Gio’s POV Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ni Cola sa text pero malakas pag-asa ko na mapapayag ko siya. Pinadalhan ko siya ng bulaklak at iniwan ko yun sa upuan niya bago magsimula ang klase. Nag-iwan din ako ng letter sa locker niya at iniexpect ko na ang sagot niya sa puzzle na ginawa ko. Excited ako habang papasok sa main building ng mapansin ko si Kaiser na mabagal na naglalakad sa unahan ko. Dalawang hakbang nalang ay mauunahan ko na siya. Nilampasan ko siya at tumigil pagkatapos ng tatlong hakbang. Hindi man lang niya naramdaman ang ginawa ko at nag-alala tuloy ako sa nangyari. Inabot pa ng ilang segundo bago siya makarating sa kinatatayuan ko. This man is spacing out. “Kai, dude you okay?” Hindi ko na maatim ang nangyayari at

