Chapter ONE - ADMISSION
————————————————————————
Another year passed and here we are in our 2nd to the last phase of teenage life, 3rd year highschool. Same old faces. Same old attitudes. Same old teacher and most of all same old school and senarios. Kanya kanyang kwentuhan sa mga nangyari sa nag daang ilang buwan na bakasyon. New hair style. New set of paper, notebook, pencils and bag. New shirts and pants. Halos lahat na ata ng pwedeng ikwento habang wala pa ang unang guro para sa unang klase ngayong araw.
“Asuna, sabay tayo mag recess mamaya ?” tanong ni Leifa, isa sa mga bestfriend ko nga pala. “Recess agad ? Wala pa nga 1st sub, ay ikaw ? Hahaha.” Saad ko.
“Kasi nga, may nakita ako kanina nadala ni aleng Marta na burger na may pansit ang palaman nakakalaway!”
“Hahaha, patay gutom!
“Basta basta sabay tayo ah?”
“Sure sure.Tingin mo, anong seat arrangement natin ngayong taon ?
“Malay ko ba kung ano nanaman maisip nila, sana isa man lang katabi ko sa inyo.” Pabebe niyang sabi.
“Okay lang ako kahit saan pero better sana yung medyo tago para makatulog ako hahaha.”
“Yan, yan kaya ka napapagalitan parati.
“Sarap kaya matulog.” Sagot ko
“Di ka nama———- “ hindi niya na natapos ang sasabihin biglang sumigaw isa sa mga klasemate namin.
“JANAAA SI MAAAAM.” Sabi niya habang tumatakbo papasok ng classroom.
Kanya kanyang pasok sa loob ng room at ayos ng upo.
“Good morning class.” Saad niya
“Good morning maam.”
“I will be your advisor for this year. Kilala niyo na din naman ako pero para sa mga bagong student, I’am Maam Alice Kudou. Hoping na each of your will behave, understand?”
“Yes maam!”
“So our subject for today is Filipino, but first lets arrange your seat. This time will be Boys and Girls Arrangement. Starting from this row will be girls followed by boy of course then on and so forth. Now stand up and go to the back i will call you 1 by 1.
Minutes later ……
“Now, that will be your sit until the end of the year. Para sa mga bagong lipat welcome to our school. Sa mga old students magbehave kayo.”
“Lets start , blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah.”
“Hay , kakaantok naman ito.” Bulong ko
“Kakastart palang antok ka na ?” Tanong ng katabi ko.
“Filipino kasi haha.” Tumawa ako bahagya pero di ko maalala pangalan niya. Hindi naman talaga bagong salta ibang section nga lang siya dati kaya di ko matandaan pangalan niya.
“Kirito Zuberg nga pala, galing kabilang section.” Sabay abot ng kanyang kamay para maki pagshakehand.
“Asuna Streusen.” Saad ko at nakipagkamay din sabay ngiti. “Naligaw ka dito sa section namin?” Tanong ko.
“Oo medyo tumaas ng kunti ang final grade ko last year kaya nilapat ako.” Nakangiting tugon niya.
“Good for you. Welcome sa section namin.”
“Hindi ba nakakahiya dito ?”
“Nakakahiya ? Bakit naman?”
“Matatalino kasi mga nandito sa star section?”
Natawa ako “Matalino ? Nandito nga ako kaya hindi naman lahat. “Sila siguro pero as long as na abot grabe mo sa maintaining grades oks na yan.” Saad ko
“Naks ang humble mo naman.” Pang aasar na tugon niya.
“Totoo naman kasi.” Natatawa paring tugon ko.
Kwetuhan kami ng kwetuhan at hindi namin namalayan na tapos na pala ang first subject. Maya maya pa ay pumasok na ang sususnod na guro. Nag pakilala ito sa maigsing paraan at diretso nasa pag turo ng aralin niya ngayong araw.
“KRINGGGGGGGGGGG.” Maingay na tunog hudyat na tapos na ang klase at oras na para mag recess.
“Asunaaaaaaa, tara naaa” excited na hila sakin ni Leifa.
“Opo saglit lang din.” Sagot ko. “Una na kami Kirito may patay gutom na makahila kala mo wala ng bukas.” Sarkastikong saad ko
“Sige Asuna, mamaya naman.” Ngiting tugon niya.
Nakikipag sabayan kami sa mga nag lalakad papunta sa canten. May nag tatakbuhan, tawanan, harutan at iba pa. Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinasabi ni Leifa sa subrang ingay ng paligid. Hila hila niya paring ako hanggang makarating kami sa pili.
“Ikaw huh?” Panunuya niya sakin.
“Huh ? Bakit ?” Tanong ko
“Katabi mo si Kiritoo, yieeeee.”
Nagtatakang tiningnan ko siya. “Bakit anong meron sa kanya ?”
“Hindi mo alam ? Daming may crush sa kanya dito sa campus !” Malanding pagkakasabi niya.
“Kasama ka ba dun sa may gusto sa kanya?” Natatawang sagot ko.
“Hindi ah! Inaasar lang kita baka sakali.”
“Nag kwentuhan lang naman kami kanina kasi inaantok na ako. Hindi ko naman alam na campus crush siya dito.”
“Nako parati naman, Anyway highway malapit na tayo anong sayo?”
