Michiko's POV I’m doing my best not to think about Vonn. Akala ko madali lang iyon dahil nagawa ko naman noong isang araw. Sadyang may araw lang na kahit ano pa ang pag-iwas na gawin ko ay naaalala ko pa rin siya. Maging sa panaginip ay naaalala ko siya. Kung sabihin naman niya na kalimutan ko na siya ay parang napakadali talaga na makalimutan siya. Sabi niya ay nagawa naman niya, sana magawa ko rin. Sana magawa ko kaagad. Sana hindi na ako pahirapan ng puso ko. Tanggap naman ng utak ko pero itong puso ko pa rin ang pilit na nakaka-alala sa kanya pati na rin sa pinagsamahan naming dalawa. Bigla nalang akong napapatitig sa kung saan habang hawak ko ang mga bulaklak na aayusin ko. Malapit na mag-lunch at naalala ko na naman si Vonn. Madalas siyang pumupunta kapag lunch, tipong nang-gugula

