MALAMIG NA ANG KAPE AT PANSIT. Ang saya-saya ni Mang Delfin habang nagkwekwento. Si Mang Delfin ‘yong tipo ng taong pangarap ng lahat maging tatay eh. Bibo, maalalahanin, palatawa, at higit sa lahat, mabait... sobra. “Ay! Subo nang subo.” Nginitian ako ng matanda. Magkaharap kami sa lamesang gawa sa kahoy noon habang kumakain ng pansit na binili niya. Ang hapunan namin? Pansit at kanin. “Tuloy-tuloy dapat para makarami.” Maliit ang bahay ni Mang Delfin na gawa sa lumang kahoy. Halatang mag-isa lang siya dahil bukod sa alikabok ay wala ng iba pang kalat sa kabuuan ng lugar. Antigo ang mga muebles. Medyo madilim dahil dilaw na bumbilya ang ginagamit. Maraming halaman, may maliit na bakurang gawa sa kawayan, pero wala ni isang hayop... hindi siya nag-aalaga ng pusa o aso. Halatang walang

