♛♕♛ Agad na nahulog si Adelle sa bisig ni Rafael at pareho silang nagkatinginan sa isa't isa. Kumunot ang noo niya dahil hindi pa rin siya itinatayo ng binata at nakatitig pa sa kaniyang mukha na nagbigay sa kaniya ng pakiramdam ng pagkailang. "Hindi mo pa ba ko itatayo?" Tanong ni Adelle at napangiti si Rafael sabay unti-unting nilalapit ang kaniyang mukha sa dalaga. Buong akala ni Adelle ay hahalikan siya ninto ngunit lumapit lang ito sa kaniyang tenga at bumulong. "Ang bigat mo pala?" Mapang-asar na tanong ninto at sumama na lang ang tingin ni Adelle sa kaniya sabay tulak kay Rafael at tayo. "Tsk, ganu'n talaga malusog ako eh," sagot ni Adelle at saglit na napatigil dahil para siyang namalik-mata nang mahagip ng kaniyang paningin ang lagusan papasok sa mansion. Akala niya nakita niy

