Michiko's POV Hindi naman ako pumapasok sa kuwarto niya ngayon dahil nakikita kong maayos ang pakiramdam niya. Masigla siya ngayon kaya masarap siyang panoorin mula sa labas ng kuwarto niya. Dumaan lang ako rito bago pumasok sa flower shop, gusto ko lang siyang makita na nasa maayos na kalagayan bago ako pumasok. Napansin niya ako sa labas ng kuwarto niya kaya umiwas ako ng tingin at nagsimulang maglakad palayo pero lumabas siya at tinawag ang pangalan ko. “Michiko,” he repeated. “What are you doing here?” he asked. “Look, naiintindihan ko naman na ayaw mo akong makita kaya nga hindi ako pumasok sa loob. I just want to see you and sana hindi mo na iyon ipagkait sa akin. Tanggap ko na wala na tayo pero mahalaga ka sa akin kaya ayaw kong nakikitang nahihirapan ka, Vonn.” Lumapit siya s

