Chapter 2: ASHES from the Past

3166 Words
Year 2019... “Seryoso ba yan dude? Hahaha” Hanggang ngayon ay sige pa rin ang tawa nila Nine at Francis sa kinukwento ko sa kanila about doon sa pagpunta ko ng sinehan para manood sana ng movie nang mag isa ng may makatabi akong magjowa na may milagrong ginagawa. Naglalakad kami ngayon ng aking mga kaibigan patungo sa aming school field upang makapag ensayo kami ni Francis kasama ang aming soccer team. Malapit na kasi ang laban namin sa katabi naming school. Nagtataka siguro kayo kung sino ba ako o ang mga kaibigan ko. Ako nga pala si Ashley Sandoval, 16 years old, nasa first year college na ako dito sa St. Anthony University for the Elites or also known as SAU. Ang mga kaibigan ko ay sina Nine Villafuerte at Francis Delacerna. Kaming tatlo ang magkakasama ever since. Pare-parehas kaming 16 years old pa lamang ngunit nasa first year college na agad dahil accelerated kami. Meaning to say, hindi na kami nagdaan sa senior high school dahil naipasa namin ang test for acceleration. Yes, matatalino kami pero madalas mas nagingibabaw ang kalokohan at katamaran namin, lalo na si Francis. Sya ang pinaka-pilyo sa aming tatlo. Si Nine ang masasabi kong normal sa grupo namin dahil ako, aminado naman akong masama ang ugali ko, just like how my friends describe me as a person. Dahil sa SAU kami nag-aaral, it only means one thing. Mga anak kami ng mga prominente at kilalang mayayaman na tao. Ang parents ko ay may restaurants na pag-aari. Marami ng branches ang restaurants namin sa buong Pilipinas at mayroon na rin kaming branches sa Thailand, Japan, Canada at South Korea. "Kita mo ito, bigla-bigla na lamang na seseryoso at tatahimik, tsk!" Tinulak ako ni Francis papunta sa side ni Nine. Muntik pang mahulog ang bag ko na nakasakbit sa kaliwang balikat ko dahil rito. "Ano ba?" Angil ko sa kanya. Tumayo ako ng maayos at inayos ang aking sarili dahil nasira ang composure ko dahil sa biglaang pagtulak sa akin ni Francis. "Nagrereklamo ka? Kanina lang nagbibiruan tayo tapos bigla kang tumahimik. Ano na ang kasunod ng kwento mo?" Natatawang sambit pa nito sa akin. Napalingon ako kay Nine na nakangising pinapanood lang kaming dalawa. Francis and I? Para kaming aso at pusa kung mag-bangayan at si Nine ang madalas na referee namin lalo na kapag nagkakainitan na kaming dalawa. Kahit na madalas kaming mag-asaran at magtalo ni Francis, hindi ko naman na maikakaila na mahal ko sya. Yes, mahal ko ang mga kaibigan ko. Pare-parehas kasi kaming mga nag-iisang anak kaya wala kaming mga kapatid, kaya ang isa't isa ang naging sandalan namin at takbuhan at parang magkakapatid na aming turingan.  Magkakapatid... Ang sarap pakinggan hindi ba? Pero para sa akin, that concept is both a blessing and a curse. "Oh sya! dito na muna ako sa may bench tatambay habang hinihintay ko si Kuya Leo na sunduin ako." Naudlot ang nasa isipan ko ng marinig ko ang boses ni Nine. Narito na pala kami sa may field. Si Nine ay agad nang pumwesto sa bakanteng upuan sa may gilid ng field. "Mauuna na akong magpalit." Patakbong umalis si Francis at nagmamadaling nagpaalam ng tumunog ang kanyang cellphone. Ni hindi na nya ako nahintay. "Ikaw Ash, hindi ka pa ba magpapalit?" Usisa sa akin ni Nine. Umupo muna ako sa tabi nya. May thirty minutes pa bago ang start ng training namin. "For sure crowded pa sa cr, mamaya na ako magpapalit. Mahaba pa naman ang oras." Simpleng tugon ko sa kanya habang ang mga mata namin ay parehas na nakasunod kay Francis na tumatakbo papasok sa may katapat na building kung saan naroroon ang cr na pinagpapalitan namin ng damit. "Para talagang bata si