CHAPTER 4 "MODELO"

2710 Words
PENELOPE Dahil wala pang masyadong ginagawa ay nagpunas muna ako sa counter. Ngunit nahinto ako ng tawagin ako ni Madam S. Nakita ko na tila may nakikipagtalo ditong customers. "Gusto ko sya dito table ko? Understand? Ako bayad kanya dami pera." Dinig kong wika nito sa tingin ko ay intsik ito na naninirahan na dito. "But Mr.Chung, she's a waitress, not allowed to table." Paliwanag dito ni Madam S. "I don't care, Basta sya dito sa akin, Gusto ko yan young lady, hwag akin bigay dami experience, yan gusto ko Sariwah." Wika pa nito, aba may pagka manyakis pala ang hayop na ito matanda na. Lumapit sa akin si Madam S ngunit ayaw Ko talaga. Babalik na sana si Madam S na Mesa nito ngunit pag lingon namin ay nakatayo na pala ito at Akma akong aakayin. "Come, I will pay you.. Just be with me Young lady owkei?" Anya nito sabay ngiti a kita ang mga ngipin na di ko mawari kung anong klaseng ngiti. "No Sir, I don't like it." Anya ko pa ngunit hinihila na ako nito sa table nya. Nagulat na lamang ako ng isang bisig ang humawak sa braro ko na syang nakapag papigil kay Mr.Chung. "Mr. Chung, why are you forcing this woman? You heard her, right? She doesn't want to go with you, but why are you still forcing her? She won't go with you because I got to her first." Anya ng lalaking naka itim. "No, I got to her first, you just arrived. That's why she should go with me." "Really? She's been with me in the VIP room. Hmm.. Sa bagay it's possible you got to her first, but after you, there won't be any business left. Maybe you're forgetting, Mr. Chung, that you have business in Binondo, right? So choose wisely, because you might not have anything to go back to." Sagot na naman ng lalaking nakaitim na nananatiling hawak ang kamay ko. Sa sinabing iyon ng Lalaki ay pinagpapawisang binitawan ni Mr.Chung ang Kamay ko, saka humingi ng Pasensya sa lalaki at mabilis na nagbayad at lumabas ng Bar. Habang ako naman ay walang ano ano na akay ng lalaki patungo sa VIP Room. "Alam mo na Samantha." Anya pa nito kay Madam S nang hindi man lamang lumilingon. Pagdating Sa Loob ng VIP room ay pinaupo ako nito sa Sa Sofa. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil parang wala akong masabi. "Ano? Bat natahimik ka dyan?" Ang tapang mo sa akin kanina tapos kay Chung di ka makapag maktol?" Anya nito na para bang tinutuya pa ako. "Nagpumiglas ako no, Saka malay ko ba na May Manyakis pang iba bukod dun kay Geco kahapon. Araw araw na lang ata na Mamanyak ako dito. Dishwasher lang naman ang trabaho ko, hinugot lang naman ako as waitress. Tapos ngayon Dun naman sa Matandang Itsek." Mataray na kwento ko dito. "Ilang taon ka naba? Wala ka bang ibang makitang Trabaho?" Tanong nya sa akin. "Sa Tingin mo ba Mag titiis ako dito kung meron? Saka maganda kahit papano yung sahod dito." "Ilang taon ka na nga?" "18, bat mo ba kasi tinatanong? Hwag ka mag alala dahil nasa 18 na ako at pwede na magtrabaho, eh ikaw lang taon ka na?" Tanong ko naman dito. Ngunit imbes na sumagot ay humalakhak lang. "Secret, Hwag mo nalang alamin." Anya nito saka Tumawa. At uminom ng Alak. Lakas din talaga ng Tama nito ni Mr. Mysterious. Anya ko na lamang sa aking isip. "Habang umiinom sya ay nakatingin lamang ako sa kanya. Pero kahit umiinom sya ay nakasuot parin sya ng salamin. "Oh, bat nakatingin ka lang? Ayaw mo ba uminom? Uminom ka." Yaya nito. "Ayoko! Di naman ako umiinom eh, Tarantado lang mga nakatira sa lugar namin pero di naman ako gaya ng iba don." Nagulat naman ako ng Tumawa na naman ito. "Ganyan kaba talaga makipag Usap? Para kang laging galit?" Sagot nito saka uminom ulit. "Pano namang di ako maiinis e araw araw na lang ata akong makaka encounter ng Manyakis dito. Oo naman alam ko na Bar