Sa tunog ng makulit na cellphone unti-unting nagising si Lilith. Kinapa niya ito sa kama pero hindi natagpuan. Ngunit nang muling mag-ring, tuluyang dumilat ang mga mata niya nang mapagtantong nasa paanan pala ito ng higaan. She rolled over lazily and laid back again after picking it up. Sinagot niya ito kahit hindi pa tinitingnan ang pangalan ng tumatawag. "Y-yes?" "Lil..." Namilog ang mga mata ni Lilith pagkarinig sa malambot na boses sa kabilang linya. "Oh, my God! Mother Gie! Thank God tumawag ka rin." "Hindi ko kayang tiisin ang beauty ng anak ko. Sorry ha, hindi ako maka-contact. Bisi-bisihan ang inahin mo, eh. Pero promise, malapit na akong bumalik at may surprise pa ako sa 'yo." Georgina giggled from the other line. "Surprise? Ano naman 'yan? Don't tell me another life-si

