Malamig ang umaga ngunit ramdam ni Lilith ang mainit na katawang nakabalot sa kanya na parang kumot. Hindi pa man nakadilat ang mga mata ay nakangiti na siya. What could be more amazing than waking up next to someone so special to you... someone who meant the world to you... someone you truly love? "Good morning, baby," Cas whispered behind her ears. "Good morning too." Umayos si Lilith ng pagkakahiga sa sopa - o sa matigas na dibdib ng kasintahan. "Gising ka na rin pala." Mahinang tumawa si Cas habang nilalaro ang ilang hibla ng buhok ni Lilith. "Actually, kanina pa ako gising. Hindi lang ako makabangon kasi may nakadagan sa 'kin." Napasimangot si Lilith. "Gano'n? Sana pala lumipat ka na lang sa kuwarto mo para hindi kita na-istorbo." Padabog siyang tumayo at akmang lilipat sana sa k

