TAHIMIK ang dalawa habang naghihintay. Hindi nagtagal si Cas ang unang nagsalita.
"S-so...you're a model." Ang totoo'y kanina pa siya naghahabi ng sasabihin, ngunit ito lang ang lumabas sa bibig niya. Kahit na matagal silang nagkakwentuhan noong unang pagkikita, may ilang bagay pa ring hindi nababanggit ang dalaga sa kanya. "Kaya pala ganyan ang tindig mo."
Nakangiting nagtaas ng isang kilay si Lilith. "Ikaw nga, sabi mo office worker ka. We're just even."
Hindi niya masisisi ang dalaga kung hindi siya nakikilala hanggang sa ngayon. Ang totoo'y kahit sa sariling kompanya, ikinukubli niya ang tunay na position. Minsan nga'y nagpapanggap siyang assistant lang ni Don, minsan nga'y intern pa. Ito'y upang makita niya ang tunay na kalagayan ng trabaho sa ibang anggulo.
Dalawang pares na lang at sila na ang lalakad. Hindi inaasahang hinawakan ni Lilith ang kamay ni Cas. "I'm really glad you're my partner for this show, Cas. By the way, you look very attractive."
Sa isip ni Cas, hindi niya maituturing na kasuotan ang nasa katawan niya. Wearing a scanty piece that almost nothing was being covered made him quite ashamed. Para sa kanya, hindi na siya ramp model kundi isang taong nagpapatakbo ng fashion company. Anyway, it was a genuine Samantha Lee creation. Kahit papaano'y proud pa rin siya. 'Yon nga lang, sa sariling kakayahan siya nag-aalangan.
"What if I fail this show, Lilith? Hindi naman ako nakapag-rehearse."
"No, you won't. Hindi ka naman kukunin ni Georgina kung alam niyang hindi mo kaya. Sa tindig mo pa lang, mapapanganga mo na sila."
Malaking bagay para kay Cas ang mga komplimentaryong galing kay Lilith. She made him sigh in relief. She made him relax, releasing the confidence he needed for that damn runway.
Paglabas nila'y nagsipalakpakan na ang mga manonood. Sinusundan ng camera ang bawat hakbang nila. Sabay na huminto sa dulo at sabay na tumalikod sa audience na magkahawak-kamay.
Agad na hinila ni Georgina si Cas sa dressing room at pinasuot ang blue-black na swimming trunks. Muli siyang bumalik sa backstage at naroon na si Lilith na napaka-seksi sa suot na bluish black bandeau swimwear. 'Di naiwasan ni Cas na mapalunok. The woman was smoking hot as hell. Sa totoo lang, hindi lubos maisip ni Cas na sa ganitong suot niya muling makikita ang dalaga.
The first time they had met, the woman wore fitted top and tights. Ngayon naman, two-piece. Paano na kaya sa susunod? May suot pa kaya ito kapag muli silang magtagpo? Cas shook his head, dismissing that stuborn erotic image flickering inside his head. Baka tigasan pa siya at mahalata ang tinatago kung patuloy na maglalakbay ang isip.
Bago sila tuluyang makita sa crowd, nilapitan sila ni Samantha. "You got this, Cas!" aniya. Nang mapatingin siya sa kamay ng binata na nakahawak sa maliit na baywang ni Lilith, naglaho ang ngiti niya.
Nakatalikod na ang dalawa nang tumawag si Georgina. "Lil!"
"Yes, Mother Gie?"
"How about a little drama out there?" nakangising sabi ni Georgina.
Naintindihan naman ito ni Lilith. "Okay, sabi mo, eh."
Sa hudyat ng administrator ay muli silang rumampa sa runway. Kung anong inilakas ng hiyawan kanina ay mas masigla pa ngayon. Kabi-kabila ang flash ng mga camera. Muli silang huminto sa dulo at bago tuluyang tumalikod, bumulong si Lilith kay Cas.
"Grab me!"
"What? What do you mean?"
"Just grab me!"
"Fine." At ipinulupot ni Cas ang kaliwang braso sa maliit na baywang ni Lilith saka niya kinabig papunta sa kanya. Sa sobrang lapit ay halos magkadikit na ang mga ilong nila at gahibla na lang ang pagitan ng mga labi.
Ilang segundo rin silang ganito. Tahimik na tinititigan ni Cas ang mga nangingislap na mata ni Lilith. That intense gaze from him made her burn in anticipation... and desire.
"You're doing good. They liked it," bulong ni Lilith.
"How about you? Do you like this?"
"Yes."
"So, what do I do next?"
"Kiss me," namumungay ang mga mata na tugon ni Lilith.
"You sure?"
"Yes. I'm sure as hell." Tila wala sa sarili si Lilith. Thanks to this seductive almost naked man who was just one kiss away from her thirsty lips. He was paralyzing her senses. Tanging nadarama niya ay ang malakas na t***k ng puso kasabay nang paglapat ng kanilang mga labi.
"Oh, my God! They've just kissed!" sigaw ng isang blogger na nasa harapan ng stage.
Segundo lang ang halik na iyon pero tangay nito ang hininga ni Lilith. Buti na lang hindi siya masyadong natulala. Natauhan din siya noong lumakas ang hiyawan. It was her fault afterall. She dared him... at hindi niya akalaing kakagatin ng binata ang palabas niya.
Ngayon, kahit nakatalikod na sila't rumarampa pabalik sa backstage, ang diwa niya'y nasa halikan nila sa catwalk.
MATAPOS ang show, isang malaking party ang ginanap sa napakalawak na function hall ng ITrends. Naroon ang mga sikat na tao sa fashion world at nakikisaya sa isa na namang matagumpay na launching ng Samantha Lee Apparels.
Abala ang lahat sa pakikisalamuha, maliban kay Cas na nasa isang table, nag-iisang umiinom ng champagne. Habang pinaiikot sa loob ng baso ang alak, umiikot din sa isipan niya ang tagpo nila ni Lilith sa catwalk.
Hinding-hindi niya malilimutan ang ekspresyon ng dalaga noong ipinulupot niya ang mga bisig sa baywang nito. Lilith's pretty face blushed but her brown eyes burned with excitement. And damn those teasing red lips, Cas almost forget his own name when they kissed on stage. Ngayon, kahit dalawang basong alak na ang itinumba niya, ang mga labi pa rin ng dalaga ang nalalasahan niya.
"Musta naman ang supermodel of the year?"
Nahinto ang paglalaro ni Cas sa ikatlo niyang baso nang mapunan ang upuan sa tabi niya.
"Ikaw, ang daya-daya mo talaga. Iniwan mo akong ginigisa ng mga reporter. Nagtatago ka lang pala rito."
"Sam." Umukit ang ngiti sa mga labi ni Cas. "Sorry. Alam mo namang hindi ako sanay sa media at mas gusto ko 'yong nagtatago sa opisina ko."
"Yeah, I know." Pumulupot ang mga braso ni Samantha sa braso ni Cas. "Kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko sa 'yo. Thank you so much Cas dahil sinalo mo ang show."
"Come on, it's no big deal. Siyempre, tatanggihan ba naman kita?"
"Kaya nga. And we'll celebrate because of that." Sinalinan ni Samantha ng champagne ang baso niya. "For the company's success... and for our friendship."
"Cheers."
Nasa kalagitnaan si Cas sa pag-inom nang matigilan. Nawala rin kay Samantha at sa mga kuwento nito ang atensyon niya. Paano ba nama'y nahagip ng paningin niya ang kanina pa hinahanap. Lilith - the apple of his eyes - just walked passed him, grasping his whole system as if that woman was the only one existing in this world. 'Yon nga lang, hindi siya napansin ni Lilith dahil may mga kasama ito.
Ang totoo'y kanina pa niya gustong kausapin si Lilith. Ang kaso'y nagkahiwalay sila pagbalik sa backstage dahil pumagitna ang makulit na media at kung anu-ano pang entity ng fashion world.
"Hey, Cas. Nakikinig ka pa ba?"
Napakurap ng mga mata si Cas, hindi dahil sa tinawag siya ni Samantha kundi natanaw niyang lumuwas na ng function hall sina Lilith at ang mga kasama nito. Ang totoo'y hindi na niya naririnig ang kausap. Kaya kahit paulit-ulit na siyang tinatawag ni Samantha, umahon siya sa kinauupuan at dali-daling tinakbo ang pintuan.
Nakarating si Cas hanggang sa ground floor at pinahapyawan ang napakalawak na lobby ng building. May mangilan-ngilan pang tao pero karamihan sa mga ito ay mga staff at security guard.
Bumagsak ang kanyang mga balikat na tila pasan ang isang tonelada ng panghihinayang.
For the damned second time around, he'd lost that interesting woman again.
o0o
DAYS passed by.
Mula sa balcony, nakangiting tinanaw ni Cas ang pinagmumulan ng umaalingawngaw na boses sa labas ng gate. Kumaway siya at patakbong bumaba sa bahay upang pagbuksan ang jeep-type na sasakyan. Nang nasa garahe na'y isa-isang bumaba ang mga kabarkadang sina Josh, Vivi, Betty, at Don. They'd been best of friends since college. Nasa parehong kursong BSBA sila at magkakasama sa halos lahat ng lakad... at kalokohan. Nang makagraduate, sa ITrends din napunta. Ngayon, kapag nasa opisina, sir ang tawag nila kay Cas pero kapag kumakain sa canteen, nagyoyosi sa rooftop, o di kaya'y gumagala, tinatawag nila ang binata sa pangalan.
Nagningning ang mga mata ni Betty nang masilip sa pagitan ng mga higanteng halaman ang malawak at bughaw na swimming pool. "Hindi na 'ko makapaghintay na magbabad sa tubig. Ang init kaya ng biyahe!"
"Oo nga, ako rin! Tamang-tama, magagamit ko 'yong two-piece ko! Baka magmukha na 'kong model 'pag sinuot ko na!" ani Vivi na niyuyugyog si Josh.
Humalakhak naman ang payat na binata habang umiiling. "In your dreams. Mahiya naman kayo kay Cas. Dito pa kayo magkakalat ng lagim."
"Hoy, kapal mo talaga!" Ang malalaking mga mata ni Betty ay lalong nanlaki. "If I know, umorder ka nga 'nong brief na sinuot ni Cas sa fashion show."
"Eh, anong masama 'don. Tinatangkilik ko lang naman ang produkto natin."
"Weh!" Si Vivi naman ang sumabat. "Ang sabihin mo, gusto mo lang maging kamukha si Cas."
"Eh, lodi ko siya eh." muling bawi ni Josh sabay kindat kay Cas.
Bahagyang natawa si Cas. "I didn't know that."
Nagtaas ng kilay si Vivi. "Inggit na inggit kaya 'yan si Josh. Kasi super type niya 'yong kapareha mong si Lilith."
Nagkunot ng noo si Cas. "Kilala n'yo siya?"
"Oo naman!" Si Betty naman ang sumabat. "Bukod sa marami siyang TV commercials, prospect din siya para sa role na Darna sa channel 2. May rumors nga na sasali rin siya sa Binibining Pilipinas next year. Wait, 'di mo ba alam 'yon?"
Pakiramdam ni Cas ay pansamantala siyang naligaw. Where on Earth had he been burrowing these past few years para hindi niya malaman 'yon? Kahit noong unang pagkikita nila ni Lilith, hindi niya naisip na modelo ito sa kabila ng natatanging kagandahan. Kung sabagay, simula kasi noong bumalik siya sa bansa anim na taon na ang nagdaan, puro trabaho na lang ang inatupag niya. Kung manonood man siya ng TV ay laging nakatuon sa international channels.
"Oh, sige! Mauuna na kami sa taas at magma-marinade ako ng barbeque para sa pool party natin mamaya," sabik na wika ni Vivi.
Habang nagpapaunahan sa pag-akyat sa bahay sina Vivi, Josh, at Becky, naiwang nag-iisip pa rin si Cas. Nahalata ni Don ang kakaibang pananahimik ng kaibigan kaya kahit nais na niyang pumanhik at halughugin ang mga CD sa sala, pinili niyang sarilinin muna ang binata.
"Tama ka, Cas. Kamukhang-kamukha talaga niya."
Seryosong tumitig si Cas sa kaibigan. "Ewan ko ba, pare. 'Pag nakikita ko talaga si Lilith, pakiramdam ko nabuhay si Cara."
"Ibig sabihin ba no'n, gusto mo na siya dahil naaalala mo si Cara sa kanya?"
Hindi napigilan ni Cas ang mapangiti. Sa kanyang isipan ay nakaguhit ang magandang mukha ng dalaga. "I don't think so, Don. Magkaiba pa rin sila. This one's exceptional in any level."
For him, what he had with Cara couldn't be replaced. He would tresure their memory for the rest of his life. Pero wala na ang unang pag-ibig. Maaaring ang kabuuan ni Lilith ay nagpapaalala sa kanyang nakaraan. Pero ang nadarama niya para rito ay masasabi niyang bagong bagay.
Umarko ang makakapal na kilay ni Don. "Kung magsalita ka tungkol kay Lilith, parang nagkakilala na kayo dati, huh."
Hindi umimik si Cas. Lalo tuloy lumalim ang pagkaintriga ni Don.
"Wait, you already have her on a date just before that show?"
Katamihikan muli ang itinugon ni Cas, bagay na nagpahalakhak kay Don.
"No way. So you've slept with her al-"
"No! Ano ba 'yang mga iniisip mo?"
"Eh, ano nga?"
"Okay. Naaalala mo no'ng kinuwento kong pinasok ng mga magnanakaw 'yong pinupuntahan kong resto?"
Marahang tumango si Don. "Oo naman. Sabi mo nga 'di ba, tumakas ka sa exit."
"That's right. At naroon din si Lilith. Ginawa siyang hostage pero nailigtas ko siya bago pa dumating ang mga pulis. Ihahatid ko dapat siya sa kanila pero nakatulog sa biyahe, kaya inuwi ko rito."
Mangilang beses kumurap si Don. Tapos nang magpaliwanag ang kaharap pero ang isipan niya ay naroon pa rin sa parteng na-hostage ang modelo. Hindi niya kasi lubos maisip na sa loob ng ilang taon, masasangkot sa gulo ang kaibigan. Since Cas came back to Manila, his life was as plain as porridge. Ngayon lingid sa kanyang kaalaman, nagpaka-avenger na pala ang kaibigan.
"O-okay," ang tanging tugon ni Don. Pumanhik na rin siya sa bahay ngunit sa kalagitnaang hakbang ay natigilan pa nang may maalala. Natatawa pa siyang bumaling kay Cas. "Wait, 'kala ko ba hindi ka magpapa-link sa modelo?"
"Akala ko rin. But, I like her."
At iyon ang masalimuot na parte para kay Cas. Nang mawala kasi si Cara na isa ring modelo, sumumpa siyang hindi na mai-involve sa kagaya ng dating nobya. But unintentionally, he broke his damn oath in just a nanosecond after laying eyes on Lilith.
"So, ano na? Balita ko maraming umaaligid kay Lilith. Pa'no ka naman puporma?"
"We'll see. Basta hintayin na lang natin ang next issue ng ITrends magazine."
Nanlaki ang mga mata ni Don sa pagkamangha. "Wow, mukhang may plano ka na pala."
Itutuloy...