Lilith was tapping her fingers impatiently as she sat around ITrend's studio hall. Tumingin siya sa relos; alas-dos na pero wala pa rin ang mga taong hinahanap niya. Sabagay magtataka pa ba siya gayong napakaaga niya. Alas-kuwatro pa ang photoshoot.
Ako na talaga ang excited!
Sinubukan niyang tawagan si Georgina habang naghihintay ng oras pero hindi ito makontak. Napansin na lang niyang may bagong mensahe; I'm sorry Lil. Akala ko carry ko na ang hangover since nakapag-drive na 'ko this morning. Pero heto nagsusuka naman ako. Bawi na lang ako sa next shoot mo.
No worries. Sige pahinga ka lang muna, reply niya sabay buntong-hininga.
Hanggang ngayon nakarehistro pa rin sa isip ni Lilith ang inamin ni Georgina kagabi - nakatira sa model apartment nila si Katie dahil may motibo si Julian. Ang kaso hindi ito nasabi dahil nawalan ng malay si Georgina. He/she was too wasted to brust out that damn information. Kaya nga ngayong umaga, gusto sana niyang ungkatin ito sa mga labi ng manager niya. Ang problema, hindi siya sigurado kung naaalala pa nito ang mga nasabi kagabi.
"Lilith Ocampo is here!"
Umangat ang mukha ni Lilith sa balingkinitang babae na nagbukas ng pinto. Sa suot nitong sleeveless blouse at tights ay parang nasa bahay lang, ngunit ang kolorete sa mukha ay tila dadalo ng prom.
Tipid na ngumiti si Lilith. "Hi."
Sumilip sa relos ang bagong dating. "W-wait... late ba ako? Na-adjust ba ang shoot?" tanong niyang nag-aalala.
Umiling si Lilith. "Naku, hindi. 3 P. M. pa rin ang alis natin. Napaaga lang talaga ako ng dating."
Nakangising tumabi ang babae kay Lilith. "Totoo nga ang sabi nila. Napaka-punctual mo talaga. Bihira ang kagaya mo sa mga modelo, you know that? By the way, ako nga pala si Marie, hair and make-up artist mo." Hindi siya nag-aksaya ng oras at kinamayan si Lilith. Nabaling sa buhok ng modelo ang paningin nito. "Wow, napaka-radiant naman ng hair mo. Parang nakakatakot pakialaman."
"Oh come on. May tiwala ako sa inyo. I know you will take good care of me," ani Lilith.
"Ay, totoo 'yan!" Sa sobrang sabik ay tumayo si Marie at inaya niya sa makeup table si Lilith. "Ano na'ng bahala sa 'yo."
Lumipas ang kalahating oras at tapos na ring ayusan si Lilith. Foundation neutral, eyelids dusty brown, mascara dark, cheeks light bronze. To complete her sensational silky look, Marie applied soft touch of bloodred lipgloss on her plump lips.
"Oh-lala... so... so vixen," bulong ni Marie habang kinukulot ng wand ang buhok ni Lilith.
Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may nakasabit na mamahaling kamera sa kanyang leeg. "Wow, guess everything's ready?"
Napangisi si Marie. "Oh, nandito na pala ang hunk na photographer ng ITrends! Well, what do you think of my masterpiece, honey?"
"Who?" Mula sa salamin, sinulyapan ni Lilith ang tinutukoy ni Marie.
"Flawless," anang photographer. Nang mapansin nitong nakatitig si Lilith sa kanya, tumango ito sa salamin. "You're Lilith, right? Hi, I'm Patrick."
For some reason that sultry brown gazes from the photographer made her uncomfortable. Ganoon ba talaga ito tumingin? O mapungay lang talaga ang mga mata nito kaya aakalain na nang-aakit na.
Yaman din lang na nakuha nito ang atensyon niya, pinagkaabalahan na rin niyang pag-aralan ang kabuuan nito. The man was tall. Dark blonde hair was thick, falling around his head in casual disarray. Square smooth jawline. Simpleng T-shirt na nakatupi ang mga manggas at jeans lang ang suot nito ang yumayakap sa matipunong mga kalamnan. He was also fair, tila hindi nagpapaaraw.
"Oh, hi Patrick. I'm happy to meet you." Tumayo si Lilith sa make-up table at kinamayan ang photographer. "Ikaw pala 'yong kanina pa kinukuwento ni Marie."
"Talaga? Anong sinasabi niya tungkol sa 'kin?" tanong ni Patrick na biglang nanliit ang mga mata kay Marie.
"Na galing ka sa Elite New York. Kaya nga feeling ko sobrang special ko kasi international photographer ang makakatrabaho ko," ani Lilith.
"Well that's because you deserve to be treated like a VIP. Saka ang alam ko, sa Big Apple ka rin nag-umpisa. Malaking bagay para sa ITrends ang maging endorser ka."
Isang tipid na ngiti ang tugon ni Lilith sa papuri. Mas lalo tuloy niyang nadarama na tila at home siya dahil lahat sila'y mainit ang pagtanggap sa kanya. Palagay ang loob niya sa bawat empleyadong nakilala niya ngayong araw. Isa na lang talaga ang kulang - ang makita si Cas.
Ilang saglit pa, sumakay na ang team sa location van. Katabi ng driver ang editor ng ITrends Magazine na si Elizer. Walang sandali na hindi ito nakikipag-usap sa phone. Sa likod nila ay si Marie at Tonio na assistant nilang lahat. At sa likod naman nila'y naroon si Patrick at Lilith.
"Saan nga uli tayo pupunta ngayon?" usisa ni Lilith habang nasa kalagitnaan ng biyahe.
Bumaling si Patrick sa katabi. "South Paradise Beach Resort. Nandoon na tayo in one hour."
"Malapit lang pala." Lumingon sa bintana si Lilith at pinagmasdan ang tanawin sa labas.
"By the way, how's Julian Grayson?"
Napakurap si Lilith na kumiling sa photographer. "Julian? Kilala mo siya?"
"Yes. I used to be an assistant to him noong photographer pa lang siya sa Elite. Magkasama kami hanggang sa ma-promote siya bilang model scout. Pero no'ng dinala niya ang Elite sa Manila, wala na akong balita sa kaniya dahil naiwan ako sa New York."
"Oh," namamanghang bulong ni Lilith. "Hindi ko alam na naging photographer pala si Julian. Saka parang hindi naman kita nakikita dati."
Matagal na nag-isip si Patrick bago sumagot. "Baka hindi mo lang ako naaalala... pero ang totoo, ako ang una mong nakilala sa Elite."
"Ang alam ko, si Julian ang nag-alok sa 'kin para maging modelo. Tinanggap ko naman agad kasi pumayag naman ang grandparents ko."
Katahimikan ang tugon ni Patrick. Hanggang sa nagbuntong-hininga na lang siya na tila gusto nang itapon ang topic na siya ang unang bumukas. "Well, baka ibang tao ang naaalala ko. Don't mind it na lang."
"Okay. Don't worry babanggitin kita kay Julian 'pag nagkita kami mamaya sa Elite."
"No!"
"B-bakit hindi?"
"I... I mean kahit hindi mo na ako ipaalala sa kanya. Baka hindi na rin niya ako narerecognize kasi marami siyang naging assistant. Magsasayang ka lang ng oras."
"O-okay." Tila hindi kumbinsido si Lilith. Gayumpaman pinili na lang niyang ihulog ang usapan.
Matapos ang isang oras na biyahe, nakaabot din sila sa resort. Alas-kuwatro na 'yon, perpektong oras para isagawa ang pictorial sa tabing-dagat dahil mababa na ang araw. The sunset was creating yellow and orange clouds in the sky, making the setting melodramatic. Ito ang scene na gustong makuha ni Patrick sa likuran ni Lilith.
Nagsimula ang photoshoot na naka-tankini si Lilith. Pagkatapos nito, hanging blouse na litaw ang napaka-flat niyang abdomen at makinis na hita sa bikini. Huling sinuot niya'y fitted denim galing sa J's Apparel na parte ng ITrends collection. Wala siyang bra upang madiin sa jeans ang attention. Mga kamay lamang niya ang tumatakip sa dibdib.
Hindi lang si Lilith ang humahanap ng tamang pose. Kahit si Patrick ay kung anu-ano ang posisyon, makakuha lamang ng tamang anggulo. Hanggang sa mag-thumbs-up na si Patrick at ipinasa kay Lilith ang suot nitong maong jacket.
"Great. Let's call it a day. Lilith. Bukas ang next sched natin," ani Patrick na nire-review sa camera ang mga kuha niya.
Habang isinusuot ni Lilith ang jacket, pinagmamasdan niya si Patrick. Lihim siyang napangiti. Her almost naked form was in front of his keen eyes pero hindi niya nakitaan ng malisya ang binata kanina, iba sa mga nakilala niya dati na normal nang makipag-flirt habang nasa pictorial. Napaka-professional ng isang ito. At ngayon magkaharap na sila ngunit hindi pa rin siya pinapansin dahil sa kamera ito nakatingin. Siguro ganoon lang talaga ang mga photographer - masyadong metikuloso sa mga larawan nila. Hindi nagtagal ngumiti ang binata. "Your face haven't change that much. No wonder he's keeping you for the longest time, Cara. He's still f*****g fond of you."
"Cara?" Napasalubong ang mga kilay ni Lilith. "Patrick, sino'ng tinutukoy mong Cara?"
Doon lamang nalipat sa kanya ang atensyon ng photoghraper. Kumurap ito nang ilang beses na tila binuhusan ng tubig. "I'm sorry?"
"You said Cara while scanning through my photos. Bakit, sino ba siya?"
Lalong nagnipis ang mga labi ni Patrick. Nag-iwas ito ng tingin kay Lilith. "Wala 'yon, Lilith. Maybe, pagod lang ako kaya kung anu-ano na ang nasasabi ko." Itinabi na nito ang camera at itinutupi na ang tripod. "Let's go? Gumagabi na rin."
Bumaling si Lilith sa asul na dagat na unti-unting inaagaw ng dilim. "Gusto ko pa sanang mag-stay. Okay lang ba sa team na maiwan muna ako?"
"Pa'no pag-uwi mo ng Manila?"
"I can call someone to fetch me. Don't worry, okay lang talaga. Besides, minsan lang akong makapag-relax sa beach."
Tumango si Patrick. "If that's what you want." Siya naman itong tumanaw sa dagat na ngayo'y mas lumalakas ang hampas sa baybayin. Ang maligamgam na hangin na gumugulo sa kanyang buhok ay hindi nito pinagkakaabalahang hawiin nang bumalik ng paningin kay Lilith. "You know what, kung hindi lang ako magiging busy sa mga photos mo for the magazine, sasamahan kita."
Mariing umiling si Lilith. "No... no. Okay lang talaga ako rito."
"You sure?"
Marahang tumango si Lilith. Ngunit hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan si Patrick sa kabila ng mabibigat na kagamitan sa kanyang mga kamay. Doon napansin ni Lilith na kalat-kalat na ang buhok ni Patrick kaya natukso siyang hawiin ito para sa binata. She smiled mentally. Napakalambot pala ng buhok nito. "Thanks for the concern, Patrick. Ngayon lang tayo nagkita pero magaan na ang loob ko sa 'yo. Hayaan mo, kung magkakaproblema ako sa pag-uwi ko mamaya, ikaw ang una kong tatawagan. I have your calling card naman, 'di ba?"
"Right." Sinserong ngiti ang ipinamalas ni Patrick na nagpakita ng maliit na biloy sa kaliwang pisngi. "Okay. Just promise to let me know kung uuwi ka na."
"Promise."
Nanlaki na lang ang mga mata ng ni Lilith nang imbes na sumagot ang binata, isang mainit na halik sa pisngi at noo niya ang iginawad nito. That sudden act from him flabbergasted her a bit. Gayumpaman pinilit niyang itago ang nadaramang kabog ng dibdib at tipid na ngumiti. Ilang saglit pa, wala na ito sa paningin niya.
It was full moon. Light appeared quite a pale blue, drawing white path across the sea's dark surface. Pati ang balat ni Lilith ay nangingislap sa liwanag na hatid nito. Kung may dala siyang mga damit, hindi muna nanaising umuwi ni Lilith nang ilang araw. The placid mood of the beach made her nerves calm. Kaya nga naisipan niyang mag-overnight na lang sa resort.
Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang sumagi sa isip ang isang tao. It was Cas... again. Iniisip niya kung bakit hindi ito nagpakita kanina gayong halos lahat ng mga modelo ni Farrah ay natagpuan niya sa studio. Mayron kaya itong ibang kontrata? Naka-booked ba ito sa ibang bansa? Nasa ITrends pa kaya ito? Tila kinakain na siya ng frustration. She wanted to see him again. Hindi man niya malaman ang eksaktong dahilan, nais niyang makitang muli si Cas.
"I swear 'pag nagkita kaming muli, hindi ko siya hahayaang mawala na sa paningin ko." Lilith laughed to herself. Umahon na siya sa tubig at tinungo ang cottage.
Itutuloy...