CHAPTER 6 "UNANG PAGLANTAD"

3692 Words
ALESSANDRO Unang araw pa lang ng Makita ko sya ay tila hindi na sya nawala sa isip ko. Nakita ko sya sa isang Bar bilang isang waitress. Maganda, Pinagpala ang katawan, sa tingin ko ay bata pa sya malaking bulas lang talaga. Palihim ko lamang syang tinitingnan noong una, hangang sa Bastusin sya sa kabilang table ni Geko, Isa sa mga Kakilala ko sa larangan ngunit isa ito sa mga Gahaman. Ito ang Unang bumastos sa kanya. Kinabukasan naman ay Si Mr.Chung naman ang bumastos sa kanya. Hindi naman sya bastusin tingnan pero mapapa lingon ka talaga sa kanya. Kesa bastusin sya ng kung sino ay inaya ko na lamang sya sa taas na samahan nya ako. Hindi daw sya umiinom kaya inorderan ko sya ng Juice. Masarap din syang inisin dahil medyon pikunin din sya. Hangang sa pinauwi ko na sya at binayaran na lamang para sa oras na inilagi nya sa Vip room kasama ako. At nang mga sumunod na araw ay hindi ko na nga sya nakita sa Bar. Tuluyan na daw itong nagpaalam sabi ni Samantha. Hiningi ko naman dito ang pinasa nitong resume saka ko Kinuha ang details ng babaeng ito. Ngunit kinabukasan ayon sa source ay nalaman ko na nag apply ito bilang Modelo, Ngunit di nila alam na bentahan ng laman ang kanilang kinasangkutan na matagal ng pinababantayan. Kaya tinimbre ko na ipa Raid na dahil madami pa ang mas mabibiktima. Kaya agad na nilusob ng kapulisan ang nasabing lugar kung saan ginaganap ang bentahan at tama nga ang hinala ng lahat. Dahil naabutan sa akto ang di magandang ginagawa ng mga parokyano sa mga babae. At isa na roon Si Penelope, Pagbukas namin sa pinto ay sakto na nahubaran na sya ng lalaking kasama nya sa loob at halos pawala na rin ang kanyang malay kaya habang nakikipag buno ang Pulis sa parokyano na dapat ay kukuha sa pagkatao ni Penelope ay agad ko itoong nilapitan. Hinubad ko ang aking Coat saka Sinuot sa hubad nyang katawan dahol pinunit ng walang hiyang lalaki ang damit nya. Tinangka ko pa syang gisingin ngunit nawalan na sya ng Malay. Dinala ko na lamamg sya sa isang clinic at ibinilin sa nurse at doctor. Saka ko naman tinimbre kay Mad para kako i monitor nya nalang. Hangang sa magkamalay daw ito at hinatid pa ni Mad sa Presinto para mag sampa ng reklamo at hingin ang statement nila. Ngayon nga ay Hawak hawak ko ang Resume na pinasa nya sa Bar ni Samantha. PENELOPE SANTAMENA 18 YEARS OLD At Kasalukuyang nasa 2nd Sem sa 1st year college. Nakatingin ako sa Picture nya na nasa Resume vs sa Picture nya dito sa Isang Dating App. Nalaman ko lang na meron sya nito dahil sa kaibigan nyang si Jhovel na nakwento sa Chat kay Mad. Hindi talaga si Penelope ang gumawa nito kundi ipinaggawa ni Jhovell. Sinubukan ko syang i chat at noong una ay nahihiya pa sya ng alukin ko sya. Hindi naman sya humingi ngunit nag insist ako. Wala na syang nagawa nang mag send ako sa kanya. Nakakaawa din naman sya kaya gusto ko sya tulungan kaya ano ba namang ang Dalawampung libong Piso para itulong sa pag aaral nya. Habang nakaupo ako sa may Veranda habang Umiinom ng Kape at nagbabasa ng newspaper ay syang pagdating ng aking pinsan sa mother side, na sya ring pinaka close ko sa lahat, si Amadeus. "San, galing ako sa may Planta, Nagpunta daw doon si Geko at hinahanap ka. "Hmm..Bat nya naman ako hahanapin? Ilang beses ko na sinabi na ayaw ko sya isama sa Grupo dahil Tuso sya at Mapanlamang, kawawa lamang ang ibang tao kung isasama natin sya. Buo na