"NO, FULLY booked na si Lilith Ocampo. Goodbye," ani Julian nang ibagsak ang telepono.
Padabog na tumayo si Lilith. Nakakuyom sa gilid ang mga kamay niya. "Bakit sinabi mo 'yon? I want that contract." Bumaling siya kay Georgina. She was eyeing at him as if asking for a back up. Pero nagkibit-balikat lang ang manager. Gustuhin man nito, wala pa ring ibang masusunod sa Elite kundi ang boss nilang si Julian Grayson.
Natawa si Julian na tinatapik-tapik ang telepono. With that sharp and enticing gazes plus a confident smile, he motioned Lilith to get her pretty ass back on the chair. Pilit na sumunod ang dalaga. "Alam ko kung gaano ka-importante ang ITrends. It's the best player in the fashion industry."
Lilith's jaw dropped. "'Yon naman pala. So why did you turn it down?"
"Relax, darling. They will surely call back. When that happens, tingnan natin kung mababago nila ang isip ko," ani Julian sabay kindat.
"Unbelievable." Gustong matawa ni Lilith sa isip, hindi dahil natutuwa siya kundi naiirita sa kaharap niyang sa sobrang kampante ay nakataas pa ang leather boots sa mamahaling oak desk. Sabagay, bakit pa siya magtataka? Hindi lang ITrends ang tumawag na ni-reject ni Julian. In fact, pang-labintatlo ito sa gustong kumuha kay Lilith.
Pero walang magagawa ang dalaga dahil ganoon talaga ang kalakaran sa modeling world. They were selling the girls to the client who offered to pay the most generous amount. Para silang antigong gamit sa auction house na ibibigay lamang sa highest bidder.
"Ang mabuti pa, umuwi ka na muna, Lilith honey. Bukas na bukas din, siguradong naka-booked ka na," malambing na pahabol ni Julian habang inaayos ang mga cufflink ng kanyang mahabang mga manggas.
"Fine. Sige, mauuna ako. Excuse me. Mukhang wala rin naman akong magagawa anuman ang desisyon mo." Napabuntung-hininga si Lilith na nilisan ang opisina ng Elite. Umalis siyang hindi man lang alam kung saang studio dadalhin ng karera niya bukas.
I really hate CEOs. Ang hirap pakisamahan. Ang weird mag-isip!
Hanggang sa makauwi sa apartment, hindi pa rin siya tinitigilan ng panghihinayang. Sa lahat ng gustong kumuha ng kanyang serbisyo, isa lang ang pinakatatangi niya, walang iba kundi ITrends. Hindi dahil sa ito ang pinakasikat na clothing company katulad ng Bench at Penshoppe. Nais niyang dito magtrabaho upang makita si Cas. Gusto nga sana niyang kausapin ito pagkatapos ng show noon ngunit kausap nito si Samantha Lee.
Noong huling beses nga na magkita sila, halos lumundag ang kanyang puso. Hanggang ngayon nga'y nai-imagine pa rin niya ang binata noong ang suot nito'y trunks lamang. His bronzed complexion suited his powerful body. He was like a golden Adonis for God sake! She'd never seen anyone as sexy as him before.
Ngayon, may chance na siyang makita itong muli. Pero iyon ay kung tatawag pa ang ITrends. Dahil sa laking magpataw ng boss niyang may pagka-b***h, marahil hindi na papatol ang inaasam-asam na fashion company. Anyway, they had their own set of models - like Cas -under House of Farrah. So why wasting money for other models like her?
"Hey, Lil! Are you with us?"
"Ano ba!"
Halos mapalundag si Lilith nang tamaan ang mukha niya ng malaking throw pillow. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang mukha at napasimangot nang mamataan ang isang balingkinitang pigura na nakatayo sa kanyang harapan.
"Really, Meg? Kailangan mo pa talaga akong batuhin?"
"Oo! Kasi naman, pagpasok mo pa lang tulala ka na... hanggang sa makaupo ka." Ngumisi ang matangkad na blonde. "Ano ba kasing iniisip mo?"
Lilith chewed her bottom lip. Paano siya mag-uumpisang magkuwento gayong halu-halo ang umiikot sa isipan niya.
Umayos siya ng pagkakaupo at doon napansin ang babaeng nakaupo katabi ni Meg. Papalit-palit ang atensyon nito sa kaniya at sa pinapanood nila. Brunette na paalon-alon ang buhok nitong hanggang dibdib. Mahaba ang mga binti, maliit ang mga braso at baywang. Ang mga mata'y mapupungay, tila nangungusap.
"May bisita pala tayo."
"Hindi siya bisita, Lil. She's Katie Harte. Galing Ford's Agency at ngayon lumipat na siya sa Elite. Well, dito na rin siya titira sa apartment natin."
"Wow." Nanlaki ang mga mata ni Lilith. Hindi niya akalaing ang modelong nakikita lang niya sa mga fashion show at mga commercial sa telebisyon ay nasa harapan niya. "Nakakatuwa naman at sa Elite ka lumipat." Tipid na ngumiti si Lilith. Ngunit sa loob niya ay namumuo ang pagtataka. Kilalang respetadong modeling agency ang Fords. Maganda rin ang pamamalakad doon kaya hindi niya lubos maisip kung bakit lumipat si Katie. Gusti man niyang tanungin, pinigilan niya ang sarili. "Welcome home nga pala. So, mukhang kailangan nating mag-celebrate dahil kasama na natin sa pamilya ang isa sa pinakasikat na modelo sa Pilipinas."
"Salamat, Lilith. I mean Ate Lilith." Ngumiti ito at lumingon naman kay Meg. "Okay lang ba na mag-ate ako sa inyo? Wala maman kasi akong kapatid."
"Yeah, sure." Meg stood up, looking at Lilith and waved her hand as if dismissing herself. "Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na 'wag akong tawaging ate. Mapilit pa rin. So I guess , hahayaan ko na lang na tumanda ako dahil sa pag-aate niya."
"Ano ka ba, Meg. Ang sweet nga , 'di ba?" Lumipat si Lilith sa tabi ni Katie at tinamik ang mga kamay nitong nasa hita. "Oo naman, Katie. You can call us ate. At masanay ka na rin kay Meg. Ganyan lang 'yan pero sobrang bait naman."
Meg shruged off and said, "I'll leave you two here. Mag-sho-shower lang ako."
Nang umalis na si Meg at lumawak ang pagkakangiti ni Katie. "I agreed. Kasi pagdating ko kaninang umaga, nag-offer agad siya ng food."
"Really? Sabagay, magaling kasi sa kusina si Meg. Sa kanya nga ako natutong magluto. Hindi magtatagal tuturuan ka rin niya," ani Lilith. Dinampot niya ang remote control at binuksan ang TV. "So, do you watch news at this hour?"
Tumango si Katie at kumiling sa TV. "Oo naman."
o0o
Nang gabing iyon, habang sabay-sabay na naghahapunan ang mga modelo, dumating si Georgina sa apartment na may malawak na ngiti. Si Lilith agad ang hinanap niya at kahit nasa kalagitnaan pa lang ng pagkain ay hinila niya ang dalaga sa sala upang makausap nang pribado.
"Guess what?" ani Georgina. "You've been booked to ITrends! At bongga ang coverage mo, girl - apparel, cosmetics, at scents. Ikaw ang new endorser ng newest products nila!"
Napatakip ng bibig si Lilith. She wanted to scream on top of her lungs, 'yon nga lang baka magligalig ang mga kasama niya sa bahay. Kaya kinagat niya ang labi at pilit na pakalmahin ang sarili. "I... I can't believe-"
"I know right!" ani Georgina na nagtaas ng kilay. "Ikaw ha! Kahit sobrang nakakaloka ng presyo ni Julian sa 'yo, kinagat pa rin ng ITrends. Bet na bet ka talaga nila."
Kumunot ang noo ni Lilith. "Bakit, magkano ba ang hiningi ni Julian?"
"Ah, basta. Malalaman mo 'pag silip ng account mo. Sa laki no'n, puwede ka nang magtayo ng sariling modeling agency kagaya ng pangarap mo."
Napangiti sa isip si Lilith. Alam na alam talaga ng manager niya ang gusto niya. Sabagay, simula pa lang noong dumating siya sa bansa anim na taon na ang nakararaan, si Georgina na ang nag-alaga sa kanya.
"Lilith? Mother Gie?"
Sabay na lumingon ang dalawa sa dako ng dining. Kapwa sila napakurap.
"Oh, hi Meg! Kanina ka pa?" Tumayo si Georgina at nilapitan ang blonde na dalaga upang makipagbeso.
Ngumiti nang abot-tainga si Meg. "Hindi naman. Pero aayain sana kitang uminom ng champagne," aniya at iniabot sa manager ang flute.
"Wow! Hindi ko tatanggihan 'yan. Dahil may dahilan tayo para mag-celebrate. Una, ang contract ni Lilith sa ITrends. Pangalawa, ang pag-imbita sa 'kin sa Milan Fashion Week. Mawawala nga ako nang ilang buwan dahil may seminar pa. Pangatlo, ang paglipat ni Katie Harte sa Elite!" Walang patid na tinungga ni Georgina ang tall glass.
Tumagal ang inuman nila hanggang alas-onse. Pansin ni Lilith na nanghihina na si Georgina kahit na walang humpay ang paglagok nito. At nang muli itong tumagay, natumba na ang mukha sa center table, bagay na ikinabigla ng tatlong modelo.
"Oh, my God, Lil! Nahimatay na si Mother Gie," singhap ni Meg.
"W-wait, okay lang ba siya?"
Nagbuntong-hininga si Lilith. "Ayos lang siya, Katie. Ganyan talaga si Mother Gie. Umiinom hanggang sa bumigay na ang katawan." Bumaling siya kay Meg na nanliliit ang mga mata. "Bakit kasi inaya mo siyang uminom? Alam mo namang wala siyang control pagdating sa alak."
Natatawang nagkibit-balikat si Meg habang hinihimas sa likod ang nakasubsob na manager. "Not my fault, okay? Siya na rin ang nagsabi na may selebrasyon tayo."
Bago pa man tuluyang masuka si Georgina, Pinagtulungan ng tatlo na buhatin ang malusog na katawan ng manager sa guest room. Ilang minuto pa'y si Lilith na lang ang naiwan sa silid. Pinupunasan niya ito ng maligamgam na bimpo upang mahimasmasan.
"Mother Gie. Magpahinga ka na. May lakad pa tayo bukas, remember?"
"Oo nga pala, noh? Sige... sige. Gisingin mo ako, ha. Baka ma-late tayo sa shoot. Ayaw ko namang maging dahilan para masira ka sa ITrends. Kasi sa lahat ng mga alaga ko, ikaw ang paborito ko. Oo, bakla ako pero pakiramdam ko, ako ang tunay mong ina." Nagpunas ng mga luha si Georgina. Gumagaralgal ang tinig dahil sa mabagal niyang pagsasalita. "Naaalala ko, sixteen ka lang at napaka-simple noong una kitang na-handle. Ngayon kahit bigtime ka na, hindi ka pa rin nagbabago. Hindi katulad ng iba na nagkaroon lang ng commercial, akala mo kung sino na."
Batid ni Lilith na likas na ma-drama at madaldal si George or Georgina kapag lasing. Kaya sinasakyan na lang niya ang mga sinasabi nito. "Ano ka ba. Siyempre 'di ka makakasira sa 'kin. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit hindi ako napariwara sa modeling world."
Naghikab na si Georgina. "Hindi ko naman hahayaan 'yon, 'no. Saka marunong kang makinig kaya maayos ang landas mo. Hindi ka naman katulad ni Katie Harte."
Natigil sa pagpupunas si Lilith. "What do you mean? Bakit ano ba si Katie?"
"Matigas ang ulo ng batang 'yan." Dismayadong bumuga ng hangin si George. "Eh, kabit lang naman ng boss mo. Ewan ko ba. Sobrang ganda naman ng asawa niyang supermodel, nakikipaglandian pa rin sa ibang modelo."
Seryosong tumitig si Lilith sa manager. "Really?"
"Oo. At kaya lumipat si Katie sa Elite ay dahil natatakot siyang iwanan ni Julian. Ibang klase talaga 'yang boss mo. Matinik!"
"Pero seventeen lang si Katie. Papatol ba naman siya kay Julian?"
Napahalakhak si Georgina. "Wag mong maliitin ang kamandag ng lolo mo. Kahit thirty-eight na siya, habulin pa rin ng mga inosente at magagandang dilag. Tititigan lang niya sa mata ang prospect niya, and in five minutes maghuhubad na ng panties ang bibiktimahin niya!" Namula siya sa kakahalakhak.
"Mother Gie, please lower your voice. Baka marinig tayo sa labas."
"I don't care! Nagsasabi naman ako ng totoo. Hindi ako ang dapat mahiya kundi ang Katie na 'yan. Di niya alam, iiwanan din siya ni Julian kapag nagsawa na ang loko. In my ten years of modeling business, I've seen more than a dozen of models scratching and screeching at his door. Grabe, kawawa talaga ang mga modelo na dina-dump ni Julian. That jerk just wants to f**k poor girls."
"Grabe naman," bulong ni Lilith. Tila nanlambot sa narinig.
"Pero Lilith, gusto kitang bigyan ng warning. May iba pang dahilan kaya pinatira ni Julian si Katie dito sa model house n'yo. Matagal ko na 'tong gustong sabihin pero... pero..."
Kumunot ng noo si Lilith. "Ano 'yon?"
Walang tugon.
"Mother Gie?"
Pasinghap na dumilat si Georgina. Tila naalimpungatan. "Huh? May sinasabi ka?"
"Mother Gie, ano pang dahilan kaya nandito si Katie? Bakit dito nilagay ni Julian ang babae niya?" ani Lilith. Dinig niya ang pagtaas ng naiiritang tinig.
"K-kasi... kasi g-gusto n-niyang... gusto ka niyang..."
At tuluyan nang nakatulog si Georgina. Natagpuan na lang ni Lilith na tagus-tagusan ang paningin niya sa manager. Lalo tuloy gumulo ang nilalaman ng kanyang isipan."