Ilang araw ko ng napapansin na hindi ako kinakausap ni Kirito. Okay lang naman.
"Yah, okay lang naman ? Ano to pampalubag loob ?" Asik ko sa sarili ko.
Tuwing sinusubukan ko siyang kausapin or lapitan bigla nalang siya makikipag usap sa iba o aalis para di ko siya makausap.
Hindi na din kami mag kasabay pumasok o umuwi. Pati sa text wala na din. Last time i check ako ang gustong umiwas pero anong nagyari ?
Pati sila Sinon at Leifa ay napatanong na din kung anong nangyari. Wala din naman akong masagot. Binalewala ko nalang din. Lately wala din akong katabi kasi sa likod na siya umupo.
Habang busy sa pag mumuni-muni nagulat ako ng may biglang umupo sa upuan niya akala ko siya pero nagulat ako ng makita ko na si Louen ang umupo sa tabi ko. Hindi ba nasabi ko na dati may gusto na akong iba ? Si Louen yun. Long time crush ko siya. Yes almost 2years na din. Pero sympre kami lang nakakaalam.
"Hi Asuna ! Kamusta ? Ngayon nalang ako nakatabi sayo . Uupo ba si Kirito dito mamaya or hindi dito muna ako." Dirediretsong saad niya habang nakatingin sakin.
"A-ano hi-hindi ko a-alam." "Halaaa pang tanga, bakit na utal utal kaaa." Tanong ko sa sarili ko
"Okay ka lang ba ? Bakit nautal utal ka?" Nagtatakang tanong niya.
"O-Oo hihi sorry lutang kasi." Pabalewalang sagot ko. "Please sana hindi siya nakahala, huhu."
"Hahaha maraming namamatay jan!" Tumatawang sagot niya. "So yon dito muna siguro uupo for meantime, dun na kasi siya dumiretso eh." Turo niya kay Kirito na kakadating lang.
Sabay ng pag tingin ko sa kanya ay yun din ang pag tingin niya sa pwesto namin. Ako lng ba o sadyang nag iba ang ekspresyon ng muka niya pero bumalik din agad nung tiningnan niya na ang bagong katabi niya sa upuan. Bigla akong nalungkot kaya pumihit nalang ako paharap sa blackboard.
Sakto pumasok na din ang unang guro ngayong araw.
"Ganito ang mangyayari blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah." Hanggang sa matapos ay wala man lang akong naintindihan.
Bakit pakiramdam ko ang bigat bigat nito, turo sa dibdib ko banda sa puso. Ano ba kasi nangyayari ?
"Uyy, Asuna to the earth?" Pukaw sakin ni Louen.
"Po ? Yes ? Bakit?" Natarantang tanong ko.
Kunot noong siyang sumagot "Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala?"
"Ha-ha , sorry may iniisip lang ako." Alangan kong sagot sa kanya.
"Sure?" Paninigurado niya. "Mamaya kung ano na yan, pwede mo yan ikwento sakin kung hindi mo na kaya." Sabi niya sabay ngiti.
Yan, yang ngiti na yan. Biglang gumaan pakiramdam ko. Bakit ko nga ba nakalimutan na nandito yung crush ko ngayon katabi ko pa.
"Salamat." Abot matang ngiti ko sa kanya. "Kamusta ka pala ?" Tanong ko . "Tagal din natin hindi nakakapag chismisan haha." Natatawang saad ko.
"Ito pogi pa din ano pa ba." Tumatawang sagot niya din.
"Ay sana all, bakit mo pala naisip lumipat dito ngayon ?"
"Natoxic na ako sa katabi ko hahha." Napapkamot na sagot niya.
"Haahah, kawawa."
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa tumunog na ulit ang bell hudyat na para umuwi. Nauna na ako bumaba sa kanya may hihintayin pa daw siya eh.
Sa likod din pala ako dumadaan ngayon. Okay lang din naman sakin na ako lang. Mas okay yun kasi wala kang papakisamahan.
Lakad at salpak earphones and viola equals Asuna. Ang ganda ng sumalubong na kanta sa tenga ko.
