LUMA NA ANG BAHAY NI MANG DELFIN. May konting butas sa bubong ng banyo na singlaki ng piso. Naninilaw ang tiles na sahig at may mga siwang ang dingding na kahoy kung saan panakanakang tumatagos ang liwanag mula sa labas. Maliit lang ang kabuuan ng lugar na kinaroroonan ko. May lababo, may toilet sa isang gilid tapos tatlong magkakasunod na timba sa isang sulok. Pakiramdam ko malapit na rin mapundi itong bumbilya. Sasagitsit ng konti, tapos mamatay. Tapos sasagitsit ulit ng konti, sisindi naman. Sumasabay ‘yong liwanag sa paglitaw nang babaeng nasa tabi ng yerong pintuan. Didilim. ‘Yon. Nandoon siya. Nakatitig sa ‘kin sa pagitan ng mahahabang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Matangkad siya, siguro kasing tangkad ko. 5'4'? Sobrang puti ng kanyang balat kaso naagnas ang braso niya

