CHAPTER ONE
Ellis POV
Nagising ako sa ingay ni Fawzia
Ano ba naman 'to Faw umagang umaga, tinalo mo pa mama ko
"Hoy ano ba magising na kayo, sabi sainyo wag nyo tapusin yung series ng isang gabi lang e, bangon na kayo jan kakain na tayo"malakas na sigaw ni Fawzia
Alam ko naman na tulog mantika sina Eirha, Sera at Saiko kaya bumangon na ako at lumabas sa kwarto ko
"Ako na gigising sakanila"sagot ko na humihikab pa
Pumasok muna ako sa kwarto ni Saiko
See, sabi na nga ba,kahit anong sigaw mo 'di to magigising
Kinuha ko ang yakap nyang unan at pinalo sakanya
"hoy gising na saikooo,may pasok ka pa"panggigising ko sakanya
Nakita ko naman na dumilat na sya kaya pumunta na ako sa kwarto ni Eirha
"Eyaaa gising naa hoy kakain na tayo" habang tinatapik sya
"tumango lang sya pero nakapikit pa den ang mata nya
Ano ba 'tong mga kasama namin sa bahay parang ngayon lang pinatulog a
Lumipat naman ako sa kwarto ni Sera
"Hoy Sera gising kana jan, ikaw maghuhugas plano" pangaasar ko habang tinatapik sya
Pagbaba ko ay naghihilamos na si Saiko at sina Eirha at Sera naman ay pababa pa lang kasama ko
Nakalimutan ko pala sabihin, sila mga kaibigan ko, and yes nakatira lang kame sa iisang bahay,nagsimula mabuo pagkakaibigan namen nung high school and we promised na pag graduate namen at magkaron kame ng work bibili kame ng bahay so this is it,let me introduce me introduce them
First si Fawzia,matanda lang sya ng isang taon samen, business manager,magaling din sya sa kalokohan actually,sya din ang pinaka responsible samen
Next si Eirha, veterinarian sya, the kindest I swear,she's into pet talaga lalo na sa dogs,kaya sya nag veterinarian
Next naman si Saiko,Doctor sya, he's gay pero hindi lang halata, nagka girlfriend naman sya before pero hindi din nagtagal kase mas maganda daw sya, makulit lang sya talaga
Next up is Sera,Doctor silang dalawa ni Saiko sa iisang hospital,the serious one lalo na pag nasa work sya, pero hindi naman lagi lalo na pag kami kami lang magkakasama
And last of course,me, I'm Ellis,pulis,hindi ko ma describe sarili ko let's just say I hate loud noises pero kung mga kaibigan ko naman okay lang
I guess that's all?
•••••••••••••••••
Pumasok na sila sa trabaho nila kaya ako nalang naiwan sa bahay mamaya pa naman ako pupunta sa headquarters wala naman masyadong gawa don
Maya maya pa ay naka tanggap ako ng tawag
"hello?"sagot ko
"Ellis, hindi ka pa ba papasok?may meeting daw tayo 10 am" sagot ni Aji na kasama ko sa team namin
"maliligo lang ako"maikling sagot ko at pinatay na ang tawag
Ano nanaman kaya ipauutos nila,hindi pa nga lang kame nakakapag pahinga ng maayos sa last na mission na binigay sigurado ako meron nanaman
••••••••••••••••
Pagtapos ko isuot ang uniform ko at inayos ang buhok ko lumabas na ako sa bahay at nilock yon tsaka ako sumakay sa sasakyan ko
Pagdating sa headquarters ay agad ako pumasok
Baka late na ako
"hoy Ellis halika na kanina pa kita hinihintay malapit na tayong malate"pagmamadali ni Aji
Naka upo na kaming lahat
"pasensya na sa urgent meeting na'to,alam kong katatapos nyo pa lang sa isang mission na binigay sainyo pero gusto kayo ang humawak dito" pagpapaliwanag ng pinaka mataas sa amin
Sabi ko na nga ba
Inabot nito ang ang folders sa amin, pag tingin ko ay picture ito ng mga lalake at isang lugar
"sila ay mga malalakas drug dealer,at ang location na nakalagay jan ang lugar kung saan nanaman magaganap ang kanilang illegal transaction,sabi ng spy naten bukas ng hapon sila makikipag transact" paliwanag nito
Kilala ko ang iba dito
Kinakabahan tuloy ako
Tumango na lang ako
Natapos din agad ang meeting namin pumunta lang ako sa office namin at umupo sa lamesa ko at tinignan ulit ang mga picture at mga information na nakapaloob don
"parang ayoko sumama bukas"biglang basag ni Aji sa katahimikan
Tinignan ko lang sya at bumalik nanaman sa folder
"isipin mo,muntik na ako mabaril sa last mission natin kung hindi mo ako sinipa baka nasa hospital na ako ngayon"pagrereklamo nya
"mali"sagot ko
"ano? "tanong naman nya
"nasa cementeryo ka na habang dinadalhan ko ng bulaklak" sagot ko
"kaibigan ba talaga turing mo saken ha"naiinis na tanong nya
Tumawa lang ako
"alam mo sa tingin ko matutuwa nanaman si Gio Ishikawa, narinig ko na kalaban nila yung target natin sa mga business "kwento nya
"sino nanaman yan" tanong ko
"ang huli mo na talaga sa balita,Si Gio yung madaming business transaction dito sa pilipinas pero ang alam ko galing syang japan pero half pilipino sya, tsaka may mga kapatid din sya kaso nakalimutan ko na"pagkkwento nya
"Ang chismoso mo"sagot ko
"Totoo nga, natatakot nga ako sana walang illegal transaction yung mga Ishikawa dahil baka kapag na assign nanaman saten baka huling mission na naten, ayoko pa mamatay"sagot nya
"alam mo ang oa mo, kain nalang tayo nagugutom na ako" sagot ko at tumayo
••••••••••••••
Habang kumakain kame ay kasabay namin sa lamesa si Zavy isa din sya sa team namen
"Zavy diba kilala mo yung mga Ishikawa ikwento mo nga kay Ellis huli na'to sa balita wala atang tv sa bahay nila"pagdaldal ni Aji habang kumakain kame
Basag ko tv namen sayo e
"sabihin mo na lahat ng sasabihin mo about sa ishikawa na yan, ayoko ng putol putol"sagot ko habang kumakain
"Ano ka ba,hindi mo ba sila kilala, eto yon ha si Gio Ishikawa ang alam ko panganay sya sa magkakapatid lima sila madami din silang company na pinapatakbo ang alam ko dun nagttrabaho yung kaibigan mo si Fawzia sa isa sa mga company nya
Tapos si Aruku pangalawa sakanila katulong sya ni Gio sa company nila at ang alam ko may restaurant din sya na sobrang mahal ng mga pagkain diba pogi din daw yan mana sa kuya rinig ko
Tapos si Ace pangatlo sya daw yung literal na yelo sakanila, hindi nya gusto yung mga madadaldal na tao ayaw din nya sa mga matataong lugar ang private kase nya masyado kaya wala akong alam masyado sakanya
Si Uno naman ang alam ko masama daw yan talaga magalit e, tsaka hindi ko alam kung totoo to ha, paranf joke lang yata may Cake Shop daw sya, hindi ako naniniwala, wala naman sa mukha nya yung gumagawa ng cake no
Tsaka si Sean bunso nila sobrang masiyahin nyan pero di sa pagmamayabang no nakausap ko na sya nung pumunta kame ng club ng mga pinsan ko,sakanya pala yung club
Kaso sabi din sa mga usap usapan twing may namimilit daw sakanila sa mga transaction na ayaw nila pinapatay daw nila,nakakatakot sana hindi totoo, ayoko sila makabarilan balang araw"mahabang kwento ni Zavy
Bakit hindi ko alam tungkol don,sobrang huli ko na na talaga sa balita
Na curious tuloy ako,pero mukhang sa kwento ng katrabaho ko, hindi malabong makalaban namin sila talaga