ang pasya ko na hwag sya isama." "True, tama yan, mas lalo lamang lalakas ang loob ng kumag na iyon, baka hindi nalang Boobs ang bigla nong dakutin kundi Mas higit pa." Sagot ni Mad saka umupo sa harap ko. Napatingin naman ako dito at naalala ko na naman ang ginawa nito sa pobreng si Penelope na hinipuan. "San, nabalitaan ko kay Jhov na may nag send daw ng pera kay Penny, ikaw ba yon?" Tanong nito sa akin. "Yeah, maliit na bagay, ok na yon, puro kamalasan lang din naman ang inaabot nya sa ina applyan nyang trabaho kaya mainam na iyon" sagot ko rito. Natawa naman sya sa sinabi ko. "Hmm..parang may na se sense ako insan, Alam ko na generous kang tao, pero tila iba ang pagtingin mo dyan kay Penny hehe? Type mo ba? Aminin mo na. Tila nang aasar na wika ng aking pinsan. "Mad, alam mo naman may Trauma na ako sa Babae, hindi ko pa rin nakakalimutan ang Ginawa ni Sarita. Anya ko saka humigop ng kape. "Pero San, it's been 10 years. Simula noon ay hindi ka na nag seryoso sa mga Babae. Magkaron ka man ng kasintahan months lang dinidispatya mo agad." "Dahil pare pareho lang sila. Wala naman silang ibang gusto sa akin kundi ang salapi ko." Wala silang pinagkaiba kay Sarita. Na mas Piniling iwan ako at sumama sa mas mayaman sa aking ng panahon na iyon. Buong akala ko na sya ang makakasama ko sa pag abot ng pangarap ko noon. Pero hindi pala. Ang mas masakit pa matagal nya na pala akong niloloko. Sumubok namab ako ulit diba? Pero saksi ka doon. Ang iba talaga ay pera ko lamang ang mahal at hindi naman talaga ako, kaya bakit pa ako mag seseryoso? Kaya ganon lang, serbisyuhan mo ako, babayaran kita no string attached ika nga." "Pero hangang kelan insan, alam mo na, di naman na tayo pabata, ni minsan ba di sumagi sa isip mo na mag mahal ulit? Malay mo naman." Tanong pa sa kin ni Mad. "Hindi ko alam, Siguro Oo, pero bahala na na, Kung ano ang Tugtog, Syang Dapat sayaw. Kung ano ang Agos, syang dapat sundan, dahil yan lang naman ang nakikita ko sa ngayon. Gusto ka ng Tao dahil may Nakukuha sila sayo, Pero Never ka nilang mamahalin kung wala ka." Sagot ko dito at napatango na lamang siya. Ako nga pala si Alessandro Velarez 32 Years old. Nag mamay ari ng ilang Ektaryang lupain na taniman ng Tubo sa Tarlac na sya ring ginagawang asukal. At Nang Taniman ng Ubas sa La Union na ginagawa din namang Alak. Pag mamay ari ito mula sa akin oang mga Ninuno. Sila ang nagpayaman nito. Ngunit kahit ganon ay Hindi sugapa ang aking Mga nunong pinag mulan. Makatao sila, ngunit sa sobrang bait nila hindi nila alam na may tao rin palang naiinggit at gustong pabagsakin sila. Dumating sa punto noon na halos mabaon ang pamilya namin sa utang dahil sa mga nakaw na yaman sa aming Pamilya. Dahil kung gaano kabait ang mga ninuno ko ay ganon din ang mga magulang ko. Kaya ayon naabuso, sinamantala ng mga mapang lamang. Kaya dumating sa punto na talagang ramdam namin ang mga bagay na nawala. Halos ma Depressed ang Pamilya ko dahil halos lahat ng hirap nila ay tila naglaho na parang bula. Kaya di ako tumigil, Nangalap ako ng ebidensya. Sinigurado ko na babalik sa amin ang yaman na tunay na sa amin, na syang halos buwisan pa ng buhay ng aking mga Ninuno at Salamat sa Dyos dahil unti unti itong naibalik hangang sa Nabalik lahat lahat. Hindi lang ako naaawa sa Pamilya ko, kundi pati sa mga tao na katuwang namin sa Planta. Dahil ito ang hanap buhay na inaasahan nila. Bukod sa Negosyo sa Planta ay may iba parin akong Business na ako lamang ang may alam. Mas maigi na na ako lamang dahil ayoko na kabahan pa ang aking mga magulang nasa 58 taon na si Mama Thalia at nasa 60 naman si Papa Alejandro. Ako ang panganay sa mga Anak nila. Mayron akong isang babaeng kapatid na mas bata sa akin. Si Thalasa 23 years old na ito at kasalukuyang nasa Spain at doon nag aaral kung saan naroon kasi ang aming Mga Lolo at Lola. May lahing Español kasi ang aking Lolo. Si Mama at Papa naman ay nasa Tarlac, pag minsan ay nasa La union dahil gusto parin nila na binibisita ang Planta. Nabalik na naman ang isip ko kay Penelope. Kakaiba syang Babae. Napaka straight to the point nya. Nakakatawa nalang yung nakalagay sa BIO nya. Alam kong kaibigan nya ang gumawa pero tila na iimagine ko na sya ang nagsasalita eh natatawa ako. Medyo palaban kasi sya at medyo matabil ang bibig. Marahil dahil na rin sa lugar na kinalakihan nya. Isang beses ay nagbukas ako ng chat at nakita ko ang reply nya. Nagpasalamat sya at babayaran naman daw ako Kapag nagka trabaho sya kaya natawa na maman ako. 4 years pa bago sya magka trabaho dahil nasa unang taon pa lamang sya, pero in fairness at sinabi nya pa yon. Nalaman ko din na sa isang Kolehiyo sya nag aaral sa kabilang bayan mula sa Lugar nila. Nalaman ko rin ang Tita at Tito nya ang nagpalaki sa kanya. Naglalabada ang Tita nya at ang Tito nya naman ay walang permanent na trabaho, kundi pag sideline sa Talyer at Sideline naman bilang taga Buhat sa palengke. Hindi ko alam ngunit tila may nag uudyok sa akin upang mapalapit sa kanya. Hindi hayag ang ibat ibang pagkatao ko sa lahat. Master V or Venom ang tawag sa akin sa Larangan na kinabibilangan namin ni Mad. Venom dahil tila kamandag daw ako lalo na sa mga tao na nagtatangkang sumira o gumawa ng masama sa akin. Dahil matindi daw kapag ako ang gumanti. Ika nga ng iba, Papunta palang Sila, Naka Ilang Balik na ako. Kaya madami din ang ilag sa akin kapag narinig nila ang pangalan ko sa katauhan ni Master V. Kilala naman ako bilang isang Simpleng Alessandro Velarez, Ang anak na tagapagmana na nag ma manage ng Tubuhan at Ubasan sa Probinsya. Nakakatuwa dahil sa katauhan kong ito dito ako mas Panatag, Dito ako mas malaya, dito mas simple ang buhay. Malayo sa Maynila kung saan naroon ang lahat ng pressure, Doon kailangan kong ilabas ang isang Side ng ugali na meron ako dahil sa larangan na kinabibilangan ko bawal ang Mahina, Bawal ang laging hindi handa, Hindi ka dapat magtiwala dahil ano mang oras ay pwedeng may umatake sayo. Habang nag mumuni ako ay sinubukan kong buksan ang App. Nabasa ko roon ang mensahe ni Penelope. Ang reply nya after ko sya padlahan ng pera. Nagpasalamat sya sa akin, Ang sunod nya naman na Chat ay Ibinida nya sa akin na nakatulong ang bigay ko sa Proyekto na gagawin nila. Natawa naman ako, buti pa to nakaka appreciate ng bigay. Hindi ko alam ngunit tila ang saya sa pakiramdam ko kapag mensahe sya para sa akin. Gusto kong mapalapit sa kanya ngunit hindi bilang Master Venom. Gusto kong mapalapit sa kanya bilang Isang Alessandro. Samantala PENELOPE Kinuwento ko kay Jhovell ang encounter ko sa isang lalaki sa App, ayaw pa maniwala ng loka na may nabudol ako sa account na ginawa nya. "Ayiee..Talaga ba? Sabi naman kasi sayo eh may darating dyan na matino. Hindi naman lahat manyakis hehe." "Oo na, pero nakakahiya parin yung nilagay mo sa Bio ko na LF Sugar Daddy, mamaya nga