sa mga Armadong lalaki. Sa takot naman ay nagpulasan din bigla ang mga naka Van at kami naman ni Jhovell ay Takot na habang magkayakap. "Tsk..Bat ba kasi andito kayo sa Dilim?" Tanong ng isa sa mga lalaki na tumulong sa amin. "Sa tingin mo ba Trip trip lang namin maglakad sa dilim? Malamang wala na kaming masakyan." Inis na sabi ni Jhovell saka inirapan ang isang lalaki. "Nagtanong lang ako may pa irap ka ng ganyan, Wala bang Thank you dyan dahil tinulungan ka na." Namilog naman ang mata ni Jhovell saka binalikan ang lalaki. "Ay oo nga pala, Thank you naman sa Pagliligtas nyo sa amin, laban sa Dakot Su*o Gang ha." Anya ni jhovell saka salubong parin ang kilay na nakatingin sa lalaki. Natatawa naman ang lalaki sa sinabj ni Jhovell. "Grabe pala yung ibang name ng Gang ngayon ano, Mga kakaiba." Anya pa nito habang nakatingin kay Jhovell. "Ahmm Bansag ko lang yon, ganon kasi galawan eh." Sagot pa ni Jhovell. "Pero Salamat nga po pala sa pagligtas nyo ulit sa amin. Mauuna na kami." Sabi ko sa kanila. "Pasaan ba kayo? Para ihahatid na namin kayo, Delikado na kasi mag a alas dose na. "Ihatid nyo nalang kami sa may Bayan at magpapasundo nalang kami sa Pinsan ko." "Taga saan ba kayo? Para ihahatid nalang namin kayo?" Tanong pa samin ng lalaki." "Taga DIMASUPIL kami, mababait tao don. Di ka pa nagsasalita tatanungin ka kung ANONG PROBLEMA mo?. "Sa Dimasupil kayo? Ok, sakay na, ihahatid nalang namin kayo doon. Anya pa ng mga ito kaya naman sumakay na rin kami. "Oo nga pala, Ako nga pala si Mad. At sya naman si Eli. "Mad? Kaya pala muka kang galit na unggoy pero tumatawa tawa pa." Pang aasar pa dito ni Jhovell. "Eyyy... Nickname ko yon Syempre." "Bakit? Ang bantot siguro ng pangalan mo kaya may pa Mad Mad ka pang nalalaman hahaha." "Hmm..Di mo sure." Sagot nito habang patuloy sa pag da drive. Ilang minuto lamang naman ay sinapit namin ang Aming lugar. Ganitong oras ay buhay na buhay pa ang diwa ng mga tao sa lugar namin. May nag susugal, may nag iinom, at may mga memosa parin na 24/7 din ang mga mata. "Salamat sa inyo Mad, ingat kayo pabalik." Sabi ko habang nagpapaalam sa kanila. Naroon pa sila at di pa nakakaalis ngunit ang mga bulong bulungan ay dinig na namin. "Aba ay sino kaya ang mga iyan? Nako panigurado may ginagawa yang dalwang yan.. Baka nagsimula na ring magbenta ng sariling Karne para may pang laman sa Sikmura hahaa." Dinig pa naming kwentuhan ng mga naroroon. "Sige na Mad, Alis na kayo, pasensya na kayo sa lugar namin ah..wala filter bunganga ng mga Tao rito. Kita mo naman hinatid mo lang kami, pero inisip na agad na nagbebenta kami ng Karneng Pekp€k. Sige na alis na kayo." Anya pa ni Jhovell. Nang padaan na kami sa Harap ng mga mosang ay Di parin tumigil ang mga ito. "Gandang Gabi mga Hija, Aba inumaga na kayo ah, Sino ang mga iyon? Customer nyo din ba? Haha..nagbebenta na rin ba kayo gaya ng anak kong si Janiz? Sabi sa inyo malaki ang kitaan hahaha, Ano nakarami ba kayo? Sulit ba ang Bentahan?" Tanong pa ni aling Taleng. "Aling Taleng, Tingnan mo naman ang Lakad namin, tuwid na tuwid diba? Malamang walang Bembangan na naganap? Panigurado Kung nagpa Bembang kami baka Iika ika na kami. Hayaan mo kapag nagpa Bembang kami Ipapaalam namin sa Buong Dimasupil." Anya pa ni Jhovell. "Halika na Jhovell, ikaw talaga pinatulan mo pa." "Ganon talaga, Kainis eh, Muka ba tayong nagpa Bembang? Iika ika ba tayong lumakad? Hinatid lang naman tayo ah." Maktol pa ni Jhovell. "Hahay, hayaan mo na sabi, tara na nga." Naglakad na kami Ni Jhovell at naghiwalay patungo sa aming kanya kanyang bahay. Pagdating ko ay Tulog na si Tito at Tita kaya dumiretso na ako sa aking kwarto. Maliit lamang iyon ngunit ginawam nila ako ng sariling kwarto simula nung nagdalaga ako. Matapos ko mag ayos ng sarili ay natulog narin ako. Ngunit bandang Ala Singko ay nagising ako. Napanaginipan ko yung Lalaki na Misteryosong naka itim. Sino kaya iyon? Bat kaya pumasok sya sa isip ko? Hindi narin naman ako makatulog kaya bumangon na muna ako. Tulog pa sila Tita kaya Lumabas na muna ako para bumili ng aming kakainin. Bumili ako ng 5 kilong Bigas, Gulay, Karne at isda sa may Talipapa saka ako nagsimula mag luto. Pag gising nila Tita ay nagulat pa sila ng maabutan ako na nagluluto. "Oh Hija, san galing ang mga yan? Bat ang dami mong pinamili?" "Oo nga ano? May mga Isda, Karne at Gulay pa.? Anya pa ni Tito. "Nabigyan lang po ng Tip Kagabi Tyong. Diba po taga ligpit