PENELOPE
Nagising ako na nasa loob na ako ng isang silid. Muli ko ikinurap ang mata ko saka ko napagtanto na nasa tila Ospital ako. Lalo na mg lapitan ako ng isang nurse.
"A.. Ano pong nangyari? Nasan po ako?" Tanong ko pa rito.
"Narito ka sa Clinic dinala ka nung lalaki na naka Over all Black."
"Po?.. Sino po?"
"Di nagpakilala amg sabi lang gamutin at asikasuhin ka, nag iwan lang ng pambayad." Sagot pa ng Nurse. Napatingin ako sa TV dahil may binabalita rito.
"Flash Report, Nasakote ng Kapulisan ang Mga Leader ng Sindikato sa isang Gusali kung saan ang akala ay bentahan lamang ng mga Produkto ang ginagawang event dito. Ngunit lingid sa kaalaman ay may bentahan pala ng laman na nagaganap.
Ilang mga Banyaga at Kapwa Pinoy ang mga customer na nahuli. Naaktuhan pa ang iba na gumagawa ng kahalayan sa mga Biktima. Ngunit mapalad naman ang mga nakaligtas na hindi pa nagagawang ng masama ngunit trauma naman daw ang inabot. Dinala naman sa malapit na pagamutan ang iba Pasa sa karagdagang impormasyon magbabalik kami maya maya lamang. Ako si Renato Caluag, Nag uulat."
Bigla ko namang naalala si Jhovell. Nasaan kaya sya?
"Nurse, napansin nyo po kaya yung kasama kong babae? Kasama ko po kasi yung kaibigan ko." Naiiyak na wika ko.
"Naku Miss, ikaw lang kasi ang hinatid rito na walang malay." Anya pa nito saka nagpaalam na lalabas na muna.
Maiiyak na ako dahil sa pag aalala ko kay Jhovell ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako ng niluwa sya nito.
Nakita ko pa na May Benda zya sa kamay.
"Jhovell."
"Penelope" naiiyak na batian namin sa Isa't isa.
"Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba nila" palitan na tanong namin.
"Nakapanglaban ako Penny, kaso nga lang tinamaan yung braso ko dahil sinalag ko ang base ng ibato sa akin. Pero ok na rin yon. Mahalaga hindi tayo na Bembang ng mga hayop, ikaw nasaktan ka ba?"
"Medyo, binalibag kasi ako sa kama tas sinikmuraan ako kaya halos mawalan ako ng malay. Akala ko talaga katapusan ko na dahil nawasak nya na ang damit ko. Tapos yon bigla bumukas ang pinto at may tumolong sakin." Nalukungkot na sabi ko habang inaalala ang nangyari kanina.
Hindi na rin kami nagtagal sa clinic dahil pinalabas na rin naman ako. Nagulat pa ako nang paglabas namin ay naroroon ang isang kotseng itim at nakaupo sa may Hood ang lalaki na madalas naming makita sa Bar.
"Oh, kumusta? Ayos lang ba kayo?' Tanong nito sa amin. Maagap naman na sumagot si Jhovell.
"Ayos lang naman kami, bakit mo alam na narito kami? Ako nakakahalata na, Kapag nakikita ka namin laging may aberyang nagaganap. Siguro may sumpa ka?" Walang kapreno prenong wika ni Jhovell kay Mad.
Napangisi naman ito saka napabuga ng hangin.
"Hoy Babae! Paanong di ko malalaman eh binalita sa TV.
Concern lang naman ako dahil nakita ko yang Pagmumuka mo. Kaya dali dali akong pumunta sa sinabing venue at nagtanong tanong ako kung san dinala yung mga Babae na nasagip." Wika ni Mad. Saka nagbuga ng usok galingbsa aparato na nakasabit sa kanyang leeg.
"Tse.. Ano namang pake mo sa amin? Hmmm..Hindi kaya parokyano ka din dapat don sa Subastahan na ginawa." Nang iinis na wika pa ni Jhovell.
"What? Hoyy..hindi ako supporters ng mga Sinasabi mo ano, at mas lalong di ako gumagamit ng produkto kuno na minomodel nyo. Hahaha Di ko kailangan Gumamit ng Robust at mas lalong di ko kailangan mg Titan Gel. Dahil Mahaba na to."
"Weh? Talaga FYI nasa 3.11 inches lang ang Flaccid length size ng Jowtin, at 4.27 naman kapag Erected ang Size ng sa Pinoy Baka isa ka ring hangal na nag papangap ng 10 inches Hwag kang Feeling, walang ganon hahaa ano dinaig mo pa yung mga CORNSTAR"walang prenong wika ni Jhovell kaya napatingin kami dito.
"Hahaa Di mo Sure, Hindi naman ako Pure Pilipino, kaya medyo mahaba naman ng konti yung akin sa size na sinasabi mo haha..pero anyway Size doesn’t matter, what matters is if how you can use it and how you actually pleasure someone?" Sagot naman dito Ni Mad.
Bago pa saan humantong ang usalan nila na nag iinit na ay pumagitna na ako.
