CHAPTER SIXTEEN “BAKIT pumayag ka na sa sumama sa amin? Alam mo ba na mahirap kasama si Dad sa ganitong lakad?” Iyon ang sunod-sunod na tanong ni Eloise kay Ethan nang masolo niya ang binata. Nasa parking na sila at hinihintay lamang ang tatay niya na matapos ang pakikipag-usap nito sa kung sinong kliyente sa cell phone. “It's fine, Eloise. Sinabi ko naman na libre ako ngayong umaga.” Nginitian siya ni Ethan pero irap lamang ang tinugon niya sa boy-next-door nitong ngiti. “Huwag ka na sumimangot diyan. Nawawala ang ilong mo kapag nakasimangot ka.” Pinisil ni Ethan ang tungki ng kanyang ilong na agad naman niyang pinalis. Aambahan niya ito ng suntok sana ngunit nakita niyang pabalik na ang kanyang ama. “Good luck na makatakas ka pa sa kanya,” aniya sa binata saka sinuntok ang braso nito

