"Sabi na eh, ikaw nga yan." Sambit nya sa akin at saka ngumiti ito ng tila ba nakakaloko.
Tila nglo-loading pa yung utak ko sa nangyayari ngayon. Nakatangang nakatitig ako sa kanya. Ilang milyong beses kasi na inimagine ko noon kung ano ang gagawin ko once na magkita kaming muli, pero heto at nasa harap ko sya and my stupid self, hindi ko malaman paano ako magrereact sa harapan nya.
Tsk, Ano ba yan Franz! Sabi mo ipapamuka mo sa kanya na mas strong ka na at hindi na ikaw yung Franz, two years ago! Pagrereklamo ko sa sarili ko.
Nireready ko pa lamang ang sarili ko para sa isang pang-malakasan na resbak sa taong ito dahil sa ginawa nya sakin two years ago when he snaps his fingers at me. Napakayabang pa rin hanggang ngayon.
Dahil sa ginawa nya, walang sabi-sabi na ibinato ko sa kanya yung cellphone ko na nabasag. Basag naman na, edi gamitin ko na lang pambato sa kanya.
Nagulat sya sa inasta ko. Napatingin na rin yung ibang mga estudyante na napapadaan at napapalingon sa direksyon naming dalawa.
Paanong hindi kami pagtitinginan eh agaw atensyon yung sasakyan nya na halatang pang mayaman.
"Aray ha" reklamo nya. Pasalamat nga sya at sa dibdib nya naglanding yung cellphone ko at hindi sa mukha nya mismo.
"Hindi kita kilala pero yung cellphone ko, nabasag dahil sa iyo kaya palitan mo yan" Maotoridad na sambit ko sa kanya. Wala akong balak na umamin sa kanya kung sino ako at kung naaalala ko ba sya. Mas mabuti pang magpanggap na hindi ko sya kilala tutal sigurado naman akong hindi na kaming magkikitang pang muli.
Natawa sya sa sinabi ko saka nya pinulot yung cellphone ko na ibinato ko sa kanya. Nagtanggal sya ng seatbelt nya. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng buksan nya ang pinto ng sasakyan nya at ng magdesisyon syang lumabas upang harapin ako.
Hindi ko maipaliwanag pero ang bilis sobra ng t***k ng puso ko. Grabe yung kaba ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung kaba ba ito dahil nagkita kaming muli, kaba dahil natatakot ako sa kanya, nagagalit ako sa kanya o kaba dahil nae-excite akong nakita ko syang muli. Hindi ko maipaliwanag, basta ang alam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
Nang makalabas na sya ng tuluyan ay walang sabi-sabi na hinawakan nya ang ulo ko. He pat my head sabay tawa ng bahagya.
"Chill, mas lalo kang nagiging cute kapag umuusok yang ilong mo sa galit." He lowered his face, nagtama ang mga mata namin then he smiled sweetly at me as if close kami sa isa't isa.
Napaawang ang bibig ko sa inaasal nya sa harapan ko. Napakalayo nito sa lalaking nakaharap ko two years ago. Mabilis rumehistro sa isipan ko ang mga nangyari noon.
Umatras ako upang makalayo sa kanya.
"Excuse me pero hindi kita kilala. Pwede bang umayos ka? Ka-lalaki mong tao, ganyan ka makipag-usap sa kapwa mo lalaki?" He scoffed at me matapos marinig ang sinabi ko.
"Sure kang hindi mo ko naalala, my cute little boy?" He smirked at me sabay sandal sa kanyang sasakyan. Nag cross arms pa sya na tila ba hinahamon ako sa charade na nilalaro ko sa harapan nya.
I decided na wag na syang patulan pa. Mas mahalaga sa akin yung cellphone ko na nabasag dahil sa kanya.
"Wala akong oras na makipalaro sayo." Kunwari ay sinipat ko ang uniform na suot nya.
"Taga-St. Anthony ka. For sure mayaman ka kaya wala kang pagpapahalaga sa oras mo, wala kang trabaho na kailangang habulin hindi kagaya ko n amay part time job na maaaring mawala sa akin sa mga oras na ito dahil late na ako. Kaya pwede ba, palitan mo na lang yung cellphone ko? Sigurado akong sisiw lang sayo ang palitan ang cellphone ko na nabasag dahil sa reckless driving mo." Matapang na sagot ko sa lalaking nasa harapan ko na tila ba nage-enjoy na nakikitang nagagalit ako sa harap nya.