ito, pero hello, Diswasher nga lang ako at napag utusan lang maghatid ng order pero bakit naman Minamanyak ako madalas." Tuloy tuloy na sintemyento ko. Maya maya ay bumukas ang pinto niluwa noon si Gil, ang isa sa mga waiter na kasama ko. "Mr.V, heto na po ang Orange Juice na order nyo po." "Salamat, Pakibaba na lang " sagot ni Mr.Misteryoso. "Oh ayan na, sabayan mo na lang ako Uminom. Tingin ko naman ay dinka malalasing dyan sa Orange juise na yan." Sabi nya pa saka muling lumagok sa alak na hawak nya. Ilang munuto pa kami sa loob ay parang inaantok ako. Napatingin naman ako sa kanya at nahuli ko syang nakatingin sa akin. "Anong oras ang pasok mo bukas?" Tanong nito. "Hmm..ako? Alas otso ng umaga." "Ah, not so early, pero kung gusto mo na umuwi, pwede kana umuwi. Babayaran ko nalang ang araw mo " "Ganon? Pero paano po ang kaibigan ko na naghubugad ng plato. Di ko sya pwede iwan dito. Kawawa naman sya.. baka mamaya may humarang na naman sa amin. "Ganon ba? Call her, kakausapin ko si Samantha. At sasabihin ko rin na ioahatid na kayo, Makakalabas ka na, Salamat sa oras mo." Anya nito na walang emosyon saka inilapag ang sampung libong piso sa mesa. "Luhh..para san to?" "Para sayo, bigyan mo nalang ang kaibigan mo., Sige na, para makapag pahinga ka pa." Anya pa nito. Magsasalita pa sana ako ng sensyasan nya ako. Kaya nag pa salamat na lamang ako. Kakaiba talaga tong Si Mr. Mysterious. Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa may Locker ko. Sumunod naman sa akin si Madam S. "Penny ano, pinalabas ka naba ni Mr.V?" "Opo Madam S. Maari na daw po akomg umuwi, isama ko na rin daw po si Jhovell. Saka po Madam S. Gusto ko magpasalamat sa pagtangap ninyo sa amin ni Jhov, pero baka ito nalang din po ang huling araw namin. Kada gabi nalang po kasi lagi akong nababastos kaya hindi na lang po ako papasok. "Ganon ba? Sayang Pen, mahusay ka pa naman sana, Magaling at masunurin ka sa trabaho." Dagdag pa ni Madam. 'Opo, pero lagi nalang po akong nababastos kaya mainam po na huminto nalang po ako." "Sige Hija, kung yan ang desisyon mo, pero kapag naisipan mo bumalik pwede ka dito ah.' Malumanay nyang sabi saka ako tinapik sa balikat. Nagulat pa si Jhov ng ayain ko sya pauwi. "Ano? Uuwi na tayo? bakit?" Sunod sunod na tanong ni Jhovell. "Malamang uuwi na tayo, kaya gumayak ka na riyan. At oo nga pala huling araw ko na ito rito, Hindi ko alam kung babalik ka pa, pero ako hindi na. Nagsabi na ako kay Madam." Sabi ko habang inaayos ang aking bag. "Hala..Sywmpre kapag wala ka na dito di na rin ako papasok syempre, Samaham mo ako mag papaalam na rin ako." Aya pa ni Jhov sa akin para makapag paalam din sya kay Madam S. "Hindi na kailangan, sinabi ko na rin naman ma di ka na rin papasok hehe, alam ko naman na magkadikit ang mga bituka natin at hindi ka magpapaiwam dito haha kaya dinamay na kita." Natatawang sabi ko sa kanya. Sa tagal naming magkaibigan at magkababata ni Jhovell alam ko na ang galawan nito, hindi ito magpapaiwan ng di ako kasama. Nang makapag ayos kami ay sabay kaming nagpaalam at nagpasalamat kay Madam S. Saka kami lumabas ng Bar. Dahil medyo maaga pa sa oras na iyon ay nakasakay pa kami. Nakasalubong pa namin sa Labas ang 2 lalaki na madalas kasama ni Mr.Mysterious at binati pa kami nito. "Eyyy..Kayo na naman, san kayo pupunta? Maaga pa ah." Tanong sa amin ni Mad. "Uuwi na kami, Saka wag ka mag alala di mo na kami makikita sa Bar na yan mula Bukas." Mataray na wika ni Jhovell dito. "Huh? Why? Nakabasag ba kayo ng mga pinggan at Baso?" "Hindi, palagi nalang kasing Namamanyak tong si Penny kaya mas mabuti pa na humanap kami ng iba." Sagot naman ni Jhov. "Bakit may nambastos ulit sayo?" Baling na tanong nito sa akin. "Oo yung Intsik na guest, buti na lang andon yung