Michiko's POV I woke up early para makarami kami sa flower shop ngayon. Siguradong maraming pupunta rito dahil marami rin ang nagbabakasyon sa Baguio City sa ganitong panahon. Naging magaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ni Charlotte kagabi at malaking bagay na sa bahay na rin siya natulog. Tulog na tulog pa nga noong nagising ako kaya naligo muna ako bago bumaba at ipagluto ang mga kapatid ko, gigisingin ko nalang ang isang ito bago ako bumaba. Pagkatapos kong maligo ay wala na si Charlotte sa kama, nagising na rin siguro siya o kaya ay may tumawag na naman ng ganitong oras sa kanya. Madalas siyang nagigising kapag may tumatawag sa kanya sa umaga dahil sa kasipagan ng isang ito. Mayaman pero todo kayod pa rin na akala mo naman ay hindi sa kanya mapupunta lahat ng yaman ng pamilya

