Matapos ang matagumpay na pagtatayo ng bagong Elite Model Management, inilunsad naman ng ITrends ang fashion show kasama ang British company na Blonde. Lubhang mahalaga para kay Lilith ang show dahil ito ang unang proyekto ng bagong Elite Model Management. Gayunman, kahit siya na ang boss nito ay sumama pa rin siya sa mga rarampa. Nasa backstage na ang limampung modelo. Lahat sila'y naka-wig na blonde at iisa ang style ng make-up. Ang mga suot nila'y street style na jeans at hanging top. Habang kausap ni Lilith ang nagma-manage sa pagrampa ng mga modelo, nahagip ng kaniyang paningin si Cas na nakangiting lumalapit sa kaniya. Nag-excuse muna siya sa kausap at sinalubong ang binata ng halik sa labi. "Anong ginagawa mo rito? Iniisip mo bang delayed na naman ang show dahil kulang ang mga