Maya-maya ay tumalikod sya at may dinukot sa loob ng kanyang bag na nakalagay sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Kapag kuwan ay humarap sya sa akin sabay abot ng isang atm card.
"Do you accept cards? Hindi ko kasi ugaling magdala ng cash" Tila nainsulto ako sa sinabi nya. Malinaw na minamaliit nya ako, gaya noon.
Kinuha ko yung atm card na inabot nya sa akin. Nginitian ko sya sabay bukas ng bag ko. Hinanap ko ang gunting na nasa bag ko at ng makita ko ito ay sa harap nya mismo, ginupit ko yung atm card na iniabot nya sa akin.
Ine-expect ko na magwawala sya or magagalit sya pero hindi iyon ang nangyari. He suddenly laugh as if nakakatawa yung ginawa ko. Like hello? nakakapanghinayang kaya yung atm card. Magkano kaya laman nito?
"You never failed to amuse me." Napapunas pa sya ng kanyang mata dahil halos naluluha na sya sa pagtawa nya. Maya-maya ay dinukot nya sa kanyang bag ang isang cellphone. Ialng minuto na nagpipindot sya rito at saka ito iniabot sa akin. Nagtataka na nakatingin ako sa kanya.
"Oh heto, for sure hindi mo ito magugupit." Sambit nya sabay abot ng kanyang cellphone.
"Binura ko na yung laman nyan, tutal lumang cellphone ko na yan, sayo na lang kapalit nitong android phone mo." Ipinakita nya pa sakin yung cellphone ko na basag ang screen.
"If ayaw mo nyang lumang iphone ko, bukas babalik ako dito, ihahatid ko sayo yung bagong phone mo. Tutal sabi mo nga may part time job ka pa na hinahabol, wala ka ng extra time para mahintay pa yung bagong phone mo today, wala rin naman akong cash dito, ayaw mo naman yung atm card ko. So, okay na ba yang naisip kong solusyon for now?" Nakangiting turan nya samantalang ako. Napakurap kurap pa ako dahil namamangha ako sa inaasal nya. Napakalayo sa taong nakaharap ko two years ago.
"Ikaw bahala. Uuna na ako." Yun lang ang sinabi ko matapos kong tanggapin ang lumang iphone nya. Nagmamadaling naglakad na ako palabas ng campus.
Tsk, bahala sya. For sure hindi naman sya babalik kaya tinanggap ko na lang itong lumang phone nya kaysa matagalan pa ko sa pakikipag argumento sa kanya.
Magpapaturo na lamang ako sa mga katrabaho ko sa kung paano ba gamitin itong iphone na ito.
---
"Bakit ka naman late ngayon? LAam mong naka-leave si ate Clara mo today." Litanya sa akin ng manager namin. One hour akong late dahil sa aberyang nangyari kanina sa school.
"Sorry po ma'am, hindi na po mauulit." Paghingi ko ng pasensya sa kanya. Mabait si Ma'am Lea bilang manager kaya naiintindihan ko na pinapangaralanan nya ako ngayon dahil kasalanan ko naman talaga na na-late ako.
"Oh sya, basta hindi na sana ito maulit pa. Magpalit ka na ng uniform para makapag break na si Carlo. Hindi pa yun kumakain dahil wala ka pa, sya ang sumalo sayo mula kanina." Iyon lamang ang sinabi ni Ma'am Lea at saka sya lumabas na muli ng kitchen.
Nagmamadaling pumasok ako ng cr upang makapagbihis na. Napahinto ako saglit s aharap ng salamin upang ayusin ang istura ko. Nag hilamos ako ng mukha saglit dahil ang oily ko na. Napatitig ako sa sarili ko habang pinupusan ko ang aking mukha. Natawa ako ng mapakla ng maalala ko yung sinabi nya sa akin two years ago...
"You should know better, my cute little boy. Sa tingin mo ba magkakainteres ako sa kagaya mo? Huwag ka ng umasa pa. We will not be friends, we will not be lovers. Tandaan mo yan." Bulong nya sa akin saka wlang lingon na iniwanan nya ako.
