Kumunot ang noo ni Lilith. "Nilayasan? Anong sinasabi mo? Kailan ko ginawa 'yon?" Ngunit mukhang hindi narinig ni Julian ang tanong ng nalilitong dalaga. "How f*****g great you talk about that. Bakit, sigurado ka bang ako lang ang manhid dito? Ako lang ba ang naglalaro ng damdamin ng iba?" "J-Julian, ano bang sinasabi mo?" Dahil sa sumisikip na espasyo, napatayo rin si Lilith. Halos wala nang pagitan sa kanilang dalawa kaya pumihit siya at humakbang palayo kay Julian, saka niya hinarap ang lalaki. She glared at him, her pitch rising. "Hindi ba, ikaw lang naman ang manloloko rito? Pinapaikot mo ang lahat ng mga babae na lumalapit sa 'yo. Pagkatapos, kung hindi mo sila i-da-dump, hinahayaan mo silang magpatayan para sa—ump!" Nalulon ni Lilith ang huling sinabi nang sugurin siya ni Ju

