SABI NIYA, MAIGSI LANG DAW ANG BUHAY. Kung alam niya lang daw na ganoon kaiksi ‘yon dapat ginawa na niya sana lahat para maging masaya kaming dalawa. Kani-kanina lang nabanggit din niya na pinutol ko raw ang tyansa naming dugtungan pa sana ang aming hindi natapos na nakaraan. With those given, hindi ba dapat ginagawa na namin ang lahat para kahit papaano ay maging masaya kami ngayon? Kaso hindi ako masaya. Period. Kahit ayokong tanggapin ang mga paninisi niya kanina, wala naman akong nagawa nang mismong sa balita na lumabas ang aking mukha. Tapos pinagtabi nila ‘yong larawan ko at ‘yong namatay na lola sa bangko bago paulit-ulit na pinagduldulan na ‘ako’ raw ang pumatay sa matanda. May nakakilala raw sa’kin sa terminal ng bus noong pumasok ako sa CR -- ‘yong nagbabantay. “Ang ganda n

