♛♕♛ Pagkahila ng kurbata ay agad itong tinapon ni Zeren sa sahig kasabay ng paghubad niya ng kaniyang suot na coat at mabilis na sinunggaban ang labi ni Adelle. Napasinghap si Adelle sa pagkabigla at ito rin ang unang pagkakataon na gagawin niya ang bagay na ito— ang makatikim ng totoong halik mula sa lalaking kaniyang hinahangaan. Agad na sinisid ng dila ni Zeren ang loob ng bibig ng dalaga, napapikit na lamang si Adelle dahil hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam ng isang malalim na halik. Ramdam na ramdam niya ang paglalaro ni Zeren sa loob ng kaniyang bibig, para bang inaaya rin siya nintong laruin ang kaniya kaya naman agad niya itong tinugunan ng mainit ding halik. Napamulat naman si Zeren nang maramdaman niya ang pagtugon na ginagawa ni Adelle sa kaniya. Kitang-kita

