♛♕♛ Nanginginig man ang mga kamay ay patuloy niyang pinatunayan kay Zeren na totoo ang pagnanais niyang manatili sa tabi ninto, ngunit bago pa man niya tuluyan mahubad ang kaniyang damit ay agad siyang pinigilan ng binata at umiwas ng tingin sa kaniyang harapan. "Tigilan mo na 'yan, masyado ka nang desperada," sagot sa kaniya ni Zeren na lalong nagdulot sa kaniya ng kahihiyan. "Lumabas ka na sa opisina ko," muling utos ninto sa kaniya at hindi niya na napigilan na tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata at agad na tumakbo palabas ng opisina ni Zeren. Ramdam na ramdam niya ang kahihiyan sa buo niyang katawan. Matatanggapniya pa sana kung tatanggapin siya ni Zeren at yayakapin siya ngunit tinggihan pa siiya ninto at sinabihan siyang desperado na talagang nakasira ng lakas ng loob niya a