Si Mystrious na kasama mo, sya yung nagtanggol kanina sa akin." Saad ko pa dito. Nagtinginan naman ang dalawang lalaki saka sila tila napangiti. "Oh anong tinatawa tawa nyo dyan?" Sita dito ni Jhov. "Wala, bakit masama ba tumawa? Haha sige na ingat kayo, Good luck sa inyo" anya pa ng mga ito saka lumakad. Sakto naman na may Jeep na parating kaya sumakay na rin kami. Dahil alas dyes pa lamg iyon ng gabi ay kumain muna kami sa Bukas na lugawa. Sa may bayan. Tinext naman ni Jhovell si Kuya Baste na sunduin kami ng Tricycle nito. Habang hinihintay namin ang Lugaw at Tokwa na inorder namin ay napansin kong tahimik at tila malayo ang iniisip ni Jhov. "Hoy, bat ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ko rito saka inilapag ang sawsawang toyo. "Wala, nalulungkot lang ako, wala na tayong trabaho ulit, tapos ang dami pa natin kailangang bayaran. Pano na tayo nito?" Nag aalalang tanong nito. Agad naman akong dumukot sa bulsa ng aking Bag saka nagsalita. "E di Maghanap nalang ulit tayo ng work, Hwag ka Mag Alala, heto itabi mo, tip yan ni Mysterious Na lalaki kanina." Anya ko saka inabot ang tatlong libo. "Ang laki nito Besh, Pero salamat ah, di ko tatangihan to. Pero salamat talaga Besh." Naluluhang sabi nya saka yumakap sa akin. "Walang ano man, Hanap nalang ulit tayo ng Work." Sabi ko naman dito. Nang dumating na ang order namin ay kumain na rin kami, nag take out narin kami para kay Kuya Baste pati narin kay Tito at Tita. Samantala kinabukasan ay sinabi ko sa kanila na umalis na ako sa trabaho dahil binastos ako. Hindi naman sila nagalit bagkos nag alala pa sila sa akin. Pero sinabi ko na hahanap nalang ulit ako ng trabaho para kahit papano ay may pang tustos parin ako. At ganon nga ang ginawa namin kinabukasan. Habang naglalakad ay nakakita kami na naghahanap daw mg Modelo 5 hrs lant daw at malaki ang bayad. Dahil may Pila ay nakipila din kami. Hindi naman sa Pag mamayabang ay Maganda naman kami ni Jhovell at Sexy din naman. Nagkataon lang na pinanganak kaming CERTIFIED KAHAMPY Hampas lupa ika nga. Noong una ay ayaw pa kami tangapin dahil puno na daw ngunit ng paalis na kami ay tinawag kami kaya masayang masaya kami ni Jhovell. Nag fill up pa kaming muli sa Isang papael saka kami binigyan ng damit na isusuot. Ang sabi ay mag Momodel lang kami kaya pumayag kami, ang laki kasi ng Offer. Nang buksan namin ang damit ay Tila napaka daring nito masyado. Kaya nagkagulatan kami ni Jhov. "Hala..bat ganito? Ang sexy naman nito masyado. Pakiramdam ko besh luluwa ang dibdid mo dito." Anya ni Jhov saka bahagya pang sinukat sa kanya ang damit. Dinampot ko naman ang damit na para sa Akin, sakto naman na dumating na si Mam Tonette ang pinaka leader namin kaya inutusan kaming lahat na mag shower na muna saka magbihis na agad at ayusin ang sarili dahil sa loob ng isang oras ay magsisimula na kami. Mabilis kumilos ang iba. Dahil 10 Cubicle Lang ang Naroon ay agawan pa sa pag sa shower mabuti na lang at mabilis si Jhov kaya sabay na lamang kami naligo. Talikuran nalang kami habang nag kukusokos at nagbubuhos. Makalipas ang 20 minutos ay nakatapos kami kaya nag bihis din kami agad at sabay naming inayos ang aming sarili. Tama nga si Jhov, masyado ngang Hapit sa akin ang damit halos ayaw na sumara ng sa parting dibdib buti nalang at medyo na adjust pa. Nag lagay lamang kami ng Saktong Make up, dahil wala naman kaming Idea kung ano bang i Mo model namin. Mabuti na lamang at Kompleto din sa gamit kaya kinulot nalang namin ni Jhovell ang dulo ng aming buhok. Nag extend pa ng kalahating oras dahil parating palang daw ang mga Bisita. Kaya kahit papano ay nakapag relax pa kami ni Jhovell. Maya maya lamang ay Pinag ayos na kami. Dumating na raw ang mga Bisita kaya kailangan na namin