—————-
Di lang ikaw by: Juris Fernandez
Pansin mo ba ang pagbabago
'Di matitigan ang iyong mga mata
Tila 'di na nananabik
Sayong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay
Maging malaya
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko, ay kailangan kang iwan
Pansin mo ba at nararamdaman
'Di na na tayo magkaintindihan
Tila 'di na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka
Lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong 'di ko sinasadya
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko, ay kailangan kang iwan
'Di hahayaan habang buhay kang saktan
'Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay nagiging masaya sa yakap at sa piling na ng iba
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
'Di lang ikaw
'Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko, ay kailangan kang iwan
——————
Hindi ko namalayan malapit na ako sa bahay.
Ang lungkot nung kanta pakiramdam ko pati ako nadala.
Ano ba yan ang emo ko naman masyado. Dalian ko nalang nga para makauwi na baka abutan pa ako dito nila nanay.
—————-
"Asuna, bakit pala hindi na kayo masyadong mag kasama ni Kirito?" Tanong ng isa kung classmate.
"Bakit mo natanong ?" Balik kong tanong sa kanya.
"Break na kayo ?" Curios na tanong niya.
Natawa ako sa tanong niya. "Sorry pero hindi kami. Sadyang close lang kami, friends baga."
"Seriously, friends lang kayo? Akala talaga namin kayo na." Takang tanong niya.
"Hindi nga totoo, mayroon na akong gusto pero secret na yun kung sino hahaha." Tinapik ko siya at umalis na .
—————-
At isa sa pinaka hihintay kong klase sa mag hapon, ICT yeheeey. Computer subject naaa.
Bale ang nangyari dito ay hinati sa 4courses ang TLE subject. Agriculture, Home Economic, Machinery at ICT.
Kaming magilig sa computer ang napunta dito. Ilan lang din naman kami kaso kasamaang palad kasama si Kirito sa sa subject na to.
Papasok palang ako ng room nakita ko na siya sa loob. Nasa pintuan na ako banda pero hindi ko alam pero bigla ko nalang nasabi,
"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nakatingin kong tanong sa kanya.
Alam kong nagulat din siya pero unti unti kung nakita na ngumiti siya. Dahan dahan siyang lumapit sakin hinawi ang ilang pirasong buhok na nakagarang sa mata ko.
"Buti lumapit ka na akala ko okay lang sayo na hindi kita pansinin eh." Todo ngiti niya sakin.
"So yun lang yun kung bakit hindi mo ako pinapansin? Hindi ka galit?" "Bakit ganito ako mag tanong sa kanya para kaming mag jowa"
"Bakit naman ako magagalit ? Haha" sabay abot ng kamay niya sakin. " pwedeng pakihilot saglit? Medyo namamahnhid eh."
Lokong to after akong hindi pansinin ng ilang araw uutusan lang ako pero sympre mabait ako inabot ko ang kamay niya. Ang lambot ng kamay niya. Nakakahiya sakin matigas kakagawa ng gawaing bahay. Tapos ko ng hulitin at bibitawan ko na bigla niyang hinawakan kamay ko. Bigla niya akong hinila para umayos ang mag kawak naming kamay at umikot ukot sa gitna ng room.
Ganong senario ang naabutan ni Sinon at Leifa.
"Huyy ! Bakit may holding hand naaaa!" Nakamatang sabi ni Leifa.
"Kayo na ba?" Tanong ni Sinon.
"Hindi , hindi ano ba." Ako sabay bitaw kay Kirito. "Naglalaro kasi kami yun lang yun."
"Okay sabi mo ei." Nakakapagtaka at di na sila nangulit parehas.
Nag simula na ang klase , magaan na ulit pakiramdam ko akala ko okay na.
Pero nung natapos ang klase ay hindi na naman niya ako pinansin.
"Ano bang meron sa lalaki na yun? May dalaw ba yun at parang may mood swings ? Argh. Hindi ko na alam. Bahala na nga siya jan!"
Nag paalam na din ako kila Sinon at Leifa. Napapansin niyo ba na hindi ko sila parati kasama umuwi ? Magkapit bahay lang kasi sila at medyo mas malapit sila sa school kaya nauuna na ako parati.
Habang pauwi nag iisip nanaman ako. "Ano ba tong nararamdaman ko ? Bakit ganon? Hay nakakainis naman. Hayaan na nga natin matatapos din to."
——————-
Please follow me for updates.
Or if you wish to have conversations with me kindly please message me on
FB: @EJ Romualdo
Thank you !