Chapter 45

1980 Words

KUMUKURAP ANG MGA BUMBILYA. Simasagitsit bago nagpapatay-sindi. Ilang segundong liliwanag. Makikita ko ang mangilan-ngilang pasyenteng hinahatid na sa kani-kanilang kwarto ng mga nurse. Tapos biglang didilim kasabay ng pagbabagong anyo ng mga nilalang na nadadaanan ko sa pasilyo. Maaagnas ang mga tao roon kasunod ng pagkalat ng nakakasulasok na amoy ng nabubulok na laman. Nakakaduwal... Nakakahilo... Nakakarindi... Paglipas ng mga segundo, sisindi muli ang ilaw at awtomatikong magbabalik sa normal ang lahat. Babalik‘yong mga silyang nakadikit sa puting dingding, makikita ko ulit ‘yong tiles na sahig, at titigil ulit sa pagsasayaw ang mga ilaw sa kisame. Didilim. Muli kaming hihigupin ng impyerno. Sa isang iglap ay kasama ko na ulit ‘yong mga namatay na hindi pa nailibing. Mga buhay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD