♛♕♛ Pupungas-pungas na bumangon si Adelle sa malambot na kama at sa kaniyang paghihikab ay agad niyang nakita ang nobyo na si Zeren, nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng kanilang silid. Pansin niya ang kakaibang emosyon sa mga mata ninto, mukhang seryoso ang nobyo at malalim ang iniisip. Bakas din sa mga mata ninto ang lungkot at tila ba maraming buhat-buhay na tiisin. “Magandang umaga,” bati ni Adelle sa nobyo at agad naman itong lumingon sabay ngiti sa kaniyang harapan. Agad na pansin ni Adelle ang pagpapalit ng reaksyon ninto sa kaniyang harapan, ngunit alam niya naman na dalawa talaga ang maskara na pinapakita ninto sa kaniya at sa iba pang tao na nakakakilala sa kaniya kaya naman hindi na siya na bigla sa panakita ninto sa kaniya. “Magandang umag