isipin nya na ganon ako." "Hehe..hindi yan..Diba nag chat na kayo, tapos sinabi mo na rin na di ka nanghihingi. Nangungutang pa pwede.' "Oo, sabi ko nga sa kanya babayaran ko once na makapag trabaho ako. Syempre di ko naman aabusuhin yung bigay nyang tulong." Dagdag ko pa. "Tama, pero ano kayang itsura nya? Nakapag Video call na ba kayo? "Hindi pa eh, alangan naman na ako pa ang mauna? Syempre sya nalang." Dagdag ko pa, pero bakit nga ba ayaw nya makipag video call? Hmm..kesa mag isip ako hinayaan ko nalang. Ok na rin siguro yon. Lumipas pa ang mga araw. Napakarami talaga naming gastusin sa ekswelahan, buti na lamang talaga at nabigyan ako ng lalaki na na meet ko sa App. Kaya nagpapasalamat din ako sa kanya. Isang araw pag uwi ko at nadatnan kong nag uusap sila Tita At Tito. Tila seryoso ang pinag uusapan nila. Naabutan ko pa na nagpupunas si Tita ng Luha. Kaya nakakahiya man ay sumingit ako sa usapan nila. "Tito, Tita, Bakit ho? Ano pong problema?" Tanong ko sa mga ito, nagtinginan muna silang mag asawa saka sila tumingin sa akin. "Sige Hija, tutal may karapatan ka rin namang malaman. Grabeng pagsubok ang hinaharap natin ngayon." Anya ni Tita saka napaiyak muli. "Bakit po Tita? "Penny, May sakit ako, Kai.. Kailangan kong operahan sa Ovary. Kailangan kasing matangal ang cyst ko. Kaso nung tinanong ko kung magkano ang magagastos ang sabi maghanda ako ng Singkwenta Mil. Pero saan naman tayo kukuha ng ganon sa panahon ngayon? Pagkain nga natin hindi natin alam kung san kukunin sa mga susunod na araw, Limampung libong piso pa kaya?" Anya ni Tita na tuluyan na umiyak. "Gagawa ho kami ni Tito ng Paraan. Ipagagamot namin kayo." "Isa pa iyan, Wala ng trabaho ang Tito mo sa Talyer ng Kaibigan nya dahil sapat lang daw para sa tao nila. Sa palengke naman karamihan ay Kamag anak na ang kinukuhang tagabuhat." Sagot pa ni Tita. "Pero Mahal, tama si Penny, Gagawa kami ng paraan para gumaling ka, eh ano ngayon kung wala ng available ka Kumpare, at Wala na ring extra sa palengke? E di subukan ko maghanap ng iba." Anya pa ni Tito. "Opo Nga Tita, tama si Tito, Mag iipon po kami ng pang opera ninyo." Saad ko pa dito bilang pagpapalakas ng loob nito. Pumasok ako s Kwarto at binuksan ang perang natitira galing Kay Mr.Alakdan. Nasa Labinlimang piso pa ito. Itinabi ko ang sampu at ang lima naman ay bubudgetin ko para dito sa bahay at para sa gastos ko sa eskwelahan. Samantala sa mga oras din na yon ay naisipan ko na mag bukas ng Chat at Nakita ko ang mensahe ni Mr. Alakdan. Natutuwa sya at galingan ko daw sa pag aaral ko, nag emoji heart at crying nalang ako. Tinanong nya din kung kumusta ako at hindi ko alam pero nabanggit ko rin sa kanya ang problema na kinakaharap namin. Na hindi ako pwede na nakatigil lang dahil kailangan ni Tita ng pampagamot. "How much do you need for the Surgery?" Tanong nito sa akin. Hindi ko naman malaman kung sasagutin o hindi dahil parang nahihiya ako. Baka isipin nito na pineperahan ko lamang sya. Pero bigla ko naalala si Tita. Nakakaawa sya ng makita ko sya na umiiyak atvtila nawawalan ng pag asa na baka di namin sya maipagamot. "Ahm.. The doctor said the operation will cost approximately 50,000reply ko sa kanya. That's why I saved the money you gave me. I'm planning to find another part-time job so I can at least contribute something towards my aunt's surgery." Reply ko sa kanya. "When do you need the money? Walang kaabog abog na reply nya. "There's no date yet, because my aunt still needs to schedule the surgery. But she probably needs to have it done as soon as possible." Sagot ko naman dito. "Okay, just let mw know when so i can send it." Sagot nya naman. "We appreciate your support. My uncle and I will be actively seeking employment to contribute towards the necessary funds for my aunt's care." Reply ko pa dito. Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na rin ako. Ang sumunod na araw ay di gaanong kadali dahil madalas kong nakikita na malungkot si Tita. Pero inaaliw ko sya kapag nasa bahay ako. Si Tito naman ay nagbaka sakali ng araw na iyon. Nagulat pa kami ng masaya itong umuwi. "Salome! Penelope! may good news ako." Sigaw ni tito Arman habang papasok sa aming bahay. Sakto naman na naghahain na kami ni Tita ng tanghalian. "Aba ano iyon Mahal?" Tanong ni Tita Salome kay Tiyo. "May trabaho na ako, Habang naghahanap ako nakita ko na Nangangailangan sila ng Mekaniko sa Bagong Bukas na Talyer Sa dating pwesto nila Mang Usteng." "Talaga Mahal? Magandang balita yan. Salamat sa Dyos at di talaga tayo pinababayaan." Masayang wika ni Tita. "Dahil po dyan kumain na tayo hehe. Congrats tito ay may bago ka ng Trabaho at take note di kana sa sideline dahil permanente na." Dagdag ko pa kaya naman masaya kaming kumain ng araw na yon. Kinabukasan ay maaga akong kumilos. Simula ng ma discover ang sakit ni Tita ay hindi ko na sya hinahayaang mapagod ng sobra. Kaya ako na ang naghanda ng almusal. Ala sais y media kasi ay kailangan na umalis ni Tiyo Arman. Hindi naman gaano kalayo sa amin ang Talyer na bago nyang pinag tratrabahuhan, maaari nga itong lakarin. Dahil wala akong pasok ay sa bahay lamang ako. Kahit nasa bahay naman si Tita ay Tumatangap sya ng customer sa pag mamanicure pedicure kaya kahit papano daw ay may pagkakakitaan sya. "Penny, Malapit na magtanghalian, maaari mo bang dalhan na lamang ng pagkain amg Tiyo Arman mo sa Talyer? Tiyak na pagod iyon, madami daw silang Customer at Dalawa lamang silang Mekaniko roon." Anya ni Tita. "Wala pong problema Tita, ako nalang po ang magdadala. Alam ko naman po ang pwestong iyon." "Oh sige na Hija, makikidala mo na." Agad naman akong sumunod at nagtungo sa Talyer. Nagpayong na lamang ako dahil sobrang init, dahil nga biniyayaan tayo ng puting kulay kapag mainit ay namumula ako. As usual pag labas ko ay madadaanan ko ang tindahan ni Aling Ambrocia na may mga nakatambay parin na mosang" "Saan Punta Penny? May Customer ba sa tanghaling Tapat?" Anya nito na talagang sinusubol lagi ang pasesnya ko. "Oho aling Taleng, para makarami, para di tulad sayo, Wala kanang ginawa kundi tumambay sa tapat ng Tindahan ni Aling Ambrocia. Mahiya ka naman nakalagay na nga dyan Bawal tumambay, Ano bang Binebenta mo? Yang Makunat na Kik* mo? Aba dapat hindi Dyan, Dapat doon sa Kalsada para mas marami kang makuha. Ay kaso baka wala din palang kumuha dahil bukod sa Makunat na, Baka Sinasapot pa." Anya ko saka sya tinalikuran. Ramdam ko ang inis nya ngunit di na sya nakasagot. Tinatawag nya pa ako ngunit tinalikuran ko na Sya saka ako nag Dirty Finger patalikod. Hindi naman ako bastos na tao, pero ang mga tulad nya ay di dapat igalang. Matapos ang ilang Minuto kong paglalakad ay nakarating ako sa Talyer. Naabutan ko si Tito na katatapos lang tumayo sa pag aayos ng isang sasakyan. "Oh, Penny bat narito ka? Tanong nito sa akin. "Ah, Tsong pinadala