Hindi mawari ni Meg kung anong magiging reaksyon nang makita niya sa pinto si Lilith. "What are you doing here?" tanong ni Meg na nakataas ang isang kilay. She popped her head out of the door just to check if someone was out there too. "Mag-isa ka lang ba pumunta rito? Where's Cas?" Lilith didn't respond at all. Pumasok siya at dire-diretsong sumugod sa kaniyang kuwarto. Throwing herself on the bed, she buried her head on the pillow and sobbed. Dali-daling pumasok si Meg sa kuwarto at umupo sa tabi ni Lilith. "Oh, my God. Lilith, anong nangyari? Nagkaproblema ba sa show?" Bumangon si Lilith at sumandal sa headboard. Namamaga na ang mga mata niya ngunit pinilit pa ring tumitig kay Meg. "I saw them. Cas and Samantha." "Ano?" Meg tilted her head. Bumuka ang bibig nito ngunit walang sal