kami ni Jhovell, kaso po kinulang sila sa waitress kaya ako po ang kumuha at nagdala ng order sa mga customer kaya po ayon, natuwa po yung isang grupo na inasikaso ko kaya binigyan po ako mg Tip pati si Jhovell nung pauwi na." Paliwanag ko sa mga ito. Pero syempre di ko na kinuwento na nabastos ako sa isang table, ayoko na mag alala pa sila. "Basta ingat ka Pen ah, alam mo naman ang panahon ngayon." Payo pa nila Tyong at Tyang. Matapos namin mag almusal ay nag asikaso narin sila para sa kanilang trabaho. Si Tyang ay natangap ng Labada at Linis ng bahay. Si Tsong naman ay na sideline sa Talyer ng kaibigan nya, tinatawag sya pag maraming gawa. Kapag wala naman ay sumasama sya sa Taga Buhat ng Mga Binabagsak na mga Gulay na paninda sa palengke. Kaya ganito kami, Isang kahig, Isang Tuka ika nga. Alas syete naman ay kumilos narin ako dahil alas otso y media ang pasok namin. Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil di kumakalam ang tyan, kahit papano medyo nakatulog din naman ako. Sa Eskwelahan na kami nagkita ni Jhovell as usual pag dating namin ay naabutan na naman namin ang nagpapayabangan namin na ka klase pero nanahimik na Lang kami dahil wala naman kaming ma aambag sa kwento. "Nagtext si Madam S. Kahit mga 7 na daw tayo pumasok mamaya." "Sige, Ayos yan, tamang tama makakaipon tayo kahit papano." "Oo nga, pero sana sa kitchen nalang ulit ako." Anya ko dito. "Eh paano kapag hinugot ka ulit bilang waitress?' "Depende, ok lang naman, wag lang mga bastos na customer."dagdag ko pa. Tulad ng unang araw ay umuwi muna ako saka nagpalit at nagpaalam kina tyang. Saka kami nagpunta sa Bar na iyon. Gaya ng sinabi ni Jhovell ako na naman ang ginawang waitress nila Madam S. Sa mga Oras na iyon ay ayos naman, wala namang maangas at bastos na customer. Sinisipat ko ngunit wala doon ang grupo ng misteryosong lalaking nakaitim. Sayang naman, Nais ko sana magpasalamat kung makikita ko sya ulit. Habang naghihintay ako ng order ng customer ay tinawag ako Ni Madam S. Saka ako inutusan na dalhin sa VIP room 001 ang order kaya tumalima naman ako agad. Nagulat pa nga ako dahil 3 kaming waitress na naka istambay sa counter ngunit ako ang request nya. Dala ko naman sa Tray ang Alak na order ng customer pati ang mga baso. Nag doorbel muna ako hudyatbna papasok ako para sa Order. "Good Evening po Dadalhin ko lang po itong Order..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng mapansin ang customer sa silid na iyon. Walang iba kundi ang lalaking Misteryosong naka itim. Katulad kahapon ay ganon parin.Ngunit nakatoon sya sa binabasang Magazine. "Thank you, you can leave those, unless you want to join me here in the room for a drink." Anya nito na para bang nang aakit. Ngunit nananatiling nakatingin sa Magazine. Nakatayo lamang ako at gusto ko sana magpa salamat ngunit nagsalita sya ulit. "Heyy, are you made up your mind? Tanong pa nito. "Ah..Ahmm..Sorry Sir..Aalis na po ako, Ahm gusto ko lang magpasalamat sa ginawa nyo kahapon, saka sa tip na binigay mo sa amin ng kaibigan ko." "Oh, that? It's nothing to me. It's just a small thing, so if you think I did something special for you, you're wrong, or Maybe you just made it up to get attention?" Walang emosyon na sabi nya sa akin. Parang ako naman bigla ang nahiya, Gusto ko lang naman na mag Thank You sa kanya, pero di ko naman iniisip na Especial ang tingin nya sa akin at ending eh inaakusahan pa ako na baka gawa gawa ko lang. Hay nako bahala ka na nga. "Excuse me, wala akong sinabi na especial ako, nag Thank you lang po ako, at FYI nandon kayo ng mga Kaibigan mo at pati sila Saksi na Hinipuan ako sa kabilang Table! OH baka di mo lang Nakita ang pangyayari dahil gabing gabi naka SHADE ka, Ano ka Bampira? yan ang hirap sa inyong Mayayaman mga Arogante!" Inis kong sabi saka sya tinalikuran. Nagulat ako ng Pumalakpak sya. "Yan ang gusto ko sa Babae Palaban! Sana palaban ka sa lahat, Kahit saang Digmaan ka dalhin." "Bahala ka sa Digmaang Sinasabi mo! Dyan ka na, Na served ko na ang order mo, Nakapag pasalamat na rin ako sayo, At aalis na ko." Anya ko saka lumakad palayo, narinig ko pa ang halakhak nya, hay nako, may tama ata ang isang iyon. Sabi ko na lamang sa aking sarili, pero grabe yung boses nya parang nang aakit kahit nakakainis na. Hay naku. Tama na nga, dapat kainisan ko na rin sya dahil wala din sya pinagkaiba sa ibang mayaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD