PENELOPE
Kapag pumapasok sa Paaralan ay madadaanan ang Talyer na Pinagta trabahuhan ni Tito Arman kaya minsan kapag napapadaan ako ay Busy sila ni Alessandro sa pag kukumpuni ng mga Sasakyan kaya pag ganon ay diretso lamamg ako. Hindi na ako Dumadagdag sa Mga Babaitang Mga Pacute na minsan ay nakatambay pa sa Talyer nila.
Ngunit isang araw ay pauwi na kami Ni Jhovell, lakad lamang kami papasok sa Dimasupil, Inaasahan ko naman na Busy naman sila or nakauwi na dahil pasado ala singko na. Nagulat pa ako ng Marinig na tinawag nya ang Pangalan ko.
"Hi Penelope, Kumusta? Uwian na kayo?" Nakangiting tanong nito sa Akin Labas ang Mapuputing Ngipin habang nagpupunas ng Towel sa mamasa masa nyang Magandang katawan, marahil nag linis sya kaya may tubig tubig pa.
"Ah..Ahm..Oo uwian na kasi namin." Nauutal na wika saka binaling sa iba ang tingin dahil pakiwari ko ay nagkakasala ako.
"Ah, i see..Kakauwi lang din ni Kuya Arman, kakatapos lang kasi namin, ang dami naming gawa." Sagot nya habang sinusuot ang Muscle shirt na bagay naman sa kanya."
"Hmm..teka friend..sino yan bat wala kang kinukwento sa akin na may gwapong nilalang malapit sa Dimasupil hehe." Bulong ni Jhovell sa akin.
"Hwag ka ngang maingay dyan, yung bulong mo rinig ng pang tatlong tao." Anya ko dito.
"Parang ang sarap mag Kape, Nakakatakam yung Pandesal hihi." Anya pa nito na animoy kinikilig pa."
"Shhh..landi mo, tumigil ka nga dyan! Parang kang kinikiliti sa Ting*l."
"Why not kung ganyan yung kikiliti bakit hindi hehe." Sagot pa ng baliw kong kaibigan kaya pasimple ko ito g kinurot.
"Ahmm..Penny, baka gusto nyo mag meryenda, meron pang meryemda dito. Dami kasing binili eh kami lang naman ni Kuya Arman." Aya nito sa amin.
"Aba oo naman, hindi namin tatangihan yan, by the way..Ako nga pala si Jhovell, best friend ni Penny." Anya ni Jhovell saka iniabot ang kamay kay Alessandro.
"Alessandro nga pala, kasama ko si Kuya Arman dito sa Talyer" sagot naman nito.
Wala na rin naman akong nagawa kundi pumasok at maupo sa may lamesa na pinagkamainan nila.
Habang kumakain ay nagkwe kwentuhan sila ni Jhovell. Ako naman ay nakikinig lamang. Napaka Tsimosa talaga nito, susunod ata sa Yapak ni Aling Taleng.
"May Anak at Asawa ka na Alessandro?" Tanong ni Jhovell dito, muntik naman maibuga ni Alessandro ang kape na iniinom.
"Ahm..wala, hindi pa ako pamilyado." Sagot naman nito saka tumingin sa akin, at bahagyang ngumiti. Lumabas pa amg dimple nito. Kaya siguro amg daming Tambay na babae dito pag working hours nila dahil bukod sa Pa Pandesal nya eh Dagdag pa sa itsura nya ang malalim nyang Dimple.
"Single ka pa rin pala, pareho kayo ni Penelope, Single pa rin yan at wala pang nagiging Jowa since borth hehe." Anya pa nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Ahm, Alessandro mauuna na siguro kami ano, madami parin kasi kaming gagawing homework."
"Ganon ba? Sya sige..mag iingat kayo ha, salamat sa kwentuhan." Anya pa nito. Saka kami tuluyang nagpaalam.
Nang makalayo na kamj ay umirit pa ang gagang Jhovell.
"Ahhhhy..Besh ang Yummy ni Alesaandro. Bat di mo agad kinuwento sa akin, ikaw ha naglilihim ka na hehe."
"Bat ko naman i kwe kwento e normal lang din naman syang tao."
"Alam ko, pero i mean di mo man lang chinika sa akin ma may pogi ka palang bagong kilala hehe."
"Para ano? E kakikilala ko lang din naman sa kanya saka wag kana dumagdag sa mga Diebhard Fans nya." Dagdag ko pa rito saka sya tinalikuran at nagpatuloy sa paglakad.
Nang makarating na kami sa Dimasupil ay nag hiwalay na rin kami at pumasok na rin ako sa bahay namin. Naabutan ko pa na nagtatawanan si Tyong at Tyang.
"Oh Penny, nariyan kana pala, halika na at mag meryenda, nagluto ako ng Nilagang Saba." Aya ni Tita sa akin.
"Naku Tita, parang nabusog po ako, habang naglalakad po kasi kami ni Jhovell Nakita po kami ni Alessandro yung kasama po ni Tito Sa Talyer, inaya po kami na mag meryenda kaya nag tinapay at kape po kami roon ni Jhovell." Kwento ko dito.
"Ah, oo hija, knuwento nga ng Tiyo mo, napakabait daw nong si Alessandro, saka magaling din daw na Mekaniko.
"Oo Totoo yon Mahal, kasi yung mahihirap alam nya rin gawin.
Saka tingin koy Mabait at magaling din makisama yong si Alessandro." Dagdag pa ni Tito. Hindi ko alam bat tila nakakaramdam ako ng Kilig. Lalo na pag naiiisip ko ang Mukha nya na nakangiti, tapos ang Tindigan nya na pang The Hunks, tapos ang Tangkad nya pa. Naalala ko tuloy si Mr.Mysterious parang magkasing tangkarin sila. Nasan na kaya yon? Napunta parin kaya sya sa Bar?
Hay..Good luck nalang sa kanya."
Anya ko sa aking isip.
Nag simula naman akong gumawa ng homework ng biglang tumunog ang Phone ko, walang iba kundi si Mr.Alakdan.
"Hey, how are you Young Lady?" Tanong nya sa akin.
"I'm doing okay, just working on homework, What about you? What are you doing?"Tanong ko naman sa kanya.
"I just finished taking a shower. I had so much to do." Tipid na sagot nya sa akin.
"Hmm...I see," saad ko saka nag send ng emoji na nakangiti.
"Hmm..why do you seem so happy?" Tanong nya sa akin.
"Nothing, I'm just happy because I passed our quiz earlier." Reply ko naman dito. Hindi rin naman nagtagal ang usapan namin dahil nagpaalam na rin sya, Ayaw nya muna daw akong storbohin.
Mamaya lamang ay tumunog na naman ang aking Phone at nakita ko naman na May Friend Request, nang buksan ko ay nakita ko na Alessandro Aldana ang ngalan ng nag add sa akin. Syempre stalk muna at nang makita ko ay walang iba kundi si Alessandro.
Walang masyadong post sa sss nya. Wala din syang madaming Friends, mga nasa 1500 plus lang ang friends nya pero in fairness since 2010 pa ang account nya.
May mga pictures naman pero ni wala syang post ng mga kabulastugan.
Pinalampas ko muna ang kalahating oras bago ko i accept. At nang ma accept ko nagulat ako na meron agad message sa akin.
"Hi Penny, salamat sa pag accept." Wika nya habang may emoji ma may heart shape.
"You're welcome." Reply ko lamang na may kasamang happy emoji.
Ilang beses pa kaming nagpalitan ng chat, pero tulad ni Mr.Alakdan ay di nya narin ako ginulo nung nalaman nya na nag aaral ako. Ngunit bandang alas otso y media ay nag message sya. Saka sya nag send ng tila mga pagkain.
"Penny, gusto mo ba? Nag Baguio kasi yung pinsan ko kaya may dalang mga pasalubong, dadalhin ko nalang sayo ang iba." Anya nya saka sinend ang Strawberry, Brittle at Ube Jam."
"Hala ang Dami naman nyan." Anya ko
"Ok lang, ako lang rin naman ang kakain nito dito kaya dadalhin ko na lamang sa Talyer bukas." Sagot nya sa akin.
"Sige ikaw ang bahala, salamat ah."
"You're welcome Penny." Reply naman nito.
"Sige na Penny, gusto pa sana kita kausap ngunit kailangan mo na magpahinga may klase ka pa bukas."
"Sige Alessandro, ikaw din, may trabaho pa kayo ni Tito kaya magpahinga ka na rin dahil mapapalaban na naman kayo bukas." Reply ko pa.
Hindi ko alam ngunit tila kay gaan ng pakiramdam ko habang kausap si Alessandro. Masaya tuloy akong matutulog.
Samantala
ALESSANDRO
Katatapos lang namin mag usap ni Penny, hindi ko alam ngunit tila masaya ang pusk ko. Dadalhin ko sa kanya ang mga pasalubong na ipinabili ko kay Mad sa Baguio.
"Oh, San, Bat nag de daydreaming ka ata dyan?" Tanong nito saka iniabot sa akin ang alak na nasa lata.
"Sira, wala lang naisip ko lang si Penelope." Sagot ko dito saka sya tila nangingiti na tumingin sa akin.
"Lahh, hahaha speaking of Penelope, ang sabi ni Wacko sa akin binili mo yung bakanteng space malapit sa Dimasupil at ginawa mong Talyer? At takenote, nagpanggap ka pa daw na Mekaniko? Hahaha anyare pinsan?" Natatawang wika nito saka lumagok ng alak.
Sinamaan ko naman sya ng tingin at lumagok din bago magsalita.
"Hindi ako nagpapanggap dahil Kaya ko naman talaga gumawa ng sasakyan."
"Alam ko hehe, pero yung magpanggap na isang simpleng taong Mekaniko? I don't think so, hehe Ang isang Master Alessandro Velarez o Mas Kilala sa larangan na MASTER VENOM naroon sa Dimasupil madusing at nagkakalikot ng mga sasakyan. Really? Hahaha para saan? Sa isang Batang Kolehiyala." Tatawa tawang wika nito na tila inaasar asar pa ako.
"Mind your own Business Amadeus, Gusto ko pang mas makilala si Penny bakit ba?"
Sagot ko rito.
"Yeah Alam ko, pero sure ka?"
"Basta gusto lang sya makilala ng lubos yon lang." Anya ko sa makulit kong pinsan.
Matapos namin mag shot ng Konti ay nagpahinga na rin ako.
Kinaumagahan ay nagpaalam ako kay Kuya Arman na hindi ako makakapasok. Dahil may kailangan akong asikasuhin ang sabi nya ay balak nya rin sana mag Halfday dahil Anniversary nila ng Asawa nya. Balak daw kasi nila mag celebrate sa bahay.
"Alessandro, kapag pwede ka sa hapon pwede ka pumunta sa bahay. Ipasusundo na lamang kita kay Penny sa may labasan. Alam mo naman dito sa lugar namin. Naglipana ang mga Adik hehe, saka ang mga Chismosa. Baka pag nakita nila na bagong mukha baka kuyugin ka hehe." Anya ni Kuya Arman sa kabilang linya.
"Hehe, ganon ba? Sige Kuya Arman pupunta ako, Sakto naman Dahil wala tayong pasok kinabukasan. Mga pagabi ala singko na ako pupunta okay lang?" Tanong ko rito.
"Oo walang problema, mag shot din tayo ng Konti."
"Ok, sya nga pala sinabi ko na kay Warren na mag halfday ka, wala daw problema saka kahit halfday ka buo parin daw amg sweldo mo sa araw na iyon dahil anniversary nyo hehe." Saad ko pa rito at natuwa naman si Kuya Arman.
Nang araw ngang iyon ay may pulong kami sa Organisasyon na kinanibilangan ko. Dahil sa tawid Isla pa ang hideout namin ay maaga
Pagdating ko ay Alerto silang tumayo saka yumuko sa akin.
"Good Morning Master Venom." Sabay sabay na wika nila.
"Good Morning! Nakarating sa akin ang balita about sa mga Mondragon, anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.
"Master, ayaw nila makipag transact sa kahit na sino. Makikipag transact lamang daw sila kung ikaw ang kakausap sa kanila. Nadala na raw sila magtiwala sa ibang tao." Sagot ng isa sa mga Tauhan ko.
"Sige, Ako na ang bahala sa Mondragon , siguraduhin nyo lamang din na maayos nyo ang sa iba. Alam nyo na Naglipana na ang mga Nang gagapang sa Ibang mga Negosyanteng tao, Naabuso na sila minsan ng Di nila alam. May mga sugapa lamang talaga na mapang abuso at Mapanamantala.
Kaya ang trabaho natin ay ang protektahan ang mga Negosyante at mga tao na lumalaban ng parehas. Dahil ayoko na matulad sila sa Business namin ilang taon na ang nakakaraan.
"Copy Master Venom"
"Sige na, Makakaalis na kayo, at Mag iingat kayo sa mga Lakad ninyo. Alam nyo na, dahil sa binibigay nating Proteksyon sa mga Tao kaya mainit din ang mga kalaban sa atin."
"Opo Master, Salamat po." Tugon pa ng mga ito.
Bandang Alas Dos ng Hapon ay umalis na rin ako sa Isla. Isang oras din ang byahe gamit ang Yate patungo dito, Kapag naka Icon A5 Sea plane naman ako ay mas mabilis akong nakakarating.
Alas Tres ng makarating ako sa kalupaan. Saka naman ako bumyahe ng almost 1 hour para makarating sa bahay.
Nagpalit lang din ako ng Simpleng Tshirt na puti saka ng pantalon na itim. Saka ko isinilid sa Paper bag ang mga pasalubong ko kay Penelope.
45 mins ay nakarating ako, ang sabi ni Kuya Arman ay nasa may labasan na si Penelope at hinihintay ako kaya pasado ala singko na ako nakarating.
"Hi Penelope, sorry na late yata ako."
"Ayos lang mga 3 mins lang naman din ako dito halika na." Ata nito sa akin saka kami pumasok sa looban nila.
Pag tapak ko palang sa Dimasupil ay halos magulat ako sa makita ko, Tama si Kiya Arman, nakatingin agad sa akin ang mga tao, May mga nag iinuman, may mga umpukan na nag Kukutuhan habang nag tsi tsismisan, marami ring batang nagkalat na walang salawal. At madumi rin ang paligid. I can't imagine na sa ganitong paligid lumaki at nakatira si Penelope.
"Aba, Penelope may kasama ka, sino sya Customer mo ba?" Tanong ng isang babaeng may edad na.
"Palagay mo aling Taleng.?" Sagot ni Penny dito.
Pagkaliko namin sa isang eskinit pa ay doon namin narating amg bahay nila.
Hindi iyon ganoon kalaki ngunit Malinis. Maging ang kanilang bakuran ay malinis din, may mga tanim na halaman din dito.
"Pasok Alessandro, pasensya ka na ha, alam mo naman dito sa lugar namin." Anya ni Kuya Arman sa akin.
"Mahal narito na si Alessandro ang kasama ko sa Talyer. Alessandro, Si Salome ang asswa ko." Pakilala nito sa amin.
"Magandang hapon po" bati ko dito.
"Magandang hapon din naman, maigi at nakarating ka dito "
"Opo Ate Salome, nga po pala heto Kuya Arman, Ate salome bilang pa anniversary sa inyo." Anya ko saka iniabot ang cake na dalanko saka ko naman tiningnan si Penny saka inabot ang Paper bag.
"Heto naman ang para sayo Penny."
"Salamat Alessandro, nag abala kapa"
"Ayos lang, yan yung pasalubong na pinakita ko sayo kagabi sa Chat." Anya ko saka kami nagkatinginan at napatingin kina Ate Salome at Kuya Arman.
Hindi naman mag komento pa ang mga ito.
Pinaupo nila ako at pinakain, kwentuhan at nang bandang alas syete ay doon kami nag shot ni Kuya Arman.
Habang si Penny naman ay kita ko na gumagawa ng Homework.
Di ko maiwasang di sya tingnan, napakaganda nyang talaga kahit walang ayos ang kanyang mukha.
Inaasikaso nya rin ako kanina habang kumakain. Napaka maalaga nya naman, maging Kay Ate Salome ay kita ko ang pag aasikaso nya rin dito. Ayaw nya ito pagalawin ng husto dahil sa karamdaman nito.
Kita ko na mabuti syang Pamangkin sa Mag asawa.
Suguro ay magiging mabuting asawa din sya balang araw.