“Burger na may tortang puso at Spaghetti. Sayo ba ?”
“Burger na may pansittt.”
Tawang tawa ako sa sagot niya. “Bilisan na natin para makabalik tayo sa room.”
Habang nag lalakad kami pabalik ng room ay nasalubonh namin si Sinon.
“Hindi niyo man lang ako hinintay.!” Nag tatampong saad niya.
“Tanong mo dito sa kaibigan mong patay gutom nakalimutan ka ata sa subrang madali.” Tugon ko.
“Sorry nag laway kasi ako sa dali ni aleng Marta kanina.” Tumatawang sagot niya.
“Nakooo Leifaaa, punta na ako dun sana may naiwan pa na paninda si aleng Marta babush.” Patakbong paalam niya samin.
Mga ilan minuto pa at tumunog nanaman ulit ang bell hudyat na kailangan ng pumasok para sa susunod na subject. Kung paano nag simula sa pagtalakay ng aralin hanggang sa natapos at oras na para mag tanghalian. Nag paalam ako sa dalawa na mauuna na ako umuwi. May ilan ilan na dito nalang mismo sa room kumakain lalo na ang subrang layo ng bahay. Ilang minuto lang naman ang lalakarin ko kaya umuuwi nalang ako para kumain ng tanghalian.
Bago ako tuluyan makalabas ng school ay nag lagay muna ako ng earphones sakin tenga para makinig ng mga tugtog na meron ako. Habang nag lalakad ay bigla nalang may tumapik sakin. Sa gulat ay muntik ko na masuntok kung sino man yung tumapik sakin. Buti nalang nakita ko ang pag mumukha niya bago ko masuntok.
“Hep hepp , ako tooo! Kirito ?” Natarantang sagot niya .
“Susmaryosep ! Ginulat mo ako. Akala ko kung sino na.” Tugon ko
“Tinatawag kasi kita kanina pa di mo ako naririnig.” Nung makita niya ang earphone at bago niya napagtanto. “Kaya pala hindi mo ako marinig.” Napapakamot na saad niya.
“Oo nakasanay ko na kasi na pag wala akong kasabay nag lalagay ako nila para chill lang.”
“Mahilig ka sa music? Anong tugtog mo jan ngayon?” Tanong niya.
“More than words by Westlife, gusto mo ?” Alok ko ng isang earpiece sakanya.
“Sure !” masayang sagot niya.
Habang nakikinig sa tugtog sabay sa ritmo ng paglakad namin na hindi ko alakalain na sa mismong araw nayun mag sisimula ang mas lalalim na pagkakakilanlan namin sa isat-isa.
Lumaon ang mga araw at tuloy tuloy ang klase na parang walang katapusan.
“Naaay, alis na po ako.” Paalam ko. Hindi ko mapigilan maisip na nitong mga nakaraang araw ay excited akong pumasok. Si Kirito simula nung araw na yun parati na kaming mag kasama. Sumasabay siya samin. Nakikipag kwentuhan at tawanan. Feeling ko unti-unti na siyang nasasama sa tropa namin. Hindi ko naman ikakaila pero ang sarap niyang kasama maagan sa pakiramdam. Sa pag iisip ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng campus namin. Pumasok ako at binati ang Guard. “Good morning po kuya Guard.” “Good morning din sayo.” Nakangiting tugon niya.
Dire-diretso ang lakad ko hanggang makarating sa mismong classroom namin. Sa labas palang ay maririnig mo na ang ingay na galing sa kanya kanya nilang mundo ng kwentuhan. Tawanan dito , harutan dun yan ang senario habang wala pang guro. Hindi ko alam pero kanina pa may hinahanap ang mata ko na hindi ko alam. Nagulat nalang ako ng biglang may nag takip ng mata ko.
“Sino ako ?” Tuyang sabi niya.
“Nako bitawan mo nga ako ano ba.”
“Sino muna ako ?” Pangugulit niya.
“Yah yah, Kirito anong trip mo ?” Naasar na tanong ko
“Ang pikonin mo talaga ano?” Natatawang sabi niya at inalis niya na ang pagkakatakip sa mata ko.
“Aga aga ba naman nangiinis ka na? Wala ka nanaman magawang matino?”
“Meron naman , ang inisin ka parati.” Natatawang sagot niya. “Tsaka namiss kita ei.” Dagdag nasagot niya at dahan dahan lumakad papasok ng classroom.
Samantalang naiwan akong tinitigan siya palayo. Tulala habang iniisip kung bakit ganito nararamdaman ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung biro o totoo yun pero gusto ko nalng isipin na biro lang ayokong umasa lalo na sakanya.
—————————————————————
Author’s Note:
Hi there ! First time ko mag sulat kaya thank you at nakaabot ka dito sa dulo.
My bestfriend encourages me to write for full fun and exprience. Sabi ko nga sa kanya dakilang reader lang ako pero ngayong ginagawa ko na masaya pala hahaha.
For the name of characters, Credits to the Real Owner lalo na at puro anime names yan. Wala na talaga akong maisip at sila lang pumasok sa utak ko kasi puro anime pictures ang kwarto ko. Tawang tawa talaga ako habang mga pangalan nila nababasa ko.
Anyway, salamat ulit !
See you on next update ^*^ mwuaaa