Kaiser’s POV Nasa harapan ko ngayon ang isa sa pinakamalakas na fighter ng mixed martial arts dito sa GZM si Destroyer X. Parehas lang naman ang hulma ng katawan at timbang namin ang pinagkaiba lang ay ang karanasan namin sa combat sports na ito. Matagal na siyang manlalaro at nasa top five na rank over all. Samantalang ako kakasimula ko palang noong nakaraan buwan at ito pa lamang ang pang-apat kong laban. Hindi professional at illegal ang MMA dito sa GZM kaya tuloy tuloy ang laban dito basta may naghamon sayo at oras na pumasok ka sa larong ito hindi ka na makakalabas pa. Ang tanging paraan lang para makaalis ka dito ay kung patay ka na. At kung bakit humantong ako sa kinalalagyan ko ngayon ay isang napakahabang kwento. Hindi ko lang inakala na hahamunin niya ako sa harap ng

