ISA... Dalawa... Tatlong minuto na siyang nakatayo sa harap ng basag na bintana ng walang kagalaw-galaw man lang. It had been more than ten minutes since Cody came home. Napakasaya niya pa nang pumasok siya sa bahay. Pero kakatwang agad din nawala ang napakagaan na emosyon niyang ‘yon nang mapadako ang kanyang tingin sa bintana. Humihinga pa ba si Cody? Nakakaramdam pa ba siya habang nakatulala roon? Ang totoo ay hindi ko na talaga alam. Para kasing hindi na. Papalubog na ang araw at may nagsisimula nang bumuo ng anino ang liwanag na nagmumula sa headlight ng kanyang kotse. He decided to use it as our temporary light habang iniisip niya raw kung papaano makukumpleto ang kailangan ng aming tahanan. He said he would start on working on finishing our house again – para dugtungan kung saa