ni Tyang ang pagkain ninyo para daw di na kayo umuwi at madami daw kayong inayos." "Salamat Penny, oo ang dami kasing nagpapagawa sa amin, Alessandro, Mamaya na yan, kumain na muna tayo alas dose pasado na rin naman." Tawag nya sa lalaki na nasa ilalim ng sasakyan na kita ang kalahati ng katawan dahil tila may Kinukumpuni ito. "Sige Kuya Arman, tinapos ko lang saglit" sagot nito saka dahan dahan umusod pababa ang lalaki. Halos manlaki ang mata ko ng Makita ang 6packs na abs nito hangang sa tuluyan itong lumitaw at agad ko naman pinaling sa iba ang tingin ko. Saka lamang ako tumingin ng tawagin ako ni Tito. "Nga Pala Alessandro, Si Penny pamangkin ko, Penny si Alessandro sya ang kasama ko rito." Pakilala ni Tito sa aming dalawa. "Hi, Nice to meet you Penny" saad nito saka inilahad ang kamay. Palitan naman ang tingin ko sa Kamay nya at Sa Abs nya. "Im sorry, madumi pala ang kamay ko, Saka nakahubad pala ako, wait lang." Nakangiting wika nito saka naghugas sa lababo saka sinuot nf muscle tee na damit. "Ayan na pwede na Nice to meet You Penny. Saad nya saka inilahad muli ang kanyang kamay. Tuinagap ko naman iyon. Parang di kamay ng Mekaniko dahil napakalambot. "Nice to meet you din po." Sagot ko naman. "Kumain ka na ba? Pwedw kang sumabay sa min ni Kuya Arman." "Naku hindi na, kumain na rin kami ni Tita bago ako pumunta rito." Saad ko naman. Napatingin ako sa kanya. Bakit lahit ang Dungis nya bakit ang lakas ng appeal nya. Nakiupo lang muna ako saglit para magpahinga ng konti. Ngunit nagulat ako ng ilang motor ang biglang nagdatingan at mga babae pa ang sakay. "Hi, ipapaayos po sana namin ang motor. Balita po namin magaling po kayo kumalikot ng mga sasakyan." Maarteng wika ng mga ito. "Sige po, pakitabi na lang po muna, or bumalik na lang po kayo mamaya." Sagot ni Alessandro. "Ok lang dito na lang muna kami hehe tila kilig na wika pa ng mga ito. "Ehem, hindi nyo ba nakikita? Kumakain pa po sila, at hindi po sila makakakain ng maayos kung may customer silang nakaabang at pinapanood sila sa Pagkain. "Eh ano naman sayo? Teka sino ka ba at bakit ka nakikialam ha?" Tanong ng isa. Sasagot na sana ako mg biglang sumagot si alessandro. "Ano ha? Sino ka bang babae ka?" "GIRLFRIEND ko bakit? Dinalhan nya ako ng pagkain tapos aawayin nyo pa? Tama sya. Bumalik nalang kayo ng Ala una." Anya ni Alessandro kaya nanlaki ang mata ko na tingnan sya." Sumunod naman ang mga babae na tila bigo sa kanilang Pakay." Napatingin naman ako kay Alessandro saka sila nagtawanan ni Tito Arman. "See? E di nag alisan nung sinabi ko na girlfriend kita, hehe" "Wala eh, Maganda at Makisig daw na lalaki ang Mekaniko dito hehe" anya pa ni Tito saka sila nagtawanan. Halos pamulahan naman ako ng mukha ng sabihin nya na GF nya ako. Nagpaalam na rin ako. Ang sabi nya pa ay ihahatid nya ako gamit ang kanyang lumang Motor. Pero sabi ko ay Hwag na at Baka ma Tsismis pa sya sa lugar namin. Habang naglalakad ay Naisip ko si Alessandro, matangkad sya sa akin, maganda ang pangangatawan, ang kanyang mga Mata ay tila kulay abo, mahaba ang mga pilik nito, at ang labi nya naman ay medyo mapula na tila kay sarap halikan. Ang katawan nya ay maganda at tila alaga sa Ehersisyo. Sa Makatuwid Yummy si Alessandro kahit isa syang Mekaniko, kahit pa ang Dusing nya ay litaw parin ang kagwapuhan nya. Napailing na lamang ako at natatawa habang naiisip ko sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD