♛♕♛ Patagong pumuslit ang dalawa patungo sa likuran ng malaking mansion, walang nakakita sa kanila dahil mga abala ang ibang bisita sa kanilang pagsasaya sa unahang bahagi ng panuluyan. Panay sayawan, inuman at ang iba naman ay nagpapakasaya sa bawat silid nila. "Grabe rinig na rinig ang sigawan at tawanan nila hanggang dito sa likod," bulong ni Adelle sa kasintahan dahil hindi niya mapigilan manibago sa mga kinikilos ng mga tao sa isla. "Hahaha, ngayon ka lang siguro nakakita ng ganitong kultura. Normal na bagay na ang pagwawala ng mga noble lalo na kung wala naman ibang nakakakilala sa kanila sa isla na ito, parang takas na rin mahigpit na pamumuhay sa loob ng emperyo," saad ni Zeren at doon naman na pagtanto ni Adelle ang bagay na iyon. Kung tutuosin masyado nga naman nakakasakal