ihanda ang aming mga sarili. Habang nakapila kami ay Inabutan kami ng ibat ibang klaseng mga item. Hindi naman kami pinanganak kahapon para di malaman ang mga ito. Ang iba ay mga S€x Toys, Mga Pills tulad ng mga Viagra at Robust, Mga Gamit sa S€xcapade. Halos mga Adult toys ang mga iyon. Napunta sa akin ay ang Pakete na gaya ng Robust at Ang kay Jhovell naman ay tila Pamahid na nakalagay sa Tube ng binasa ko ay Paramg Titan Gel ito na di umanoy nakakapag bahaba at laki daw sa manoy ng mga lalaki. Natawa na lang kami ni Jhovell. "King ina naman Penny, sinong mag aakala na magiging Modelo ako ng Titan Gel, at Ikaw Naman ay sa Robust, walanjang Buhay naman to oh, pero sige keri lang malaki naman bayad sa atin, ok na to Kesa naman Dun sa Hawak ng Isang Babae Putcha d***o ..Hahahaa .Ano Yan kasing Haba ng Sa Kabayo?" Anya pa ni Jhovell saka humagalpak ng tawa, Hinila ko naman ito sa buhok dahil napapatingin ang iba naming kasama. "Woyy Wag ka nga maingay jan, pinag titinginan tayo." Saway ko pa rito. "Haha basahin mo besh nakapagpapahaba daw ng Jowten haha, na curious lang ako bat ba kailangan gumamit pa ng mga ganito Eh wala naman sa Size yan..nasa performance nya..Haha at Take note may 10 inches pang nalalaman GungOng hahaha pinoy hahanapan ng 10 inches? Hahaa anong Breed ba yorn?" Wala paring tigil na basa nito sa box ng Titan Gel na hawak nya. Mabuti na lamang at dumating na si Mam Tonette kaya umayos na kami. Isa isa na kaming tinawag at minodel ang hawak naming Produkto. Hanga lang ako sa iba na kayang dalhin ang sarili kahit na malaswa ang Minomodel nila, masyado silang malalakas ang loob. Hangang sa ako ang tawagin, parang mabubuwal ako habang naglalakad. First time ko mag suot ng 3 inches na Sandals pero sinikap ko na lumakad ng kalmado habang hawak ang Product na nakatoka sa akin. Madami ang tao na naroroon naririnig ko pa na nag komomento sila sa Isa't isa. Napatingin ako sa mga naroroon, Halatang mga Bigtime sila, karamihan ay may mga edad, siguro ay sila ang mga suki nitong ganitong Produkto. Matapos namin rumampa ay pinatayo kami sa unahan. Hangang sa tila nagkakaroon ng Bidding. Ngunit habang papalapit na sa amin ay tila kinakabahan ako. Dahil narinig namin na may babaeng sumisigaw na tila humihingi ng Tulong. Pero agad din nawala ang sigaw nito kaya nagkatinginan kami Ni Jhovell. Hangang sa kami na lamang ang natira. Iba na ang kutob naming dalawa pero mas pinili naming maging kalmado. Pero alam namin sa sarili namin na parang may mali. Buong akala namin ay ang product ang binibid, ngunit hindi pala, dahil kami pala mismo ang pine presyohan. Hangang sa makuha ako ng isang lalaking sa tingin ko ay may lahi, na sa wari ko ay nasa 50 na ang edad. Matapos ibigay ang pera kay Mam Tonette ay mabilis ako nitong hinila maging Si Jhovell ay hinila din ng lalaking nakabili sa kanya, ayaw namin mag bitaw ngunit nagkahiwalay kami ng ipasok ako sa kabilang kwarto. Takot na takot ako sa oras na yon. Hinubad ko ang sandals ko saka ibinato sa Lalaking kasama ko sa silid ngunit malakas sya. kinubabawan nya ako saka binalibag sa kama. Nang mapahiga ako ay Halos magdilim ang paningin ko ng Sikmuraan ako nito, Saka Hinaklit ang suot kong pang itaas na tuluyang napunit. Halos maluha naman ako dahil sa sakit, at sa pag aalala na mangyayari sa akin. Ngunit Bago Pumikit ang Mata ko ay Biglang bumukas ang pinto kasunod noon ay tila mga armadong lalaki na humuli sa lalaking kasama ko sa Silid. Ngunit ang di ko makakalimutan ay ang pigura ng isang lalaking nakaitim na lumapit sa akin, hinubad nya pa ang suot nyang coat saka tinakip sa aking katawan at tila sinubukan nya pa na gisingin ako, ngunit tuluyan ng nawala ang diwa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD