"Lilith, have you seen the news?" Kunut-noong bumangon si Lilith. Binuksan niya ang lamp sa katabi ng kama niya at kumiling kay Meg. "Anong news?" Nagpamewang si Meg sa may pinto. "It's about you! May issue tungkol sa photoshoot mo with ITrends." Tuluyang nagising ang inaantok na diwa ni Lilith. Dali-dali siyang tumayo at padabog na pumunta sa sala kung nasaan ang TV. It's been a day since Cas and Lilith came back to the urban city but news had already spread like wildfire throughout Manila. Labis ang panlulumo ng dalaga. Sino bang maaaring mag-tap ng impormasyon tungkol sa naganap sa resort gayong walang ibang tao doon kundi mga taga-ITrends lang. Imposible namang may isa sa kanila ang nagsumbong sa media gayong kasiraan ito ng kompanya. Hindi rin naman maaaring mga kakilala niya sa

