Chapter 1: Past is Past

3332 Words
Ano ba ang pag-ibig?  Nakakatawa ba ang tanong ko na ito?  Kung magpapa-survey ako, siguradong maraming sagot ang iba't ibang tao patungkol rito.  Totoo naman kasi na ang depinasyon ng pag-ibig ay kung minsan ay depende sa kung sino tayo bilang tao.  Kung ako ang tatanungin ninyo sa kung ano ang pag-ibig para sa akin? Ang pag-ibig ay.... "Hoy! Franz, tulala ka na naman dyan." Naudlot ako sa aking iniisip sa biglaang pag dating ng aking kaibigan na si Shawn.  Bored na nilingon ko sya. Narito ako ngayon sa field ng school namin at tahimik na pinapanood ang mga kasamahan ko sa cheering squad na abalang nag eensayo para sa darating namin match. "Ay teh, ang sungit ha?" Umupo sa tabi ko si Shawn. Iniabot pa nya sa akin ang plastik na may lamang soft drink na kanina ay iniinuman nya. "Gusto mo? Pang pawala ng init ng ulo." Nakangising pang-aasar nya sa akin. Siguro napapaisip kayo kung sino ba ako o itong si Shawn at ano ba itong binabasa ninyong kwento. Let me introduce myself. Hello world, hello universe. My name is Franz Mckinley. Ang ganda ng apelyido ko diba? Tunog foreigner. Kung iisipin parang tunog sosyal at anak mayaman. How I wish, ganun nga ang estado ko sa buhay kasos a kasamaang palad ay hindi.  Mahirap ang pamilya namin. Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Ang aming ina ay isang Pinay domestic helper na kasalukuyang nagtatrabaho sa may Saudi. Ang aming ama? Well, no comment na lamang. Hindi kasi namin nakilala ito ng personal. Maski nga picture nya ay wala kami. Ang tanging mayroon kaming magkakapatid na konektado sa aming ama ay ang apelyido na maing dala-dala. Sa tuwing tinatanong naman namin si mama tungkol kay papa, palagi nya itong dini-dismiss. Although mga bata pa ang mga kapatid ko at para sa kanila ay ayos lamang ito, para sa akin na nakakatanda at nasa wasto ng edad, nais kong malaman ang totoo sa kung sino ang aming ama. Ang sabi kasi ni mama ay namatay daw si papa sa isang aksidente na sa tingin ko ay may kulang pa sa kwento ni mama. Hindi bale, darating din ang panahon na malalaman namin ang totoo. Dahil nasa ibang bansa si mama, ako na ang tumatayong guardian ng dalawa kong kapatid. Ang sumunod sa akin ay si Faith na ngayon ay grade 5 na at ang aming bunso na si Fern na ngayon naman ay nasa grade 1 na. Napaka hirap maging magulang para sa dalawang mga kapatid ko na kapwa maliliit pa.  Sa umaga pa lang na pag aasikaso ko sa kanila para sa pag pasok nila sa school ay halos parang may gyera na sa bahay. Inihahatid ko rin sila sa paaralan kung saan sila parehas na pumapasok at pagkatapos ay saka naman ako didiretso dito sa school. kasalukuyan akong nasa Grade 12 na. Konting tiis na lamang at makakatapos na ako. Maswerte nga ako dahil ang mga kapatid ko ay whole day ang pasok nila at ako naman ay half day lang ang pasok dito sa school. Kaya after lunch ay saka naman ako nagdidiretso sa isang restaurant na pinapasukan ko bilang waiter. Kahit mahirap ay nagpa-part time job na ako. Hindi kasi kakayanin kung si mama lang ang kakayod para sa aming magkakapatid. Kapag uwian na ng mga kapatid ko ay sakto iyon para sa oras ng break time ko sa part time ko, kaya nilalaan ko iyon para sunduin sila since walking distance lang naman ang school, bahay namin at ang restaurant kung saan ako pumapasok. Matapos ko namang sunduin ang mga kapatid ko sa school nila ay saka ako bumabalik sa restaurant upang ipagpatuloy ang shift ko. Umaabot kasi ng 8:00-9:00 PM ang duty ko. Ibinibilin ko ang  mga kapatid ko sa kaibigan kong si Shawn na kapit bahay lang din namin. Mabait si Shawn at ang parents nya, halos pamilya na ang turing nila sa amin kaya kahit papaano ay nakakaraos kami ng mga kapatid ko. "Franz? Nag over time ka ba kagabi? Parang puya na puyat ka?" Nag balik ang aking atensyon sa kaibigan kong halatang nag-aalala sa akin.  Tinitigan ko syang mabuti. Itong si Shawn, kababata ko sya. Madalas nga kaming mapag kamalang kambal o di kaya ay magkapatid dahil sa closeness namin.  Gwapo itong si Shawn, yung mga babae dito sa campus halos magkandarapa sa kanya. Campus crush ika nga nila. Maliban kasi sa physical appearance ni Shawn ay mabait rin sya at talented. Marunong syang tumugtog ng kung ano-anong musical instrument. May banda ang father nya noong araw at  ngayon na may edad na ito, si Shawn ang nagmana ng hilig nito sa musika. Minsan nga kapag weekends ay tinuturuan ni Shawn si Fern ng pag tugtog ng drums sa bahay nila, close rin kasi sya sa mga kapatid ko. Nginitian ko lamang si Shawn bilang sagot. Napapaisip nga ako madalas, kahit kailan kasi ay hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Shawn kahit na nung araw na nag out ako sa pamilya ko sa totoong ako.... Yes, I am gay. Noong una ay natatakot pa akong mag sabi kina mama, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan ko. Syempre nandun yung baka husgahan nila ako, lumayo sila sa akin, mandiri sila sa akin o magbago ang tingin nila sa akin. Kahit na natatakot ako, lakas-loob akong umamin sa kanila noong 16 years old ako. Mula sa pag amin ko na iyon, hindi naman nagalit sa akin si mama, ang mga kaptid ko ay wala rin namang negative feedback, siguro dahil masyado pa silang bata  para maintindihan ang sitwasyon. Sa mga kaibigan ko, may mga lumayo at umiwas which I understand. Hindi ko naman sila mapi-please lahat. Si Shawn? he stayed. Hindi nagbago ang pakikitungo nya sa akin. Ang sabi nya lang sakin that day na umamin ako ay... 'Eh ano kung gay ka? proud ako sayo saka ang swerte ko na may kaibigan akong super hero!'.  Yan ang sinabi nya sakin nung araw na nalaman nyang gay ako. Para sa kanya ay super hero daw ako sa bigat ng reposinbilidad ko ay nagagwa ko pa ring maging mabuting kapatid kina Faith at Fern, at napagsasabay ko pa ang trabaho at pag-aaral. "Shawn... hindi ka ba nagsisisi na ang best friend mo ay bakla?" Out of nowhere na tanong ko kay Shawn. Tinitigan nya ako ng masama. "Bakit ganyan na naman ang tanong mo sakin, ha? May nang-away na naman ba sayo? Sabihin mo at tuturuan ko ng leksyon." Nag uusisang tanong nya. Nag muwestra pa sya na kunwari ay pinapatunog nya ang mga daliri sa mga kamay na na kunwari ay masasapakin sya.  "Hahhaha wala. Baka kasi nababawasan na ang chicks mo dahil natu-turn off na may kaibigan kang bakla." Natatawang sagot ko naman sa kanya. "Pakelam ko sa kanila? Mas okay ka pa nga kaysa sa iba dyan na babae nga, puros paganda lang naman ang alam. Kung hindi tamad mag-aral ay sakit sa ulo ng mga magulang nila." Kibit balikat na sagot nito sa akin. "Saka Franz, kung mag-aayos ka na parang babae talaga? Naku! ang ganda mo. Talo mo yung mga babae dito sa school." Masiglang sambit pa ni Shawn na naging dahilan para matawa pa ako. Ako, maganda? Jusko. Eh mas lalaki pa ang itsura ko kaysa sa kanya. Baby face kasi itong si Shawn samantalang ako... wala na halos time na mag ayos ng sarili. Oo gay ako pero hindi ako yung nagme-make up, kilos babae, o yung cross-dresser. Attracted ako sa kapwa ko lalaki but it doesn't mean na mag-aayos na ako na parang babae. Hindi ako sanay sa ganoon at hindi rin nasanay ang mga kapatid ko na ganun ang itsura o kilos ko. Naku, baka biglang umiyak si Fern at matakot sa akin. Iyakin pa naman iyong bunso namin. "Bolero! sakin ka pa talaga nag practice ng mga linyahan mo sa mga chicks mo." Mahina na sinuntok ko ang braso ni Shawn. Natawa sya sa inaasal ko sabay sabing, "Seryoso naman kasi. Cute ka kaya. Matangkad ka, matangos ang ilong mo. Kahit tamad kang maligo ay mukha ka pa ring malinis. Yang mata mo, asset mo yan teh! Blue eyes? Bihira lang sa pinoy ang may blue eyes!" Biro pa ni Shawn sa akin. Madalas nya yang sabihin sa akin lalo na kapag hindi ako confident sa sarili ko. "Naalala mo pa yung crush mo nung Junior High tayo? Akala mo gwapo! Eh walang panama sa iyo yun! Blue eyes lang  sakalam kay Franz Mckinley!" Hahahaha naalala ko na naman yung crush ko noon na taga-kabilang school na binasted ako dahil taga-public school daw ako. "Jusko, bakit mo pinapaalala iyon?" Nagtakip ako ng aking tenga dahil alam ko na ang kasunod na gagawin ni Shawn.  At hindi nga ako nagkamali. Tumayo sya at saka kunwari ay kumakanta. Ginamit pa nya yung soft drinks na nasa plastic para gawing mic nya kunwari.  Yung ultimate crush ko kasi na iyon ay sinubukan kong mag confess sa kanya. Tinulungan pa ako ni Shawn noon sa plano naming kantahan yung crush ko. Todo practice pa kami sa bahay nila tuwing weekends kaso hindi na namin naituloy iyon dahil nabasted kaagad ako. "Tama na! itigil mo nga yan! pinagtitinginan ka na nila oh" turo ko doon sa mga estudyanteng napapadaan sa field at napapalingon sa amin ni Shawn. "Hahahaha see? Noon iniiyakan mo yun pero ngayon, tinatawanan mo na lamang. Ayaw mo pa maniwala sa akin noon eh." Umupo syang muli sa bench at saka ipinag patuloy ang pag inom sa soft drinks nya.  "Immature pa kasi ako noon. Ngayon, mas uunahin ko ang mga kapatid ko, ang pag-aaral at trabaho ko kaysa mag aksaya ng oras para sa mga ganung bagay." Proud na sagot ko kay Shawn habang nakatanaw ako sa malayo na tila ba binabalikan ko sa memory ko yung araw na iyon. "Luh, asan naman ako? It really hurts ah!" Kunwari ay humawak pa si Shawn sa kanyang dibdib. Ang hyper talaga nito at madalas ay parang bata kung umakto. "Ah oo nga pala, kasam aka nga pala sa listahan ko." Kunwari ay apologetic na turan ko. "Yan, ganyan dapat. Wag mong kakalimutan ang master mo." Sabi nya sabay pat as ulo ko na akala mo ay aso ako n apinapaamo nya. "Naman eh! ginugulo mo ang buhok ko." Pagrereklamo ko sa ginawa nya. Natatawa lamang sya, tila ba nage-enjoy sya sa ginagawa nya. "Ang arte. Oh sya sige na, mauuna na ako. May practice pa kami sa music club. Tumayo ka na rin dyan! Mahiya ka sa mga members mo doon na nagpapakapagod mag ensayo, tsk tsk... porket club president?" Tumayo na si Shawn at kinuha ang bag nya.  "Opo boss! kita na lang ulit tayo mamaya sa bahay nyo! Doon ko muna iiwan sila Fern. Alam mo naman, bayaran na ng renta namin sa bahay. Baka mag eskandalo na naman yung landlady namin doon, bukas pa ang sahod ko eh" Sumaludo naman si Shawn sa anarinig nya mula sa akin. Kabisado na nya yung ganitong sistema namin. Minsan kasi ay nadedelay ako sa pagbabayad ng upa  sa bahay. Yung landlady naman namin, pati mga kapatid ko na bata pa ay pinapatulan nya at sinisigawan sa tuwing naninigil sya kaya kapag ganun na alam kong madedelay ako ng bayad, doon muna ang mga kapatid ko kina Shawn. Ang OA kasi ng landlady namin at ang strict. One day delay lang, naku raratratin ka talaga nun. Nag umpisa na rin akong mag-asikaso. Actually, nagpapahinga lang naman ako kanina ng madatnan ako dito ni Shawn. "Franz! anong masasabi mo sa execution namin? Malinis na ba?" Tanong sa akin ni Andrea. Si Andrea kasi yung vice president namin sa club. Magaling syang mag lead pero hindi sya ganun ka-confident sa sarili nya. "Marami pa tayong kailangang  i-polish. Pero kaya yan, may one week pa tayo bago ang match." Nakangiting tugon ko kay Andrea. "Oh sya, practice ulit tayo ng kasama ako, then after nun, kayo lang at papanoorin ko kayo. Again, kailangan wag ninyong tipirin ang execution natin. If extend ang kamay, iextend ang kamay. Walang tila ba nakaipit sa mga kili-kili. Okay?" Pagbibigay instructions ko sa mga kasamahan namin ni Andrea. Binuksan na ni Andrea ang speaker namin at saka kami nag umpisa sa stunts namin.  Ilang oras din kaming nag ensayo. Nagtataka siguro kayo kung bakit parang wala yata kaming klase?  Excuse kami sa academics namin dahil sa nalalapit naming laban. Mabuti nga at understanding ang mga teachers namin at supportive din ang school namin sa mga ganitong events. Para daw mas makilala ang school namin, mas mainam na nae-expose kami sa iba't ibang activities outside ng campus. "Okay guys! mas better na yung execution natin ng stunts today kaysa kahapon. Bukas practice ulit tayo dito sa field, same time. Walang male-late please lang" Ilang oras din kaming nag ensayo at ngayon nga ay kakatapos lang namin. Tumango naman sila sa akin bilang pag sang-ayon. "Franz, yung costume natin. May budget na tayo, kailangan na lang natin i-finalize yung design kasi ang gusto ni coach, baguhin ang costume natin para sa match. " Lumapit sa akin si Andrea at halata ang pag-aalala nya sa costume namin. "Tsk, alam naman ni coach na one week na lang at laban na natin. Sa costume pa yata tayo mamomroblema ng todo." Napatungo si Andrea sa narinig mula sa akin. halatang stress rin sya.  Hayst, ewan ko ba sa coach namin at gusto nya pang ipabago ang costume namin. Yes, luma na ang costumes namin pero hindi wise desicion  yung magpapalit bigla given yung panahon na mayroon na lamang kami. "Tara, kausapin natin si coach. Puntahan natin sya sa faculty office, baka andun sya." Pagyaya ko kay Andrea. Agad naman itong tumalima. Nagpaalam na kami sa mga kasamahan namin at saka kami naglakad papuntang Faculty office. Nang makarating na kami sa tapat ng office ay kumatok muna kami sa may pinto  at saka kami pumasok sa loob. Bumungad kaagad sa amin si coach na nakaupo sa pwesto nya at may kausap syang estudyante yata? Pero iba ang uniform na suot nito. Mukhang taga-ibang school sya. "Sige na, you may leave now. Salamat at personal mo pa akong kinausap. Pakisabi sa coach ninyo, next time sya ang humarap sa akin." Narining kong sabi ni coach doon sa estudyanteng nakatalikod sa direksyon namin ni Andrea. Napansin kong tumango ang kausap ni coach saka nagpaalam na aalis na sya. "Yes Andrea and Franz, ano ang kailangan ninyo?" Tinawag kami ni coach kaya agad kaming lumapit sa pwesto nya. Naunang naglakas si Andrea papalapit kay coach. Ako naman ay nakasalubong ko yung student na kausap ni coach at tila ba nag slowmotion ang paligid ko bigla. Mabilis na rumehistro sa aking isipan yung araw na iyon. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at tila nabibingi ako.  Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Sigurado akong sya iyon!  Napalingon sa direksyon ko yung student na nakausap ni coach at nginitian nya ako. Matapos nito ay saka sya nagdiretso na palabas ng faculty office. Nakaawang ang bibig na nilingon ko sya.  "Franz!" Tawag sa akin ni Andrea sabay senyas nya pa sa akin na lumapit ako sa kanila ni coach. Nagmamadali akong lumapit sa kanila ngunit yung utak ko,  occupied pa rin nung lalaking iyon. Sya nga kaya talaga iyon? Tsk, eh ano kung sya nga iyon? past is past! hayst. "Bakit narito kayong dalawa?" Tanong agad sa amin ni coach. "Coach, yung tungkol po kasi sa costume namin." Pag uumpisa ni Andrea. "Ah! speaking of costumes! Nasa gym na yung costumes ninyo at naka-ready na iyon. Diba last week kinuha natin ang sizes ninyo? Naasikaso ko kaagad iyon nung weekends kaya napatahai kaagad at kanina lang naideliver ng nagtahi dito yung mga costumes ninyo." excited na sagot ni coach. Kumikislap kislap pa ang mga mata nya at todo ang ngiti.  "Tsk, itong si coach minsan dragon, minsan butiki." bulong ko kay Andrea dahil sa inaakto ni coach. Hindi naman na bago sa amin yung ugali ni coach. Mabait ito at protective sa amin.. Noon nga nakipagtalo pa sya sa isa naming subject teacher na ayaw pumayag na i-excuse kami sa klase para sa final practice namin. Grabe talaga yun, nakipag pustahan pa sya na kapag nanalo daw kami sa match, everytime na may laban kami, automatic excuse na kami sa klase namin. Grabe yung pressure that time. May point naman si coach na dala namin ang pangalan ng school, somehow nakikinabang sa amin ang school. Naiintidihan ko rin yung subject teacher namin na nakasagutan ni coach na mahalaga pa rin na balanse ang academics namin at ang extra curricular namin. Pero syempre, si coach yan eh. Ang ending, sya yung nanalo sa argument nila that time. Buti na lang at nanalo rin kami nun or else for sure papaulanan kami ng sermon ni coach. "Ano yun Franz?" patay...narinig yata ni coach ang sinabi ko. "Wala po coach, ang sabi po ni Franz ay ang galing nyo po!" Jusko, buti at sinalo ako ni Andrea. Muntikan na ako dun. "Ah opo coach! buti po at mayroon na pala kaming costume! ready na kami sa laban namin next week!" Masiglang dugtong ko naman sa sinabi ni Andrea. "Aba'y syempre ako yata ang coach ninyo" Proud na sambit ni coach. "Yun lang ba ang ipinunta ninyong dalawa rito?" Curious na tanong nya sa amin sabay bukas ng kanyang bag na tila ba may hinahanap... at dahil kabisado na namin si coach, alam na namin ni Andrea ang dapat na susunod na gagawin. "Opo coach. Lalarga na po kami, salamat po ulit." Hindi pa nakakasagot si coach ay nagmamadali na kaming lumabas ng faculty office ni Andrea. "Hoy teka lang, hindi pa ako tapos!" Narinig namin sigaw sa amin ni coach. "Hahahaha lagot tayo kay coach!" Hinihingal na tumatawang sambit ni Andrea. Napahinto kami dito sa hallway kung saan ay may mga estudyanteng naglalakad papasok ng library. "Naku, makakalimutan nya rin yun. Kung hindi tayo tumakbo, tiyak na marami na naman iyong iuutos na ipapabili nya sa atin na pagkain nya. Ang tagal pa naman ng pila sa canteen saka uwian na rin natin. May part time pa ako." Huminga ako ng malalim at unti unting nagnonormalize ang takbo ng paghinga ko. Kanina kasi ay grabe din ang hingal ko. "Oo nga pala! sige Franz una ka ng umuwi. Dadaan pa ko ng library, may nahiram pala akong book na due date na today." Pagpapaalam sa akin ni Andrea. Tumango ako sa kanya kaya nag umpisa na syang maglakad papasok ng library. Kumaway pa ito sa akin upang magba-bye kaya kumaway din ako sa kanya. Nakangiting naglakad na ako palabas ng building namin. Mabuti na lamang at okay na yung costumes namin. Bukas ng umaga ay ichecheck namin iyon at susukatin para kung may problem as atahi ay maremedyuhan agad. Inilabas ko ang cellphone ko upang magchat sa gc namin ng mga kasamahan ko sa cheering squad, para sana iinform sila tunkol sa costumes namin. Naglalakad ako habang nagtatype ng message ko ng ilang sandali pa ay may malakas na busina ang gumulantang sa akin. Nabitawan ko ang aking cellphone sa sobrang pagkagulat ko. Agad ko itong pinulot at iyon, basag ang screen. Sinubukan kong i-on ito ngunit hindi na yata ito gumagana. Nag init bigla ang ulo ko sa inis dahil wala akong extrang pera pamalit ng cellphone ko. Napakimportante pa naman ng cellphone ko lalo na pag kailangan kong makibalita kay Shawn sa mga kapatid ko habang nakaduty ako sa restaurant. Salubong ang kilay na nilingon ko ang driver ng sasakyan na bumusina sa akin. Nakahinti ito kaya agad ko itong nbilapitan. Kinatok ko ang bintana nito dahil wala yatang balak na makipag usap o mag sorry sa akin yung driver.  Nang ibaba nito ang salamin ng bintana ng sasakyan nya... tila nais kong lumubog sa kinatatayuan ko at sana lamunin na lamang ako ng lupa. "Sabi na eh, ikaw nga yan." Sambit nya sa akin at saka ngumiti ito ng tila ba nakakaloko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD