♛♕♛ Nakaupo ang emperor sa kaniyang trono sa taas ng pagtitipon habang pinapanood ang pagsasaya ng mga bisita ng kaniyang anak. Katabi niya sa upuan ang kaniyang empress at ang crown prince naman ay nasa baba ng pagtitipon habang nakikipag-usap sa iba pang aristocrats. Ginala ng emperor ang kaniyang mata habang tinitignan ang mga kilalang pamilya na dumalo sa pagtitipon. "Dumating na ba ang ginoo na tinutukoy mo?" Bulong ng empress sa kaniyang asawa at tumango naman ang emperor sabay tingin sa isang binata na may gigintuang buhok at berdeng mga mata. Nakikipag-usap ito sa mga iba pang noble man at halatang magaling ito pagdating sa pakikipagkaibigan at sosyo sa iba pang aristocrats. "Bakit hindi mo pa siya ipakilala ngayon? Ito na ang pagkakataon na 'tin para sirain ang Quintus at mag