Francis." Natatawang turan ni Nine. Napapangiting sumang-ayon ako sa kanya. "Kumbaga, sya yung bunso nating kapatid dahil sa ugali nya." Dugtong pa ni Nine. Biglang nabura ang mga ngiti ko ng marinig ko na naman yung salitang 'kapatid'. Yes, para ko silang kapatid na dalawa as I have mentioned kanina... but Francis is a different one. He is more than just that. I know I love him more than just a friend and this pains me more. Hello, may gusto ako sa kapwa ko lalaki at sa best friend ko pa. Sino ba ang nasa tamang pag-iisip para mapunta sa ganitong sitwasyon? Don't get me wrong, I am not a homophobic person. I am open to all possibilities lalo na sa konsepto ng pag-ibig dahil ang parents ko, itinanim nila sa akin yung value of respect and acceptance in terms of human diversity. Actually, isa rin sa reason kung bakit napaka-successful ng parents ko ay dahil hindi sila kakikitaan ng kahambugan o kasamaan ng ugali. Napaka-humble nila kaya ang employees nila ay tapat na naninilbihan sa kanila. Minsan nga naiisip ko, baka ampon lang nila ako. Napakalayo kasi ng ugali ko sa kanila. I don't bother about other people's feelings, yes I do respect them but I do not pay much attention sa ibang tao. I just let them exist. Okay na ako sa pamilya ko at kina Nine at Francis. Wala na akong ibang kailangan pa. Biro nga sakin nila Nine, siguro daw noong past life ko ay isa akong bato, kasi emotionless ako na tao. Baka nga. "Seriously Ash, napaka-weird mo lately" Pagpuna ni Nine sa akin. Akmang hahawakan pa nya ako sa aking noo para siguro hipuin kung may sakit ba ako ngunit mabilis akong nag-iwas. I don't like the idea of being touched, yung nai-invade yung personal space ko... well except Francis. I let him do whatever he wants pero ayun, manhid yung isa. Hindi nakakahalata. "Oo naman, may iniisip lang ako." Napa-buntong hinginga ako dahil kahit pa best friend ko si Nine, I am not comfortable na ikwento sa kanya yung kinakaharap ko ngayon lalo na at napapansin kong mukhang may nililigawan na si Francis. Napapansin ko kasing madalas itong may kausap sa cellphone. Gaya kanina, tumunog lang ang kanyang cellphone ay nagmamadali na itong umalis upang mag-asikaso. "Oh sya, sabi mo eh." Kibit-balikat na tugon ni Nine. Hindi na nya ako kinulit pa, kabisado naman nya ako na hindi ako magkukwento not unless ako yung magkukusang mag-open up. "Magbibihis na ako, dito ka lang ba talaga tatambay?" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Oo dito lang ako, wala pa naman si Kuya Leo para sunduin ako. Mamaya pa yun dadating." Pagtukoy nya sa personal driver nya na naghahatid-sundo sa kanya. Tumango ako sa kanya saka naglakad patungong cr. Nakita ko si Francis na nagwawarm up na kasama ang iba naming team members. Tsk, ayoko naman talagang sumali sa mga ganitong activities kaso dito kasi sa SAU, kailangan mayroon kaming kahit isa na group or club na sasalihan for our extra-curricular activities. Ayoko namang sumali sa club nila Nine na tungkols a pagrerescue ng stray dogs. Mainit, maingay at magulo yung activities nila. Palaging crowded dahil sa mga activities nila outside sa school, madalas naga-outreach program pa sila unlike dito sa soccer, forte ko ang soccer at kasama ko dito si Francis, at least I don't have to worry myself about making new friends. Papasok na ako ng building kung saan ako magbibihis ng makita ako ni Francis. Kumaway ito sa akin sabay sigaw na bilisan ko na daw. Nag thumbs up lang ako sa kanya bilang sagot. Papasok na ako sa cr ng may makasalubong akong dalawang lalaki na iba ang uniform na suot. Halatang taga-ibang school sila. Napa-kunot ang aking noo