Grabe yung araw na iyon. Birthday ko that day nang samahan ako ni Shawn na magpunta sa St. Anthony upang hanapin yung first love ko. Plano kasi naming tutulungan ako ni Shawn na mag confess sa kanya. Ilang linggo kaming nag practice ng kanta na kakantahin ko sa araw ng confession ko kaso sabi ni Shawn, mas mabuting magpakilala muna ako at kaibiganin ko muna yung lalaking nagugustuhan ko bago ako mag confess kasi ang weird nga naman na hindi nya ako kilala tapos bigla akong magcoconfess sa kanya. What if homophobic pala sya diba? So ayun, pumayag ako sa suggestion ng best friend ko. Aaminin ko, I was so immature back then. 16 years old pa lang ako that time.
Nakapasok kami ni Shawn sa university na iyon. Nakaharap namin sya at doon nga nangyari yung biggest rejection sa akin ng first love ko. Aaminin ko, grabe yung iyak ko that time. Ni-reject ako sa araw mismo ng birthday ko. Hindi pa nga sana ako magcoconfess that day, makikipag kaibigan pa lang sana ako kaso advance yata mag isip nung lalaking iyon at rejection agad ang isinukli nya sa akin.
Eh sino ba kasi yung nas atamang pag iisip na makikipag kaibigan palang pero may loveletter nang dala-dala. Panunuya sa akin ng aking isipan. Natatawa ako ng maalala ko iyon. Oo nga noh? Bakit ko ba naisipang gawin iyon? Hayst, Franz... deserve mo talaga yung nangyari sayo noon.
Kakatapos ko lang mag-ready ng sarili ko ng makarinig ako ng kumakatok sa cr.
"Franz, tapos ka na ba? Kanina pa ko napo-poop" Binuksan ko kaagad ang pinto ng cr at nagmamadaling pumasok naman si Kuya Carlo.
"Ikaw muna sa table 13. Nasa kitchen nailapag ko yung orders nila." Sigaw sa akin ni Kuya Carlo.
"Sige kuya ako na po ang bahala" Pasigaw rin na sagot ko sa kanya since nakasara na ang pinto, baka hindi nya ako marinig.
Nagmamadaling inasikaso ko na yng order ni table 13. Nang masigurado kong complete na ay lumabas na ako para dalhin kay table 13 yung orders na food.
Malayo pa lamang ay napansin kong isang lalaki ang nakapwesto roon. Ang dami nung food na inorder nya pero mag-isa lang sya? Nagtataka na tanong ko sa sarili ko.
Ah siguro nag-cr yung ka-date nya.
"Here's your order Sir." Nakangiting bungad ko sa lalaking naka-shades at abalang nagbabasa ng dyaryo. Hindi ko masyadong masipat ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng dyaryo na binabasa nya. Isa-isa kong inilapag sa mesa nya ang mga pagkain na inorder nya. Nang matapos ay tumungo ako upang magpaalam na ng bigla syang magsalita.
"Where is your manager?" Nang marinig ko ang sinabi nya bigla akong nataranta. Sa trabaho kasi namin bilang waiter... kapag hinahanap ng customer ang manager, it could be of two reasons. Pinapatawag nya para purihin ito o ipinapatawag nya dahil may irereklamo sya sa service namin and 90% of the time, reklamo ang reason bakit naipapatawag ang manager namin.
"Excuse me po sir?" Tanong ko sa customer namin upang iklaro kung tama ba ang narinig ko.
"You heard me right?" Saka sya nag alis ng kanyang shades at ibinaba ang dyaryong kanina ay binabasa nya.
Abot abot ang pagtitimpi ko ng mabungaran ko ang pagmumukha ng customer namin dito sa table 13. Isang pekeng ngiti ang iginawad ko sa kanya.
"May problema po ba tayo sir, may mali po ba sa orders?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. He seems to enjoy every second na naiinis nya ako.
"Wala naman, gusto ko lang makausap yung manager ninyo" He smiled at me.
"Sana all, hindi busy sa buhay" Bulong ko sa sarili ko saka tumalikod ako sa kanya upang tawagin si Ma'am Lea.
Naglalakad na ako palapit ng counter ng makita ko si Kuya Carlo. Pakiramdam ko nakakita ako ng anghel kaya agad akong lumapit sa kanya. Napayaka[p pa ako saka nag puppy eyes para tumalab yung irerequest ko sa kanya.
"Kuya, ikaw na lang sa table 13? Sige na... kahit na mag under time ka today, ako ng bahala sa pagsalo sayo. Please kuya" Nag pout pa ako para magpa-cute kay Kuya Carlo. Natatawa naman ito sa inaasal ko.
Dito sa trabaho ko, alam rin nila na gay ako pero maswerte ako kasi hindi iyon naging hadlang para tanggapin nila ako sa part time job ko na ito.
"hay naku bunso! bakit, may amazona ba sa table 13? Kanina mabait naman yung cutomer doon" Ginulo nya ang buhok ko saka kinuha yung menu na hawak ko.
Ikukwento ko na sana kay Kuya Carlo yung nangyari sa table 13 nang halos mapatalon ako sa pagkagulat ko ng biglang sumulpot out of nowhere yung lalaking nasa table 13 knaina.
"I told him na gusto kong makausap ang manager ninyo." Madilim ang mukhang sambit nito kay Kuya Carlo. Napalunok ako sa takot ng tapunan nya ako ng tingin na akala mo gusto nya akong patayin.
Parang kanina lang todo ngiti pa sya sa pang-iinis nya sa akin pero heto sya ngayon, akala mo ay may papatayin na tao. Ang bilis mag switch ng mood.
"Ah yes po Sir? Good afternoon po. Ako po si Miss Lea, ang manager ng restaurant na ito." Sumingit na si Ma'am Lea sa usapan namin. Sinenyasan naman nya kami ni Kuya Carlo na asikasuhin na muna namin yung ibang tables.
Agad kaming tumalima ni Kuya Carlo sa utos ni Ma'am Lea. Sinundan ko pa sila ng tingin ng maglakad na sila ni Ma'am Lea pabalik sa table 13.
"Mamaya mo nalang ikwento yung nangyari bunso" Sambit ni Kuya Carlo sa akin sabay kindat pa nya.
Masarap rin sa pakiramdam na dito sa trabaho, may para akong kuya na masasandalan. Tumango ako sa kanya bilang pag sang ayon.
Ilang minuto ang lumipas. Halos hindi na kami magkanda-ugaga sa dami ng customers today. Halos nawala na nga sa isipan ko si table 13.
"Franz, halika saglit." Tawag sakin ni Ma'am Lea. Lumapit ako sa kanya kapag kuwan.
"Iabot mo ito kay table 13. Special request nya kasi na ikaw ang magserve sa kanya ng order nyang cupcake." Napatingin ako sa food tray namin na may lamang isang pirasong cupcake?!
Nakakaloko talaga... anong trip nun?
"Cupcake lang po ba ma'am or may nakalimutan pa po tayo sa order nya?" Baka kasi mamaya may nakalimutan pa pala kami.
"Hahaha wala, yan lang ang additional order nya." Nag aalangan akong lumakad patungo sa table 13. Pakiramdam ko mapagti-tripan na naman ako nung lalaking iyon.
"Sige na, tiyak mabait yun si Sir Sandoval since kilala ang mga magulang nya na mababait na tao. Anak sya ng isang business tycoon dito sa Pinas. May-ari ang parents nya ng isang sikat na restaurant. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa kanya. Malay mo, matuwa sila sa restaurant natin, diba?" Mas lalo naman akong napressure sa nalaman ko mula kay Ma'am Lea.
Ganun pala sya kayaman talaga. No wonder, kaya pala may pagka-brat ang ugali nya though sabi ni Ma'am Lea, mababait daw ang mga magulang nito.
Naglakad na ako patungo kay table 13.
"Here's your cupcake, Sir." Nakangiting turan ko sa kanya.
Hindi sya nag-abalang tingnan ako. Naghintay ako ng ilang segundo kung may iuutos pa sya sa akin kaso mukhang wlaa naman na kaya hahakbang na sana ako para umalis ng bigla syang nagsalita.
"Have a seat."
Eh? Have a seat? Ako? Napalingon pa ko sa paligid namin dahil baka hindi naman ako yung tinutukoy nya. Napansin nya yata ako kaya nag-angat sya ng tingin saka ako bored na sinabihang ako raw ang tinutukoy nya.
Alanganing umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat nya.
"Actually sir, bawal po kasi sa amin na..."
"Ipinagpaalam na kita sa manager mo." Pagputol nya sa kung ano man yung sasabihin ko sana pero dahil ipinagpaalam nya nga ako kay Ma'am Lea ay walang magawa na umupo na lang talaga ako sa harap nya.
Gusto ko sanang magmaldita sa harap nya pero ayokong mawalan ng trabaho kaya titiisin ko na lamang ang pakikipag-plastikan ko sa kanya.
"Wala ka bang sasabihin?" Pag-uusisa nya sa akin.
Baliw ba sya? Ano namang sasabihin ko sa kanya?
"Po?" yan lang ang naisagot ko. Sarp barahin eh. Ako ba may gustong umupo sa harap nya? Wala naman akong sasabihin sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako naalala?" He leaned forward habang nakapangalumbaba ito na tila ba tinititigan ang aking mukha. Na-conscious ako sa ginagawa nya kaya naiilang na umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Kanina ko lang po kayo nakita Sir." Aamin ba ako sa kanya o magpapanggap pa rin na hindi ko sya kilala? Saka bakit ba ang big deal bigla sa kanya yung idea na kilala ko ba sya o hindi? For all I know, two years ago, halos mandiri sya sa akin, he didn't even bother na alamin o pakinggan kung sino ba ako nung panahon na sinubukan kon g makipagkilala sa kanya.
Ngumisi sya ng marinig ang sagot ko. Halatang hindi sya kumbinsido sa sagot ko.
"Sige, kung yan ang sagot mo, Franz." Saka sya umayos ng upo at naka cross arms na nakasandal sa kanyang kinauupuan.
He caught me off guard. Alam nya ang pangalan ko? Two years ago, hindi ko nagawang ipakilala ang sarili ko kahit pa ang sabihin ang pangalan ko.
Tsk, malamang tinanong nya kay Ma'am Lea.
Mabilis kong naibalik ang composure ko ng maisip kong malabong makilala nya ako without asking Ma'am Lea.
"Sabi ko kanina bukas ko pa maihahatid yung bagong phone mo, kaso baka kasi hindi kita mahagilap sa campus ninyo bukas sa dami ng tao doon. Masyadong mainit at crowded." See? wala pa rin syang pagbabago.
"Hindi ko naman sinabing bilhan mo ako ng bagong phone kaya hindi ka obligadong bumalik sa loob ng isang public school na mainit at crowded." Sarcastic na sagot ko sa kanya.
Sorry po Ma'am Lea, nagpipigil naman po ako kaso yung kaharap ko dito, masyadong mayabang.
"Basta, ito yung phone mo. Nandyan na rin ang sim card mo. Yung lumang phone mo, heto ibabalik ko rin sayo." Seryoso ang mukha nitong sambit nito sa akin.
"Sandali, kukunin ko sa bag ko yung iphone mo para maibalik ko." Pagpapaalam ko sa kanya. Hindi naman ako nainform na ito pala talaga ang main reason bakit sya naririto. Hindi na ko nagulat ng husto na nandito sya o nalaman nya kung saan ako nagtatrabaho, wala naman yatang imposible sa mayayaman.
"Sayo na rin iyon. Pambawi ko man lang sa nagawa ko sa iyo." Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya.
Yes, aaminin ko, may parte sa akin na umaasa na sana marinig ko mula sa kanya na nagso-sorry sya sa akin dahil doon sa ginawa nya sa akin two years ago. Pero hindi ko inaasahan na magso-sorry sya sa ganitong paraan.
"Nagsosorry ka dahil sa nangyari kanina sa campus sa pamamagitan ng pagbili ng bagong phone at pagbibigay sa akin ng iphone mo?" Paglilinaw ko sa kung ano yung specific na nagawa nya na inihihingi nya ng sorry ngayon.
Baka kasi mali lang ako ng interpretation sa sinabi nya. Baka hindi naman ito konektado sa pambabasted nya sa akin two years ago.
Hindi nya lang ako binasted that day. He stoled my first kiss too at big deal sa akin iyon.
"Kasama na rin yung nagawa ko sayo two years ago."
Upon hearing it from him. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napalingon pa yung ibang customers na malapit sa amin. Walang imik na naglakad ako papasok ng pantry namin upang kunin yung iphone na nasa bag ko at saka nagmamadali akong naglakad pabalik sa pwesto nya. Ramdam ko yung adrenaline ko sa mga oras na ito.
Napaka-walang hiya nya para humarap sa akin at para ipamuka sakin na mayaman sya at mahirap ako at yung impleng sorry, hindi nya magawa not unless gagamitan nya ng materyal na bagay?
"Oo ako nga iyon." Maikling sambit ko sa kanya sabay pabalgbag na inilapag ang iphone nya sa may table.
"Sayo na yan at umalis ka na rito. Hindi mo ako madadaan sa pera mo, mayaman ka nga pero masama naman yang ugali mo." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Agad ko na syang tinalikuran.
Bahala na kung masisante ako dahil sa ginawa ko. Nawalan na nga ako ng cellphone, mukhang mawawalan pa ako pati ng trabaho.