Euan’s POV Kanina ko pa pinagmamasdan itong si pareng Gio. Sinabi na niya lahat sa akin ang mga hinaing niya. Pero ang hindi ko matanggap eh yung magpunta lang siya dito sa control room para nagmodel ng pabalik balik at gawing akong audience. Nakakahilo kaya. “Tsk! Gio kung ako sayo relax ka lang ok. Parang kang mangingitlog ng wala sa oras hindi ka naman inahin. Yung tungkol kay Kai syempre sino pang magtutulungan kundi tayo tayo din.” “Hindi lang naman si Kai ang problema ko Euan marami.” “Sige ka ikaw rin nakakatanda ang sobrang pagseseryoso sa problema. Bakit hindi mo ako gayahin…gwapo parin.” Umiling-iling nalang si Gio na napangiti sa sinabi ko. “Si Nicola talaga ang inaalala ko Euan ng sobra. Nakausap ko na si Kai, kahit paano ay nakinig naman siya sa mga

