CHAPTER FIFTEEN “ETHAN, do you like your job?” tanong na siyang namutawi sa bibig ni Eloisé matapos nito makuha ang kanilang order. Mula sa restaurant ng pinsan niyang si Dean ay umikot sila buong Cordova. Nagawa nilang bisitahin iyong pamosong 10,000 Roses at ginawa niyang photographer si Ethan doon. Kumain at tumambay sila sa nasabing lugar pagkatapos kumuha ng maraming larawan. Ngayon ay nasa sea side restaurant sila ng Ninang Georgina niya't inaabangan na ma-i-serve ang kanilang order. “Sakto lang,” tugon ni Ethan sa kanya. Nakita niyang binalingan nito iyong tissue paper at tinupi-tupi. Ano ba naman iyong sagot niya, walang ka-latoy-latoy, aniya sa isipan. Naisipan niya itanong kung gusto ba nito ang kasalukuyang trabaho para lang may mapag-usapan silang dalawa. Naubos na nila a

