Chapter 1
NAPASINGHAP si Celestine nang maramdaman nito ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang balakang.
"Get back to work..."
Agad siyang sumunod sa utos nito dahil trabaho niyang trabahuin ito.
Tahimik pero mabilis at madiin siyang umindayog sa ibabaw ng kaniig habang napapalunok mula sa pinaghalong kiliti at sarap na nararamdaman.
Silang dalawa lang naman ang tao sa loob ng opisina nito ngunit hindi pa rin mapanatag ang puso niya, parang kailan lang kasi noong wala siyang ibang ginawa kung hindi ipagtimpla ito ng kape at tanggapin ang kaliwa't kanan nitong mga bulyaw.
Kung paano sila umabot sa ganito?
Mahabang kuwento...
Basta ang alam niya, tutok na tutok ang mga mata nito sa kaniya ngayon. Para bang tuwang-tuwa itong panoorin ang bawat reaksyon niya sa tuwing sinasalubong nito ang bawat ulos na ginagawa niya. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapatingala at mapahalinghing sa ibabaw nito.
"F-ck! That's it...show me how hard working you are, Ce—"
Bahagya siyang napahinto.
"CALL ME WIFE, BOSS..." hinihingal niyang sambit.
Subukan man kasi nitong gisingin ang sarili mula sa mahabang panaginip ngunit hindi naman pa rin nito mababago ang katotohanang siya na ngayon ang pinakamamahal na asawa ni Sebastian Monteverde.
Pinakasalan niya ang sariling boss tatlong buwan na ang nakakalipas at piniling samahan ito sa madilim at makasalanang sekretong silang dalawa lamang ang nakaaalam.
~~ SIMULA ~~
HINDI na mabilang ni Celestine kung ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang nakatayo sa harapan ng executive floor.
Ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Unang araw bilang bagong sekretarya ng isa sa pinaka-maimpluwensiyang negosyante sa bansa.
At hindi nito maintindihan kung bakit unang araw pa lamang, pakiramdam niya ay gusto na niyang umatras.
"Relax, Celestine," bulong niya sa sarili.
Bahagya siyang napapikit para mapigilan ang halo-halong emosyong nararamdaman.
"Hindi ka puwedeng pumalpak, okay?"
Hindi kung kailan kailangan niya ang trabahong ito para sa maintenance medicine ng kaniyang ina at sa mga obligasyong nakaasa sa kaniya. Hindi kung kailan hindi pa man nito nahahawakan ang sahod ay siguradong may paglalaanan na agad ang perang matatanggap niya.
Nang bumukas ang elevator, nakakuha na rin ng sapat na lakas ng loob si Celestine para lumabas.
Ngunit bago pa man siya makalapit sa opisina ng bagong boss ay napahinto siya nang marinig ang malakas na sigaw mula sa hindi kalayuan.
"Sebastian Monteverde!"
Sabay-sabay na napalingon ang lahat maging si Celestine dahil mula sa dulo ng hallway, maaaninag ang isang maganda at eleganteng babae.
Talaga namang nakakamangha itong tingnan kung hindi lamang galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito.
Ang malala pa doon, nakasunod dito ang ilang reporters na tila kanina pa naghihintay ng paparating na eskandalo.
Ganon kabilis na lumalim ang gatla sa noo ni Celestine dahil batid nitong may mali sa mga nangyayari. Lalo na nang makita niyang dire-diretsong lumapit ang babae sa lalaking kagagaling lamang sa conference room.
"Miss, hindi po kayo pwedeng—"
Hindi na natuloy ng security ang sasabihin dahil walang pasintabing dumapo ang isang malakas at malutong na sampal sa pisngi ng bago niyang boss.
Agad na napasinghap ang buong paligid habang siya naman ay napangiwi.
"Wala kang bayag, Sebastian!" sigaw ng babae. "Tatlong taon...tatlong taon akong naghintay sa'yo para sa wala?"
Mariing napapikit si Celestine dahil hindi niya inaasahang nangyayari din pala sa totoong buhay ang mga eksenang noon ay napapanood lamang nito sa mga teleserye.
Sa kabila ng nangyari, hindi gumalaw ang boss, hindi rin ito nagsalita at umakto lamang na para bang wala itong naramdamang sampal.
Buong akala niya doon na magtatapos ang lahat ngunit mas lalong uminit ang eksena nang ilabas ng babae ang isang engagement ring at ihagis iyon sa sahig.
Tumilapon ang mamahaling diyamante sa makintab na tiles na nasundan agad ng samu't saring bulungan.
"Diyos ko..."
"Engaged sila ni Mr. Monteverde?"
"Anong nangyari?"
Sunod-sunod ang pagpitik ng camera ng mga reporters na para bang pabor sa mga ito ang ginawa ng babae.
Abala ang mga itong kunan ang mga pangyayari habang tila wala pa ring aksyon si Sebastian. Malamig, walang emosyon, walang awa at wala man lang kahit konting bahid ng pagsisisi nitong tinitigan ang kaharap.
"Done?" mahinahon nitong tanong.
Imbes na kumalma, nagmistulang binuhusan ng gasolina ang galit ng babae.
Mula sa mamahaling bag ay inilabas nito ang cellphone at ipinakita sa lahat ang larawan ng isang babaeng mahigpit na nakayakap kay Sebastian.
"Paano mo nagawa sa akin 'to, Sebastian? Paano mo ako nagawang lokohin? Tell them...tell them who is this woman!"
Kahit saang angulo tingnan, hindi mapagkakailang may kakaiba nga sa larawan at kahit sinong babae ay paniguradong magdududa kung mahuhuli ang gano'n sa akto.
Ramdam na ramdam na ang tensyon sa buong paligid ngunit laking pagtataka ni Celestine nang makitang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang boss.
Ilang sandali pa, tahimik nitong iniabot ang sariling cellphone sa kaharap.
"Open it."
Nangunot man ang noo ng babae ngunit sumunod pa rin ito.
Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang namutla ang mukha nito, parang nawala ang lakas nito ng loob at para bang lumipat dito ang kabang ipinaramdam nito kanina sa kaniyang boss.
"A–anong..." nauutal na sambit ng babae.
Mariin lamang itong tinitigan ng kaniyang boss. "Show them."
"Sebastian..." Hindi maintindihan ni Celestine kung bakit parang biglang nagkaroon ng pagsusumamo ang boses nito.
"Show them," may pag-uutos nitong sambit.
Ganon na lamang ang pagtataka ni Celestine nang masilayang nanginginig na ngayon ang kamay ng babae.
At bago pa man ito makapagsalita, kinuha na ni Sebastian ang cellphone at siya na mismo ang nagpakita ng laman nito sa pinakamalapit na reporter.
Naglalaman iyon nang hindi mabilang na mga screenshots, may mga mensahe, may mga litrato at malinaw na mga ebidensyang hindi ang boss niya ang nagtaksil kung hindi ang babae kasama ang isa sa mga board members ng kumpanya.
Mula doon, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kung kanina ay si Sebastian ang kontrabida ngayon ay tila ang babae na.
"Enough."
Isang salita lamang ang pinakawalan nito ngunit sapat na iyon para patahimikin ang lahat.
"Get her out."
Agad na lumapit ang security at doon tuluyang bumagsak ang babae. "Please..." nagmamakaawa nitong sabi. "Sebastian, please."
Nanatiling walang emosyon ang mukha ng kaniyang boss na para bang nanonood lamang ito ng isang boring na palabas at iyon ang lalong nagpakilabot kay Celestine.
Bakit parang sanay na sanay na ito sa mga gano'ng eksena?
Buong akala nito matatahimik na ang unang araw niya sa trabaho ngunit habang kinakaladkad papalayo ang babae, aksidente namang nagtama ang mga mata nilang dalawa.
Agad siyang kinilabutan dahil mabilis na kumunot ang noo ng kaniyang boss na para bang may nagawa siyang pagkakamali dito.
'Anak ng tokwang napagkamalang adobo! Kailangan ko na bang gumawa ng resignation letter o mawawalan na'ko agad ng trabaho?'
NAPABUGA si Celestine ng marahas na hininga, hanggang makalipas ang ilang oras ay nangyari na nga ang kinatatakutan niya.
Hindi na nito mabilang kung ilang minuto na siyang nakasandal sa malamig na pader na kinatatayuan. Pakiramdam nito ay unti-unti na ring nanunuot sa kaniyang balat ang lamig ng aircon kahit hindi naman manipis ang suot niyang blouse at katamtaman lang din naman ang haba ng suot niyang palda.
Gustuhin man nitong kumalma ngunit para bang gusto nang kumawala ng puso niya mula sa halo-halong emosyong hindi niya maipaliwanag.
Mala-yelo naman kasi sa lamig kung tumitig ang lalaking nasa kaniyang harapan pero hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang init na namumuo sa pagitan ng kaniyang mga hita.
Para siyang pinapaso, sinisilaban ng apoy kaya maging ang hininga niya ay wala na rin sa ayos magmula kanina.
Malaki at malawak naman kung tutuusin ang opisinang kinaroroonan pero ilang pulgada lamang ang layo nilang dalawa sa isa't isa.
At gustuhin niya mang kumawala mula rito pero nagmistulang harang ang matipuno nitong braso sa kaniyang daraanan.
"Are you one of them?"
Maiksi lamang ang tanong nito pero pakiramdam niya sinusuri na ng lalaki ang buo niyang pagkatao. Hindi lang boses nito ang nakakakaba, maging ang sensasyong nararamdaman niya mula sa mamahalin nitong perfume.
Gusto niyang sabihing siya ang bago nitong sekretarya pero hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag ang sarili dahil umpisa't sapul pa lamang ramdam na ramdam niya na ang paghuhusgang ginagawa nito.
"Are you one of those sluts who dare to seduce me?"
Umiling siya habang mariing nakapikit para pasinungalingan ang sinabi nito. Ginawa niya ang lahat upang maiwasan ang mga mata ng boss...dahil sa tuwing ginagawa niya 'yon bumabalik lamang sa isipan niya ang eskandalong nasaksihan sa hallway kanina.
"Look at me."
Nahigit ni Celestine ang hininga.
"I said, LOOK AT ME."
Hindi na kalmado ang boses nito, ramdam na ramdam niya na ngayong nag-uutos ang boses ni Mr. Monteverde.
"Do it or I'll fire you."
Malalim siyang napalunok.
"Yes, Sir..."
Maingat niyang inangat ang mukha.
Pero mas lalo lamang siyang kinabahan nang maramdaman ang init ng hininga nito sa kanilang posisyon.
"Do you know what happens to employees who spread rumors?"
Napailing siya.
"N-no, Sir," nauutal nitong sagot.
"They disappear."
Nanlaki ang mga mata ni Celestine habang bahagya namang ngumisi ang lalaki na para bang natuwa ito sa naging reaksyon niya.
"Sa kumpanya," dugtong pa nito.
Hindi niya alam kung nagbibiro ito o hindi, pero isa lamang ang alam niya...walang nakakatuwa sa biro ng isang Sebastian Monteverde.
"Wala po akong nakita kanina," mabilis niyang sabi. "Wala rin po akong narinig, Sir. Promise! Naglakad lang po ako sa hallway kanina para hanapin ang opisina niyo."
Tahimik lamang itong nakatingin kaya napilitan siyang ngumiti— iyong ngiting ginagamit niya para pagaanin ang sitwasyon.
"Actually, Sir, makakalimutin po ako..." napapakamot ang ulo niyang sambit saka mahinang natawa.
"Talaga?"
Tumango siya kahit pakiramdam nito ay magmumukha na siyang ta'nga sa harapan ng bagong boss.
"Opo. Hindi ko na nga po maalala kung ano'ng ginawa ko kahapon."
Bahagya namang umangat ang sulok ng labi nito. Sa unang pagkakataon ay para bang gusto nitong matawa sa mga kalokohang pinagsasabi niya.
"I'm your boss. You're paid to do whatever I tell you to do. So if I tell you to forget what you saw, do it."
"Opo."
Muling sumeryoso ang ekspresyon nito. "If I tell you to forget what happened today...you forget."
"Opo."
Bahagya itong yumuko upang mapantayan ang kaniyang mukha at doon niya muling naamoy ang mamahaling pabango nito.
"Good."
Napalunok siya.
Ilang segundo pa siyang pinagmasdan ni Sebastian bago ito tuluyang tumalikod.
Pakiramdam niya nakalimutan na nito kung paano huminga mula sa tensyong hatid ng mga pangyayari.
At hindi siya makapaniwalang magagawa iyon sa kaniya ng boss sa unang araw pa lamang niya sa trabaho. Daig pa nito ang nakapagtrabaho sa SOCO, abot langit ang interogasyong ginawa sa kaniya.
"Get out."
"Po?"
"Before you say something else that will lower my expectations."
Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa, ngunit mabilis pa rin siyang lumabas ng opisina.
Bandang tanghalian ay nasa cafeteria siya ngunit kahit ilang subo na ang ginawa niya, wala pa rin siyang ibang naiisip kung hindi ang eskandalong nasaksihan at ang nangyari sa opisina ng boss.
Nasa kalagitnaan siya ng matamis na dessert nang maagaw ang atensiyon niya ng balitang nakapaskil sa malaking flat screen TV.
Mula sa kinauupuan, hindi ito makapaniwalang iisang tao ang lalaking kausap niya sa opisina kanina at ang lalaking napapanood niya ngayon.
"It's Sebastian Monteverde's Engagement Gala Tomorrow. Who's the lucky girl?"
Napakurap siya nang paulit-ulit.
Ha?
Engaged si Mr. Monteverde?
Bukas?
Pero hindi ba kakahiwalay lang nito sa babaeng sumampal sa kaniya kanina?
Nababaliw na ba ang mga mayayaman? Ang bilis naman yata niyang magpalit ng babae?
Napailing na lamang siya.
Kung sino man ang babaeng pakakasalan ng kaniyang boss, siguradong mas mahaba pa sa 10 kilometer run ang pasensya nito.
Dahil kung siya ang tatanungin— mas gugustuhin pa niyang makipagtalo sa limang customer nang sabay-sabay kaysa maging asawa ni Sebastian Monteverde.