Stephanie’s POV Naunahan na naman akong magising ni besty. Napapansin ko na simula nung nagdate sila ni Kai ay bigla nalang may nagbago sa kanya. Gustong kong alamin kung ano yun nangyari galing mismo sa kanya ngunit magaling magtago ang isang yun. Ano pa nga bang aasahan mo sa babaing yun na may kakayahang maglulusot sa pader at maging invisible? Eh di magaling talagang magtago. At ito naman si Kaiser lagi akong kino-corner para itanong kung nasaan si Aeva. Hindi ko mabasa sa kanya ang nangyari sa kanila dahil puro pag-aalala kay Aeva ang nasa isip niya. Naaawa na ako kay Kaiser kasi para siyang tanga. Ngayon patungo ako sa cafeteria para sana mag-quick breakfast pero nagbago ang isip ko ng makita ko si Bethany with her alipores and the other queens. Nasa unahan si Be