"Opps..wait tama na yan okay, wala naman pupuntahan ang usapan natin kaya tara na., Sige na Mad, salamat sa pag Aalala maayos naman na kami. Susunod na lamang muna kami sa Police station para magbigay ng testimony about dun sa naganap na raid.
"Okay, pwede ko naman kayong ihatid pa diretso din naman ako para di na kayo maglakad." Anyaya nito, mukang harmless naman itong Si Mad, para nga lang Barumbado ang pormahan.
Tinangap na rin namin ang alok nya kaya hinatid nya kami sa police station para mag reklamo.
Hindi rin naman kami gaanong nagtagal dahil kami na lamang naman ang hindi nakakapag bigay ng statement.
Nang matapos iyon ay umuwi na rin kami ni Jhovell. Nasa bungad palang kami ng Dimasupil ay Nakaabang na ang mga Chismosa sa aming Lugar.
"Narito na sila, Penny at Jhovell, nakita namin kayo sa TV hahaha, na raid yung pinagta trabahuhan nyo nag Po PokpOk din pala kayo?
"Oo nga Penny, Nahuli pa yung mga Viagra at Mga Robust at Titan Gel na Binebenta hahaa ginagamit nyo din ba yon sa Customer nyo? Hahaa mga foreigner pa mga Customer nyo ah gusto nyo talaga yung Malalaki at Mahahaba ano? Hahaha." Mga tanong at Husga nila sa amin na walang ka sense sense.
"Hoy! Aling Lagring, Nagsipilyo ho ba kayo? Masyado hong maalingasaw ang lumalabas sa Bibig nyo!" Saway ni Jhovell dito.
"Haha Bakit Jhovell at Pennt Hindi ba? Bakit hindi pa kasi ninyo aminin na isa rin lamang kayong Pakarat katulad ng anak kong si Janiz. Masyado lang talaga kayong nagmamalinis at ma sekreto at ayaw nyo pa aminin na Nagbebenta rin kayo ng laman." Singit ni Aling Taleng ang founder ng mga Mosang sa aming Lugar.
"Aling Taleng, Napanood nyo po ba ng Buo ang balita? O baka yung ibang parte lang? Mga Biktima kami. Wala kaming alam na ganon ang pinasukan namin, akala namin ay simpleng pag momodel lang." Paliwanag ko pa dito.
"Wehh..Lumang Tugtugin na yan, Biktima kasi na raid, perobkung hindi baka gumigiling pa kayo hangang ngayon sa ibabaw ng mga Customer nyo hahah" anya pa ni aling Inday na katropa ni Aling taleng sa pagiging Chismosa.
"Hoy tama na yan, tama naman sila Penny mukang biktima talaga sila dahil may ininterview din na ibang biktima galing pa sa probinsya akala nya ay mag aalok lamang ng Produkto." Giit naman ni Aling Ambrocia.
"Buti ka pa Aling Ambrocia nag iisip kahit papano di Tulad ng Iba dito na kinain na mg chismosa ang isip."
"Hmm..Ok lang yan Jhovell, kung sakaling may nauna ma sayong Foreigner eh willing parin kaming Tikman kayo ni Penny hahaa" dagdag naman ni jude ang isa sa mga tambay sa lugar namin.
"Hoyy Hudas! Tumahimik ka dyan, baka Itarak ko sa tagiliran mo ito, Baka gusto mo ma meet ng maaga si San Pedro." Anya ni Jhovell saka kinuha ang Kutsilyo na pang gayat sa karne ni aling Ambrocia.
Napigilan lang si Jhovell at ibinaba rin nito agad.
"Tara na nga Penny, hirap dito sa lugar natin, Hindi naman lahat pero yung karamihan Hinahangin na ang Utak." Anya pa ni Jhovell saka ako hinila palayo.
Nalaman din nila Tita ang nangyari kaya alalang alala sila. Sinabihan nila ako na wag na muna humanap ng sideline dahil lagi nalang ako na papahamak. Mas mainam daw na kahit Kamoteng kahoy lang ang kainin namin basta alam nya daw na ayos kami.
Nang sumunod na araw ay eskwelahan at bahay lang kami ni Jhovell. Gusto man namin mag apply ngunit natakot na rin kami. Siguro ay sa susunod na buwan na lamang. Palilipasin na lang muna namin amg buwan ng Kamalasan.
Habang nasa Oval kami at nag hihintay sa susunod na subject ay busy si Jhovell sa kakakalikot ng Cellphone. Kwento ako ng Kwento pero Oo lang sya ng Oo.
Hangang sa magsalita sya.
"Aba ang Unggoy na Mad inadd ako sa sss at nag cha chat pa ano daw ginagawa ko."
"Ah talaga? Hehe mukang type ka ata ."
"Hmm..Itsurang yon? Mukang Palikero baka kahit saang lugar may babae yon. Kita mo nga pag nasa Bar, madalas tingnan ng mga Babae." Sagot pa nito
"Hmm..malay mo naman ganon lang talaga itsura nya, ikaw talaga."