ng mapansin na nagtutulakan sila na tila ba yung isa ay nahihiya at yung isa naman ay sige ang pilit sa kanya. Napahinto ako sa paglakad dahil nakaharang silang dalawa sa dadaanan ko. Napalingon ako sa paligid ko, buti walang ibang students na naririto. At least, if ever na awayin ko itong dalawa na nasa harap ko, walang witness lalo na ngayon na nasasagad na nila yung pasensya ko. "Baka gusto nyong tumabi ng makadaan ako?" Mahihimigan ang cold treatment ko sa kanila which causes them to back off a little. Natakot siguro dahil sa way rin ng pagtitig ko sa kanilang dalawa. Napansin kong bumulong yung isang lalaki sa kasamahan nyang lalaki pero mukhang babae dahil baby face ito. Maliit ang mukha nya, blue ang kulay ng mga mata nya. Cute sya pero wala akong pakialam sa existence nilang dalawa. Akmang lalakad na ako papasok ng cr dahil tumabi na sila sa may gilid ng daan ngunit biglang nagsalita yung cute na lalaki. "Ah may sasabihin po sana ako sa inyo" Halata ang kaba sa boses nya. Napapakamot pa sya ng ulo at halatang nag-aalanagn sya sa gagawin nya. Naiirita na ako dahil sino ba sila at naririto sila? "Sino ba kayo?" Nauubos ang pasensyang tanong ko. Sasagot pa sana yung cute na lalaki. Napalingon ako sa dala nito. May hawak itong paper bag. Teka, iniaabot nya ba sa akin yung dala nya? "Ibibigay ko po sana ito sa inyo." Nakatungong sambit nung cute na lalaki. Yes, nagugulat na nagtataka ako sa gestures nya, naiinis ako sa totoo lang pero he is too cute kaya medyo nababawasan ang pagkairita ko. Sumilay ang pilyong mga ngiti ko ng mahimigan ko kung ano ba ang rason at bakit naririto sila. Hinawakan ko yung cute na lalaki sa kanyang mukha upang iangat ito at matitigan ko syang mabuti. Napasulyap pa ako sa kasamahan nyang tahimik na nago-obserba sa aming dalawa. Namumula ang mukha nung cute na lalaki. Napadako ang paningin ko sa suot nyang ID lace. Napataas ang kilay ko ng mabasa ko ang pangalan ng school kung saan sila nag-aaral. Public school?  Napangisi ako. Mga taga-public school, mga outsider na malalakas ang loob na pumasok sa university namin? Tiningnan ko ang ID card ng lalaking nasa harapan ko. Nakakatawa sya, halos parang hindi na sya humihinga sa kaba siguro na nararamdaman nya. "Grade 10 ka?" Namamanghang tanong ko sa kanya. Napansin kong hindi na sya mapakali dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. I am enjoying this.  Hindi ko maipaliwanag pero nage-enjoy ako sa ginagawa ko sa kanya. Tumango lamang sya sa tanong ko. Hindi ko napigilang tumawa. Napalingon sa akin si cute little boy at ang kasama nyang lalaki na tila ba nagtataka sila sa inaasal ko ngayon. "Akala ko elementary ka pa lang." Simpleng sambit ko. "Anyways, would you mind if bigyan mo muna kami ng private space nitong si cute little boy? Mag-uusap lang kami. Don't worry, harmless ako." Nakangiting sabi ko sa kaibigan nya na nanonood sa aming dalawa. Napalingon yung lalaking nasa harapan ko sa kanyang kaibigan at saka ito tinanguan na tila ba pagbibigay senyales na okay lang sa kanya na maiwan muna saglit dito kasama ako. "Ayokong may audience." Sambit ko pa doon sa lalaki. "Doon lang ako sa may labas, hintayin kita" Pagpapaalam nya sa kabigan nya saka lumabas na ng tuluyan. "Ngayon, tayong dalawa na lang ang nandito. Care to explain bakit ninyo ginagambala ang oras ko?" Dahil walang tao ay malakas ang loob ko sa ginagawa ko sa lalaking nasa harapan ko. He is too cute and he seems to be so soft which amuses me more. Mas lumapit pa ako sa kanya, sya naman ay umatras pang muli hanggang sa ma-trap ko na sya sa may pader na sinasandalan nya. Ramdam ko ang bilis ng kanyang paghinga dahil siguro sa kaba. Biglang uminit ang paligid. Napatitig ako sa mga mata nya. Aaminin ko, tila kumakalma ang nasa loob ko sa tuwing napapatitig ako rito. Siguro dahil kulay asul ang kanyang mga mata, parang dagat na nakakalma. Nakakapagtaka... paano akong kakalma sa piling ng isang estranghero? "Sasagot ka o mananatili kang tahimik? Tumatakbo ang oras ko." I gave him a warning look. Napalunok sya sa tinuran ko. "Ka..kas..kasi.." Uutal-tal na pag-uumpisa nya. Napatungo ang aking mga mata sa paper bag na dala nya na syang nagsilbing harang sa pagitan ng mga katawan namin. Napansin ko ang card na nakalagay sa paper bag na dala nya. Humiwalay ako sa kanya upang kunin ang card na iyon. Binasa ko ang nakasulat rito. My heart skips a beat. It's a love letter. My name is written on it. I was taken aback. How come na ang isang stranger na nasa harap ko, nagawa nyang sumulat ng love letter para sa akin. Aaminin ko, weird pero it warms my heart. I used to believe that I am an evil person so how come na bigla na lamang may lilitaw sa harap ko, with his love letter for me? I know I get excited with this pero mas nangibabaw yung evil side ko. Maybe kaya sya interested sa akin ay dahil mayaman ako. Taga-public school sya, for sure anak mahirap. Siguro kailangan nya ng tao na magagamit nya para huthutan ng pera. Napangiti ako ng mapakla ng maisip ito. Then sudeenly, napalitan ng galit yung nararamdaman ko. Naglakad ako patungong pinto, isinara ko ito at siniguradong naka-lock ito. I just have to make sure na walang ibang makakakita ng gagawin ko. Pagbalik ko sa kanya, I pinned him sa wall kung saan sya nakasandal kanina. "What does this mean?" Tanong ko sa kanya tungkols a love letter na nakita ko. "Makikipag kaibigan sana ako sa iyo. Madalas ka kasi naming makita ng mga kaibigan ko sa..." Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil agad ko syang hinalikan. I caught him off guard. So matagal na rin pala nya akong sinusundan-sundan? Ang talino ng strategy nya pero hindi nya ako maloloko. I gave him an aggtressive kiss. Hindi sya halos makasabay sa halik na iginagawad ko sa kanya. Itinigil ko sandali yung paghalik sa kanya upang makasagap kami parehas ng hangin. Kapwa kami hinihingal. Namumula ang kanyang mukha. Halata ang pagkabigla nya. Nabitawan pa nya ang hawak nyang paper bag kanina. Magsasalita pa sana syang muli when I decided to kiss him again. Alam kong kasinungalingan ang lalabas sa bibig nya. That's what people are good at... mag sinungaling to get what they want and in his case, it is clear what he wants. One thing I am sure of right at this very moment. I will teach him a lesson na hinding hindi nya makakalimutan. Gumapang ang kamay ko na nakahawak sa braso nya patungo sa kanyang dibdib at unti unting binubuksan ko ang butones ng kanyang uniform. I thought he will give in to this. I mean, he is desperate, he might go with it pero isang malakas na pagtulak ang ginawa nya. Muntik pa akong ma-off balance dahil dito. Habol ang hininga na isinara nyang muli yung mga butones na nabuksan ko na kanina. Gamit ang kanyang kamay ay nagpunas sya ng kanyang bibig, tila ba nandidiri sya sa paghalik ko sa kanya. Is this is his way of insulting me? Napansin kong nangingilid ang mga luha sa mga mata nya. Tama, yan ang dapat sa mga kagaya nya. "Hindi mo ako kailangang babuyin. Hindi kita pinupwersa na tanggapin ako dahil hindi naman tayo magkakilala in the first place. Unang beses ito na magpapakilala sana ako sa iyo ng pormal." Inayos nya ang suot nyang uniform. Namamangha ako sa inaasta nya sa harap ko ngayon. Nakakatawa dahil sya itong outsider, sya itong stranger na biglang lumitaw sa harap ko na may dalang love letter tapos sya pa itong galit? Wow. Naglakad akong muli palapit sa kanya. Ayoko sa lahat yung ako yung dinodominante. I should be the dominant one. I am teritorial. I am dominant. I gave him a smirk as I walk closer to him. Napapikit sya sa paglapit ko ng aking mukha sa mukha nya. Akala nya siguro ay hahalikan ko syang muli. "You should know better, my cute little boy. Sa tingin mo ba magkakainteres ako sa kagaya mo? Huwag ka ng umasa pa. We will not be friends, we will not be lovers. Tandaan mo yan." Bulong ko sa kanya saka ko sya binitawan. Walang lingon na naglakad ako papasok ng cubicle upang makapag bihis na. For sure, mapapagalitan ako ni coach dahil sa tagal kong magbihis. Nasa loob na ako ng cubicle at nagbibihis ng marinig ko ang pagbubuksa ng pinto ng cr. Seems like lumabas na at umalis na si cute little boy at ang kanyang kaibigan. Tama lang naman ang ginawa ko, after all siguradong infatuation lamang nag nararamdaman nya para sa akin. Imposibleng mainlove sya sa akin ng hindi naman nya nakikilala kung sino talaga ako. Aside from that, he should be greatful, hindi ko sya binasted sa harap ng ibang tao, not even sa harap ng kaibigan na kasama nya. I am not that heartless. ---- "Hoy Ashley! Sinasabi ko talaga sa iyo, kapag na-late ka pa ulit sa training natin, hindi na kita sasaluhin kay coach. Pati ako nadadamay sa punishment nya." Pagrereklamo sa akin ni Francis. Kakatapos lamang ng aming training. Nauna ng nakauwi si Nine. At heto kasama ko ngayon dito sa parking lot ng university si Francis at sige ang reklamo nya dahil nadamay sya sa punishment sa akin ni coach kanina. "Sino ba kasing nagsabi na magpaliwanag ka kay coach on my behalf?" Bored na tanong ko kay Francis. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa aking bulsa. "Grabe, hindi ka na nga nag-thank you sakin eh. Ang sakit tuloy ng katawan ko" Paghihimutok pa nya. Tsk, pano ba ako nagkagusto sa kanya, ang ingay at ang daldal nya masyado. Nang mabuksan ang sasakyan ay kapwa na kami sumakay. Ako ang nasa driver's seat at sya naman ay nasa passenger's seat. "Lalo akong napapagod sayo, ang ingay mo" sambit ko sa kanya sabay start ng sasakyan. Akmang magrerekalmo pa sana sya ng tingnan ko na sya ng masama. He motioned as if he is zipping his mouth. "Kung pagod ka, mas pagod ako dahil ako pa ang nagmamaneho dito, kamahalan" sumbat ko sa kanya. Natawa naman sya sa tinuran ko. Dahil sa pagiging pasaway ni Francis, his parents decided na bawiin ang sasakyan nya to teach him a lesson. Madalas kasi itong lumalabas sa gabi para mag-bar kasama ang iba nyang mga kaibigan. Maliban kasi sa soccer ay mahilig rin syang mag basketball kaya yung mga members ng basketball team sa SAU, kahit hindi sya kasali sa team nila, ay nakakalaro nya ang mga iyon at naging kaibigan na rin nya. Social butterfly kasi itong si Francis. Total opposite kaming dalawa. Dahil wala syang sasakyan at nakaka-minus pogi points daw sa girls kung magco-commute sya, nakiusap syang sasabay na lamang sya sa akin sa pagpasok at pag uwi since hindi naman out of the way yung area nya. Hindi naman ako maktanggi sa kanya kaya pumayag na rin ako. Kapwa na kami tahimik ni Francis sa byahe. Sya ay abala sa pagpindot sa kanyang cellphone, tila may kausap na naman sya at napapangiti pa sya sa binabasa nyang mensahe. Ako naman, naglalakbay ang aking isipan sa nangyari kanina. Napapaisip ako...Though I hate to admit this, pero kumusta na kaya si cute little boy matapos ang rejection na ginawa ko sa kanya kanina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD