♛♕♛ "Sa aking minamahal na Rose, kamusta ka na? Nabalitan kong ikaw ay nagdadalang tao at kung hindi ka pa nakakapili ng ipapangalan sa kaniya ay nais ko itong pangalan mong Rafael. Galing sa pangalan ng matalik kong kaibigan, at hayaan mo hindi ko kayo papabayaan. Bibigyan ko ng nararapat na yaman ang batang iyan pagdumating na siya sa tamang edad. Isinulat ko ang liham na ito sa aking paboritong libro upang pagdating ng panahon, pagkailangan niyo ng tulong ko ay maaari niyo itong gawing patotoo sa utos ko." Tumahik ang lahat nang basahin ni Richard ang liham na iyon na nakasulat sa likod ng libro kasama ng isang litrato ng Earl. "Ako, Si Ramon Quintus ay na ngangako na iingatan at gagabayan si Rafael, anak ni Rose Sobinoff," huling bahagi ng liham at napatingin ang lahat kay Rafael na

