Stephie’s POV Hindi agad nakatulog ako sa alalahanin na nasa isang lugar lang kami ngayon ni Branzen. Lumabas ako sa bahay kubo kung saan ako nakatira para maglibot sa kalagitnaan ng gabi kung saan mahimbing na ang tulog ng lahat. Isa pa sa pinagtataka niya parehas na member ng Skylark si Daddy at si Branzen. Bakit sila nasa ganitong lugar at nag-i-sponsor pa ng isang community immersion ng isang university? Mabilis nilang mapapalabas na charity works ito dahil kilalang philanthropist si Daddy. Pero kung sa iba wala lang ito sa akin hindi there is more to this. Nakarating ako sa bahay nalaan para sa mga organizers ng immersion at napansin ko agad na bukas pa ang ilaw ng isa sa mga bintana doon. Dahan dahan akong lumapit dito at iniwasang makagawa ng ingay. Su