"Habang busy sya ay nagbasa na lamang ako ng Libro dahil tinatamad rin naman akong mag Cellphone.
Hiniram naman saglit ni Jhovell ang Cp ko at may titingnan lang daw syang picture.
Kalahating oras pa ang hinintay namin ng mag decide na wala na palang klase dahil hindi na nakapasok si Mrs.Tapioca.
Kaya nag decide na lamang kaming umuwi ngunit bago kami umuwi dahil alas tres palang naman ng hapon ay inaya muna ako ni Jhovell sa lugawan na madalas naming kainan. Sa lugawan ni aling Nena.
Pansin ko na kahit dito ay Panay ang kalikot nya sa Phone.
"Jhov, kanina kapa busy dyan sa phone mo, ano bang meron?" Tanong ko dito dahil halos di na sya makasubo ng lugaw kaka cellphone.
"Wala naman Pen, may ginawa lang ako pero oks na.'" Saad nya saka la nag thumbs up sa akin.
Hindi ko na lamang sya Pinansin kaya kumain na lamang kami.
Pagdating sa Bahay ay agad akong nag handa ng hapunan. Madami pa naman ang bigas namin kaya nagsaing muna ako saka nagluto ng Sardinas na nilagyan ng Pechay.
Habang nag luluto ako ay dinig kong tumunog ang Cp ko.
Pinuntahan ko ito at meron itong notification mula sa isanf Dating App.
"Dating App? Teka kelan pa ako gumawa ng Dating App? Wala akong natatandaan na gumawa ako ng ganito. Bigla ko naalala si Jhovell sya lamang ang humawak ng Cellphone ko kanina kaya agad ko syang tinawagan sa messenger.
"Hoyy..Babaita..anong ginawa mo sa CP ko? Ang daming nag cha chat?
"Sorry Besh, ininstallan din kita ng Dating App may mga nag message na ba? Tanong pa ng baliw na babae.
"Oo ang dami, mauubos data ko dito ah."
"Hayaan mo na besh, pang aliw lang naman natin yan. Pag di mo Trip e di swipe mo lang hehe."
"Baliw ka talaga..ang dami nag cha chat mga manyakis naman, Nakakainis ka talaga Jhovelita!"
"Sorry na..ignore mo nalang pag manyakis, malay mo dyan tayo makatagpo ng Jowang Afam..para may Entry naman tayo sa I Just Wanna love you forever more habang sumasalubong sa airport hehe"
"Loka loka, eh mga Manyakis naman yung mga nag cha chat."
"Ignore mo lang basta, may matino din dyan na mag cha chat hehe." Anya pa nito.
Dahil panay ang tunog nag CP ko ay binasa ko ang ibang mga Chat, karamihan ay mga Banyaga na mula sa ibat ibang Bansa, May Puti, May Itim, May singkit, May dilat. Karamihan pa ay mga Manyakis talaga.
Tiningnan ko naman ang Profile ko na nilagay ni Jhovell. Kaya naman pala mga manyakis ang karamihan dahil ang nilagay nyang picture ko ay yung naka 2 piece pero boyleg type naman ang suot ko kaya di din naman ganon kalaswa.
Tiningnan ko pa ang Info na nilagay ni Jhov sa akin. Aba nilagay talaga ng Gaga ang Lahat ng info ko.
Nagulat pa ako ng mabasa ang Nakalagay sa ilalim ng Profile
"Hi My name is Penny, I'm looking for a Sugar Daddy, who can support me in my studies.
- "I'll make sure to pay you back as soon as I'm on my feet."
Aba at may pa ganito pa..masasabunutan talaga kita Jhovell. Anya ko pa sa aking isip kaya naman pala panay SEND NUDES AND I WILL SEND MONEY mga giatay na manyakis.
Ilalapag ko na sana ang Cellphone ko ng mapansin ko ang isang Chat na natabunan na sa Ilalim.
Inopen ko ito, naka Profile pic ito ng BLACK ROSE na Pinoprotektahan ng isang Scorpion.
"How much do you need?" Chat ng isang Stranghero sa App na iyon.
"- "I don't want to, you might be like the others.' Reply ko naman dito nakaka nose bleed naman pag ganito ang kausap anya ko pa sa isip ko.
"- "What do you mean? I'm not asking for anything." Reply nya sa akin.
Kasunod noon ay ang pag notif sa Gcash ko. Halos magulantang ako ng makita ang Twenty Thousand pesos sa sinend nya sa Gcash account ko.
- "I've sent the money to the account you provided. Please check your balance. Thank You..
Just message me if you need help. Bye for now, I need to go."
Sunod sunod na chat nito, hindi ko na na isend pa ang dapat ay reply ko dahil bigla na lang syang nag log out.
Bagamat nag out na sya ay sinend ko nalang din ang aking offline message.
"I'll pay you back as soon as I can, once I'm working. Thank you." Reply ko sa Chat. Saka ako nag out at pinatay ang Data ng aking Cellphone.
Sino kaya yon? Bakit ang bilis nya magtiwala ng ganon ganon lang? Hmm..Salamat narin kung Sino ka man Mr.Alakdan.