Aeva’s POV Nakakapagtaka? Bakit parang busy lahat ng tao ngayon sa Chiyo? Kahit saan ako tumingin lahat ng estudyante may ginagawa. Sa pagmamasid masid ko sa paligid bigla akong may naalala. Bakit parang hindi na nagpapakita si Inagi? Pagliko ko sa isang corner hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Napahinto ako at pinagmasdan ang lalaking matagal ko ng pinagtataguan. Malungkot ang mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko. I felt guilty dahil hindi ko siya maharap ng matino. Hindi ko man gusto ay nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya at nilagpasan siya. Katulad ng mga napapanuod kong t.v. series at movies madalas sa ganitong scene ay hahawakan ng lalaki ang babae para pahintuin but Kaiser do the opposite. He just let me walk pass him. Nakakadalawang habang n

