It was lunch break at ITrends tower. Habang ang mga empleyado ay nagpapahinga sa kani-kanilang gawain, si Cas naman ay tila walang pakialam sa mundo. Nakaharap lang siya sa computer at abala sa pag-uungkat sa social media. Kung kanino? Walang iba kundi kay Cara. Matagal ding hindi binuksan ni Cas ang personal f*******: account ng dating nobya. Tuloy, tila bumalik siya sa nakaraan. Ang mga litrato nila ay nagpapaalala kung gaano sila kasaya noon. Kaya nga kahit limang buwan pa lang silang magkakilala simula nang makita itong walang-malay sa tapat ng dating maliit na boutique ng ITrends, batid niyang nahulog na ang kanyang loob sa dalaga. She fell in love with Cara fast yet hard. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa kung paano tumitig ang dalaga sa kaniya o kung paano siya asikasuhin nit

